Chapter 28: The Blazing Fire

23.4K 405 12
                                    

Andrew's POV

Dumalo ako ngayong araw sa isang piging na inihanda ng pamilya ng mga Ricafort. Bagong salta lamang sila dito sa bayan at binigyan sila ng piging ng mayor ng lugar.

Hindi ko napigilan ang pagbilis ng tibok ng puso ko ng masilayan ko ang kaisa-isahang anak ni Don Maximo Ricafort at Donya Carmela Ricafort.

Si Fire Ricafort. Kahalintulad ng pangalan niya, mainit ang naging pagtanggap ng mga tao sa kanya. Lalo na ng mga dalaga sa aming lugar.

Kahit ako man ay aamin.

Nabihag ng binatang iyon ang puso ko.

Kaarawan ko ngayon at imbitado ang pamilya Ricafort sa pagtitipon. Maraming dumalo ngunit wala ang inaasahan kong dumating.

Inaakala kong darating si Ginoong Fire ngunit nabigo ako. Hindi siya nagpakita sa araw ng kaarawan ko.

Itinigil ko ang pagbabasa. Sa unang notebook na binuklat ko, malamang ang pagkakakilala ni Lola Blaze at Fire ang nilalaman noon.

Malamang walang kinalaman doon si Zachary David. Mas mahalagang makita at malaman ko kung sino ang taong iyon.

Binuklat ko ang ikatlong notebook. Agad kong binasa ang unang entry na naroon.

Apat na araw. Apat na araw na mula noong ikulong ako ng kuya sa silid na ito. Labis na akong nangungulila kay Fire. Nag-aalala na akong baka nag-aalala na rin ito dahil matagal na akong nawalay sa kanila.

Bigla kong naalala ang apo niyang si Athena. Napakagandang bata ni Athena. Hindi nagkamali si Frost sa pagpili sa asawang si Solenn. Napakabait din ng asawa niya.

Bigla ko silang naalala. Hindi maiwasang tumulo ng mga luha ko.

Bakit ko ba kailangang maranasan ang lahat ng ito?

Anong ginawa ng lolo kay Lola Blaze? Bakit kinulong niya sa silid na to si Lola?

Inilipat ko sa susunod na pahina. Mukhang ito na ang huling entry sa diary na to.

Buhay si Zachary David. Buhay siya! Hindi ko akalaing buhay ang anak ko. Buhay ang anak namin ni Fire.

Aksidente kong narinig ang pag-uusap ng kuya at ni Fire. Nasa pangangalaga ni Fire ang anak namin.

Pinilit kong sumigaw para marinig ako ni Fire ngunit nabigo ako. Hindi niya ako narinig.

Nakaramdam ako ng lungkot ngunit anong magagawa ko? Hihintayin ko na lamang na bawian ako ng buhay dito.

Ibig sabihin si Zachary David ay pinsan ng daddy. Kung pinsan ni daddy si Zachary David, malamang kaedad lamang ni Daddy ang mga bata. Malamang mas matanda lamang ito ng ilang taon.

Bigla akong napaisip. Hindi kaya dahil sa pagkulong ni Lolo kay Lola Blaze kaya naging magkaaway ang dalawang angkan?

Pero kung tunay na may kaugnayan si Blaze at Fire, bakit iba ang kinikilalang lola ni Athena?

Hindi ko maintindihan kung paano nangyayari ang lahat ng ito.

Sa ngayon ang natitirang nakakaalam ng mga pangyayari noon ay sina Mommy Solenn at Daddy Frost na lang.

Sandali.

Nasa pangangalaga ni Fire ang anak namin.

Kung nasa pangangalaga ni Fire ang anak nila, malaki ang posibilidad na si Daddy Frost si Zachary David.

Mr. and Mrs. Gangster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon