Nakakunot ang noo ng gems ng matitigan ang itsura ni Athena na palakad-lakad sa harap nila at may malalim na iniisip. Magmula ng bumalik ito sa kinaroroonan nila, hindi na mapakali ang pinuno nila.
"Pinuno, ano bang problema?" Takang tanong ni Ynares.
Sa itsura kasi ni Athena, mukha siyang bibitayin na nag-iisip kung tatakas ba siya o hindi.
"I am getting married." Wala sa kanila ang atensyon ni Athena ng sagutin nito ang tanong ni Ynares.
"ANOOOO?!" Gulat na sigaw nilang lahat.
Inis na lumingon si Athena sa kanila. "Uulitin ko pa ba talaga?" Kasabay noon ang isang matalim na tingin para sa kanila.
Napailing naman silang lahat ng sabay-sabay. "Pero sino ang groom?"
"My husband."
Hindi maiwasan ni Athena na maalala ang pinatunguhan ng naging usapan nila ng asawa niya.
"A-annulment?" Nauutal na banggit ni Athena sa salitang hindi niya inaasahang maririnig mula sa asawa.
"Look. Magsisisihan lang tayo kahit na alam naman natin pareho na wala tayong kasalanan sa mga nangyari sa nakaraan. Biktima lang din tayo ng pangyayari noon." Narinig niya ang mahinang pagbuntong hininga nito bago nagpatuloy sa pagsasalita. "I can't remember you. Wala pa rin akong maalala na kahit na ano patungkol sayo. Ang alam ko lang asawa kita at may mga anak tayo. Maliban pa doon wala na. Gusto ko sanang ibalik muna lahat ng alaala ko bago ko kayo balikan pero mukhang wala ng pag-asa pagdating sa bagay na iyon. Hindi naman siguro tatagal ng pitong taon akong walang maalala patungkol sayo kung temporary amnesia lang ang meron ako."
May punto ang sinasabi ng asawa niya. Sabihin nang magkabalikan silang dalawa, paano naman sila magsasama kung parehas silang walang maalala patungkol sa isa't-isa? Oo. Kasal sila at may anak sila pero paano nila pakikitunguhan ang isa't-isa?
"But would annulment solve everything? Sa tingin ko, hindi. Kaduwagan ang ginagawa mo." Diretsong saad ni Athena.
"What are you trying to say?"
"Tinatakasan mo ang problema. You are not solving anything. Hindi mo man lang inisip ang mararamdaman ng anak natin kung maghihiwalay tayo. Alam mo, I'll be honest with you. Kung ako lang, walang problema sa akin kung pirmahan ko ang annulment na ififile mo. Wala namang magbabago dahil wala naman akong maalala patungkol sayo. Pero ..." tumigil si Athena sa pagitan ng pagsasalita dahil nararamdaman niyang pipiyok na siya ano mang sandali mula noon. "Pero andyan si Amber. I saw how Amber longed for a love of a father. How she dreamed of having a complete family."
Hindi nagsalita ang nasa kabilang linya. Nanatili itong tahimik.
"May batang umaasa na mabubuo ang pamilya niya. Ayokong ipagkait yun sa anak natin. I know it's wrong to stay in a relationship for that reason but there's nothing wrong when we try right? Tutal parehas naman tayong walang maalala. Patas lang. Parehas tayong magtatrabaho para sa relasyong to at para sa mga alaalang hindi natin maalala."
"Then marry me again." Diretsong saad ni Andrew.
Hindi naman nakaimik si Athena at minabuti ng ibaba ang tawag.
Napapailing na lang si Athena kapag naalala niya iyon.
What the hell? Why is he so confusing?! Noong una nanghihingi ng annulment tapos gusto ako ulit pakasalan?! Ano ba talagang gusto niya?!
Inisang lagok ni Andrew ang bourbon na nasa baso niya. Hindi siya makapaniwala sa nasabi niya sa asawa niya kanina.
Did I just asked her to marry me again over the phone?!
Muli siyang nagsalin ng alak sa baso niya at mabilis na ininom ito. Masisiraan na talaga siya kakaisip sa kung bakit bigla iyong lumabas sa bibig niya.
Naiintindihan niya ang punto ng asawa. When he asked for annnulment, he didn't mean to be separated with her for good. Gusto niya lang na makapagsimula silang mag-asawang muli. Ayaw niyang mapilitan ang asawa na pakisamahan siya just because of the fact that she was married to him and that they have kids. Kahit papaano, nais niyang magsama silang dalawa sa dahilang mahal niya ito at hindi dahil lang sa kasunduang hindi nila maalalang pareho.
"Nababaliw ka na Andrew. Sinong lalakeng nasa katinuan ang magpopropose sa telepono?!" Pakikipag-usap niya sa sarili niya.
"Pero kasi ang dami pang sinasabi. Hindi na lang sabihing ayaw niyang makipaghiwalay. Mga babae talaga." Napapailing siya habang sinasabi iyon sa sarili niya.
Muli siyang uminom. Tinamaan na ata siya ng alak na iniinom niya kaya pati pakikipag-usap sa sarili nagagawa na niya.
"Kuyaaaa!"
Nilingon ni Andrew ang kapatid na nagtatatakbo palapit sa kanya.
"What do you need?" tanong ni Andrew saka muling uminom ng alak.
"Oh my god kuya! You're so mapagpanggap pala! You remember Athena na pala and yet your not telling me! I was helping you all along para magkita kayo. Why do I feel like my efforts were sayang?" Nakapout na saad ni Denice ng makaupo ito sa tapat na upuan ni Andrew.
"I don't remember anything Denice. Nalaman ko lang ang totoo mula sa mga in laws ko." Tinignan niya ng matalim si Denice ng may maalala siya. "You knew her all along and yet hindi mo sinabi sa akin?!"
Napalunok naman si Denice dahil sa sinabi ng kapatid. "Hehe. Kuya, she can't remember you naman kasi and you can't remember her too. Kaya nga I just acted as a matchmaker for the two of you. I know how much you love her kasi."
Napatahimik si Andrew sa sinabi ni Denice. He would not deny. He was attracted to his wife the moment he saw her outside their house. Maganda talaga ang asawa niya. But he is aware that it's only attraction and not love.
"Kuya, ano ng plano mo? She is an enemy of your gang. Kahit saang anggulo mo tignan, magkaaway at magkalaban kayong dalawa. Are you going to make her quit on BPS?" Nag-aalalang tanong ni Denice.
Isa pa yan sa mga bagay na labis na bumabagabag kay Andrew. Knowing that Athena and him came from different gangs. He know's that he can't make Athena quit. Yan marahil ang pinakamahirap na bagay na maipagagawa niya sa asawa. Ang patigilin ito sa pagiging gang leader.
"I really don't know Denice. Hindi ko muna pinoproblema yan. Wala pa namang nangyayari."
Napatango na lang si Denice sa sagot ng kuya niya. "Ah nga pala kuya, tumawag yung mga kabatchmates mo kanina. Pinapatanong nila kung dadalo ka ba daw sa reunion sa isang araw. Sabi ko oo dahil yun naman ang nabanggit mo sa akin noon."
Nawala sa isip nito ang reunion na kailangan daluhan. Masyadong naging abala ang isip niya sa mga rebelasyong nalaman niya at dagdag pa doon ang mga problemang kakaharapin nila ng asawa niya.
"Oo. Pupunta naman ako. Sa Anilao, Batangas gaganapin yung reunion hindi ba?"
"Yeap. Paano kuya, tulog na ako. Wag masyadong magpakalasing." Tumayo na si Denice pagkasabi noon at nagtungo sa kwarto niya.
Naiwan naman si Andrew sa terrace na malalim ang iniisip.
Dapat siguro kalimutan ko muna ang mga iyon habang nasa reunion. Dapat ata mag-enjoy muna ako sa reunion.
A/N: Sa mga nakabasa na ng teaser sa facebook ko at sa group, you can sense na malapit na tayo sa reunion. Hehehe. Add me on facebook. Click on the external link. And follow me on twitter @zynxieyumiWP
Guys, may sasabihin lang ako. Kapag ang updates ay written in a first person point of view. Meaning sa phone ako nag-update. Kapag third person, sa laptop. Kapag nakitang first person POV, baka kasi manibago kayo. Sa future updates ko kasi ganun na ulit yung style. (Via phone na kasi ako magtatype ng update)
BINABASA MO ANG
Mr. and Mrs. Gangster Boss
Teen Fiction[Book 2 of She's the Boss] Seven years matapos ang nangyari kina Andrew at Athena, parehas na silang kilala sa mga larangang pinasok nila. Andrew as one of the hottest and richest bachelor in Asia. Maraming babae ang nagnanais na makuha ang atensyon...