Chapter 30: Is It Real?

26.6K 472 10
                                    

Athena's POV

Gulat at pagtataka. Madaming tanong ang naglalaro sa isipan ko pero hindi ko alam kung paano uumpisahang magtanong.

Like how come she has our family loom considering that she is a Santillan? Bakit ngayon lang ito nagpakita sa amin? Why in a crucial point when every group has their own battles?

"Bakit ngayon ka lang nagsabi? Bakit ka nagpakilalang Yexel at nag-apply pa sa Nine Flowers?" diretsong ni Andrew.

If I was shocked, what more him? Siya ang binigyan ng misyong hanapin si Zachary David whom we thought all along was a guy but she's not.

She's a beautiful alluring sexy goddess. She looked so young despite her age. Is she the real Zachary David?

"Dahil yun lang ang paraang alam ko para makalapit sayo. Sobrang mailap ka emperor." Humithit ito sa hawak niyang sigarilyo bago muling nagpatuloy. "Kung hindi ako ang gagawa ng paraan, malamang mukha pa rin kayong tanga kakahanap sa akin." Simpleng sagot nito.

"How come you have our family loom? Eh kakasabi mo lang na Santillan ka di ba?" Takang tanong ko sa kanya.

Hindi naman kasi basta-bastang magkakaroon ang kahit na sino ng loom na iyon. Lalo na kung hindi sila tunay na Ricafort.

"I am a Santillan by blood but I am a Ricafort by heart, mind, body and soul. Nabubuhay ako para paglingkuran ang pamilya niyo." Sa tono niya parang sinasabi niyang utang na loob siya sa amin na hindi ko malaman kung ano. "i owe your grandfather big time kaya handa akong gawin ang kahit na ano para sa pamilya niyo."

Ano naman kaya ang nagawa ng pamilya ko para sa kanya at handa siyang gawin ang lahat para lang sa amin? Lalo akong nacucurious kung ano nga ba iyon.

"So kung naglilingkod ka para sa pamilya nila, then why the hell did you showed up on Nine Flowers?" Andrew

"Dahil iyon ang bilin ni Fire bago siya mamatay. Ipinagtapat niya sa akin ang lahat bago siya inatake noong nakaraang taon." She looked straight into my eyes. "I had always wanted to be a Ricafort and I really despise being a Santillan but your grandfather always reminds me of one thing."

Tumitig siya sa kawalan. "You might be a Santillan by blood but I know deep inside your heart, you are a Ricafort."

"Yun ang palaging pinapaalala ng lolo mo Athena. Palagi niya ring sinasabing ayaw niya ipagdamot ang pagkatao ko dahil lang sa kagustuhan niyang makilala ako ng lahat bilang Ricafort dahil kahit pagbali-baliktarin mo man ang mundo ..." Mataman niyang tinitigan si Andrew. "Bunga ako ng pagkakamali at kahalayan ng isang Santillan."

Somehow, I understand if she despised her family. It's not that I tolerate it but it's not really easy to accept that reality. Yung bunga ka ng isang pagkakamali sa pagitan ng magkapatid.

"Lumaki ako sa pangangalaga ni Fire. Pinag-usapan nila noon ng mama na palabasing lalake ang naging anak nila ni Angelico para sa kaligtasan ko. Hindi makakampante ang mama kung kay Angelico ako mapupunta kaya kahit labag sa kalooban niya, kinailangan niya akong iwan kay Papa. Hindi naman nabigo si Mama sa pag-iwan sa akin kay Papa dahil minahal ako ng papa na parang sarili niyang anak."

Wow. Si Lolo Fire na tumakwil kay Eliza? Mas tinuring siyang anak? Ang laki ng galit noon ng lolo kay Eliza tapos sa babaeng to pala napakagiliw ng lolo. Hindi ko maiwasang mainis sa bagay na iyon.

Bumuntong-hininga si Andrew. Hindi ko talaga malaman kung anong tumatakbo sa isipan niya. Mukha kasing malalim iyon kaya nahihiya akong gambalain ang pag-iisip niya.

"Since ikaw si Zachary David, ano ng plano mo?" Andrew

Napatahimik si Yexel pero agad ding tumayo at binatukan si Andrew.

Mr. and Mrs. Gangster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon