Chapter 11: Falling Tears

30.4K 481 33
                                    

Athena's POV

Kasalukuyang chinecheck up ng mga doktor si Amber. Lumabas na muna ako ng kwarto. Wala namang problema dahil nandun si Andrew at Eunice. I know they wouldn't do any harm to my daughters. I've been avoiding him. Sariwa pa sa isip ko ang mga nalaman ko.

"Athena?"

Napalingon ako sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino ang nagsalita.

"AKI?!"

Lumapit ito sa akin at bineso ako. "Woah. Of all places dito pa talaga tayo nagkita Athena? Haha. Hindi ko ineexpect na sa hospital pa tayo magkikita. How are you?" Aki

"Mabuti naman ako. Ikaw? What happened to you? Bakit nandito ka?"

"I was visiting a friend. Dito kasi siya nakaconfine. How about you?" Aki

"Ahhh. Si Amber kasi nakaconfine dito."

Bakas na bakas sa mukha niya ang gulat. "What? Anong nangyari kay Amber? How is she? Is she fine?" Aki

Gusto kong matawa sa reaksyon niya. Talo niya pa si Andrew. Si Andrew hindi naman naghysterical ng ganyan.

"Hey. Calm down. Okey lang si Amber. We rushed her here because she was kidnapped. Nagpanic lang kami noong hindi siya magkamalay."

"Mabuti naman." Nagpakawala siya ng malalim na hininga. "Who's with her now?"

Hindi nga pala nito alam na nakita na niya ang ama ni Amber. Hindi tuloy niya alam kung ipapaalam niya pa dito ang patungkol doon.

Akihiro Usui is my friend slash ex. We became best of friends when we broke up. Unbelievable but it's true. Maybe it's just that we were meant as friends and not as lovers.

I used to play his heart but despite that fact, he still loved me unconditionally. Kahit si Amber natanggap at minahal niya na parang sarili na niyang anak.

"Amber is with her dad."

Napansin ko ang pagbabago ng ekspresyon niya. Mula sa pag-aalala, saglit kong nakita ang sakit sa kanya. Nasaktan ko na naman siya.

"Oh I see. Nakita mo na pala yung daddy niya." Aki

Napayuko na lang ako. Ayoko ng dagdagan pa ang sakit na maibibigay ko sa kanya. I cherish and value our friendship. Ayokong masira yun.

"I'll go ahead Athena. Magkita na lang tayo sa ibang pagkakataon. I'll call you." Aki

"Sure."

Pinagmasdan ko ang likod niya habang naglalakad siya palayo sa akin.

Siguro kung iba lang ang pagkakataon at nagkataong hindi ko mahal si Andrew, malamang siya ang mamahalin ko. Pakiramdam ko hindi ako deserving sa pagmamahal niya.

Pabalik na sana ako sa kwarto nila Amber ng makita ko sina Andrew at Eunice na nag-uusap.

Heto na naman ako. Nakikinig na naman ako sa kanila. Hindi pa ba sapat yung naramdam ko kahapon?

Napatigil ako ng makita ang kausap nila. Minabuti kong magtago dito sa kanto hindi kalayuan sa kinatatayuan nila.

"Ano na ang plano mo baby?"

"Wala pa akong naiisip. Hindi naman na sigurong kailangan na magfile pa ako ng annulment. Ang alam naman ng lahat na patay na siya."

"Pero baby paano ang anak natin?"

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Buntis siya?

"Hindi ko naman pababayaan ang anak natin. Trust me baby."

Mr. and Mrs. Gangster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon