Chapter 26: Guardian Angel

25.6K 465 4
                                    

Athena's POV

Isang buwan na rin mula nang umalis kami ni Andrew mula sa resthouse ni Pierce.

Hindi madaling iwan sina Amber at Avery pero kailangan dahil alam kong malalagay sa panganib ang buhay nila kung isasama pa namin sila pabalik.

"Pinuno, nandito na lahat ng papeles na hinihingi mo." Inilapag ni Paige ang mga folders sa mesa ko.

Pinakuha ko sa kanya ang mga files ng mga taong siguradong dadalo sa introductory party ko pati na rin ang mga grupong pinadalhan ng imbitasyon.

Hanggang ngayon ay napapaisip ako kung bakit kailangan pang magsagawa ng introductory party para sa akin. Para saan pa at kailangan akong makilala ng lahat? Mas lalo lang malalagay sa panganib ang buhay ko kung malalaman ng lahat kung sino ako.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa at tinawagan si Andrew.

[Babe] Ramdam kong namimiss na ako ni Andrew sa tono pa lang ng pananalita niya pero kailangan ko siyang tiisin para sa plano ko.

"Babe. Kamusta na diyan?" Napagdesisyunan naming magpalit ng tawagan habang magkahiwalay. Labag man sa loob niya, pinilit ko siyang gawin ito dahil kailangan.

[Nagawa ko na ang gusto mo. Bakit ganun ang gusto mong mangyari?] I know Andrew trusts me so much but it's really bothersome when he starts asking.

"Just go with the flow babe. How's the annulment going?" Yes. I requested for an annulment. Its part of my plans.

"Babe?" Tanong ko ng hindi siya sumagot sa akin. Inalis ko sa tenga ko ang telepono pero nakita kong nakakonekta pa rin naman ang tawag.

[Hindi ko pa finafile.]

"WHAT? I told you to submit it as soon as possible di ba? Napirmahan ko na rin naman yun! Ano ka ba naman babe!" Hindi ko mapigilang mapasigaw. Ang simple lang ng utos ko sa kanya tapos hindi niya sinunod.

[Paano kung hindi ka na magpakasal sa akin pagkatapos ng mga plano mo? Ayoko!] Sa mga ganitong pagkakataon talaga lumalabas ang pagkaisip bata ni Andrew. Hindi ko tuloy malaman kung bakit nagkaganyan yan. Pakiramdam ko nagkapalit kami ng kaluluwa noong maaksidente kami noon.

"So childish Babe. Wala ka bang tiwala sa akin? Tsk. You know I love you. We just need to do this for the plan to work out."

[No. I will never let you file that fvcking annulment. Pepekein na lang natin ang paghihiwalay natin. We don't have to go that much just make your plan work.] Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya. Ano pa bang magagawa ko? I just need his cooperation but he can't give it to me fully. At least kahit papaano handa siyang makisakay sa plano ko.

"Fine. Kamusta na ang paghahanap niyo kay Zachary David?" Hindi lingid sa kaalaman ko ang paghahanap nila sa natitirang miyembro ng Nine Flowers. They had been looking for him. Siya ang pinaniniwalaang malaking dahilan para lalong lumakas ang Nine Flowers.

[Still no clue. Nakakaasar na kayang maghanap ng taong hindi mo alam kung saan at paano ko hahanapin.]

"Akala ko ba may mga leads na kayo?"

[Yeah. We always receive leads that are wrong. Kung hindi naman mali, wala namang kwenta. Nakakabanas lang.]

"Sigurado ba talaga kayong lalake yang Zachary David na yan? What it babae pala siya?" Pumasok lang bigla sa isipan ko ang option na yun. Possible kaya yun?

Kung tutuusin, sa kapangyarihan na meron si Andrew ngayon, hindi aabutin ng bente kwatro oras ang paghahanap para sa isang tao.

Samantalang tong Zachary David na to, matagal na nilang hinahanap.

Mr. and Mrs. Gangster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon