Chapter 16: The Pierce Simmons Style

30.7K 510 66
                                    

Andrew's POV

Nandito ako sa kwarto naming mag-aama. Yung mga anak ko tulog na. Napagod ata sa paglalaro kanina.

Naasar talaga ako sa lalakeng yun. Kung makaguwardiya sa asawa ko akala mo kung sino. Naasar na ako kulang na lang isalaksak ko sa baga nung lalakeng yun ang wedding ring namin. Mapatunayan lang na may asawa na si Athena.

Isa rin yung babaeng yun. Sabihin ba daw na kuya niya ako? Tss.

"Oh kuya? Why do you look so pissed? Something happened?" Denice

"Wala."

"Wala daw pero yung mukha iba ang sinasabi. Bakit nga?" Denice

"It's Athena."

"Oh? What about Athena?" Umupo ito sa sofa kaharap ko.

"Naiinis ako sa kanya."

Narinig ko ang pagtawa ng kapatid ko. What's her problem?

"You sounded so gay kuya. Haha!" Denice

Tawanan mo pa ako. Isa ka pa. Kagaya ka rin nila.

"Kuya, bakit ka naman naiinis kay Athena?" Denice

"Kasi nagpapalandi siya dun sa kliyente niya. Yung persimmon."

Kumunot ang noo ni Denice. "Persimmon? Is that even a name?"

"Obviously no." He rolled his eyes. "Pierce Simmons. Yun ang pangalan nung kliyente ni Athena."

Nanlaki ang mata ng kapatid ko pagkarinig ng pangalang yun. Wag niyong sabihing pati ito nagnanasa kay Pierce Simmons?!

"O! Yang mga ganyang reaksyon. Wag kang magkakamaling magkagusto sa lalakeng yun. Hindi kayo bagay."

"Kung hindi kami bagay, mas bagay sila ni Athena?" Nakangising saad ni Denice.

"HOY DENICE SANTILLAN! NAKANINO BA ANG LOYALTY MO?!"

"Nasa iyo syempre. Kaya lang kasi napaka ano mo kuya. Mahal ka ni Athena. Have some trust in her."

Madali sanang gawin yan kung maayos ang sitwasyon naming dalawa.

"Nga pala kuya. Nabalitaan ko yung engagement mo with Eunice. Bakit tinuloy mo pa rin yung announcement na yun? Bumalik na si Athena ah." Denice

"I have reasons."

Nagkibit balikat lang ang kapatid niya. "I just hope your reasons are enough to make her stay to you. Baka kapag tumagal, mawalan siya ng rasong mahalin at manatili sa tabi mo." Denice

May punto si Denice. Alam kong sobra ng nasasaktan si Athena sa ginagawa ko pero kailangan kong gawin iyon para na rin sa kanya.

Lumabas na ako sa kwarto namin at iniwan sila doon. Gusto ko lang maglakad-lakad sa dalampasigan. Masarap din kasi sa pakiramdam ang mapag-isa lalo na kung gusto mong mag-isip.

Undoubtedly, I love Athena more than anything else. Mahal ko siya at hindi dapat siya nasasaktan sa mga ginagawa ko kaya lang kabaliktaran ang nangyayari.

Alam kong ilang beses na niya kaming nahuhuli ni Eunice na nagtatalik. Alam ko ring ilang beses na siyang umiiyak ng dahil doon. Hindi lumilipas ang araw ng hindi kami nagkakasabay sa pagkain ng hindi namamaga ang mga mata niya.

Gustong-gusto ko ng aminin kay Athena ang lahat pero hindi pa pwede. Hindi na muna. Sana lang mahintay niya ang tamang panahon kung kailan ko pwedeng ipaliwanag sa kanya ang lahat.

Sana lang hindi pa huli ang lahat.

Pero mukhang nagkamali ako. Huli na ata ako.

Si Athena at Pierce. Magkasama dito sa tabing dagat at magkaakbay na nakatingin sa dagat. Mula sa kinatatayuan ko hindi kalayuan sa kanila, kitang-kita ko ang saya sa mga mata ni Athena. Masaya siya kasama si Pierce.

Mr. and Mrs. Gangster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon