Chapter 29: Zachary David

24.8K 448 19
                                    

Chapter 29

Athena's POV

Madaling araw na pero nandito kami sa dating mansyon daw nila. Ito daw ang mansyon ng lolo niya.

Maganda naman ang mansyon kaya lang ang creepy tignan! Ikaw ba naman ang dalhin dito ng madaling araw, hindi ka ba kikilabutan?

Hindi ako nanglalait pero parang ganun na rin ang ginagawa ko. Hinay-hinay lang ako dahil mamaya dalawin ako sa pagtulog ng lolo nito. Mahirap na.

"Andrew, ano bang ipapakita mo sa akin dito? Kinikilabutan na ako dito sa lugar na to." Walang halong biro yun. Kinikilabutan talaga ako sa lugar na to.

Hindi ako inimik ni Andrew at sa halip ay pumasok kami sa isang kwarto. Namangha ako ng may galawin si Andrew mula sa shelf at bumukas ang sahig. Bumaba kami at nakarating kami sa isa pang maliwanag na silid.

Kaya lang papasok pa lang ako, amoy ko na yung masangsang na amoy. Yung sobrang baho talaga. Mas matindi pa sa amoy ng patay na daga!

"Andrew, hindi mo ba naamoy yun? Ang baho kaya." Hinatak-hatak ko ang sleeves ng suot niya para makuha ang atensyon niya. Masyado kasi siyang tulala kaya parang hindi niya ako napapansin.

"Huh?"

"Sabi ko mabaho. May mabaho dito."

"Wala akong maamoy dahil may sinusitis ako. Baka yun yung naamoy mo." Tinuro niya yung kama kaya napatingin ako doon.

"AAAAAAAAAAAAAHHHHHHH-hmmmmmph!" May bangkay sa kama! May bangkay sa kama!

May bangkay!

Oh my God!

Andrew's POV

Agad kong nasalo si Athena nang bigla siyang magcollapse. Masyado ata siyang nagulat sa nakita niya kaya heto at hinimatay.

Problema ko pa ngayon kung saan ko siya ihihiga. Kung itatabi ko to sa bangkay, malamang pasabugan ako ng granada ng babaeng to pagbalik sa bahay.

Hay naman kasi Athena!

"So you're here?"

Muntik na akong atakihin sa puso ng may magsalita. Tangina naman. Mahal ko pa ang buhay ko. Ayokong mamatay ng maaga!

"Yexel?"

Tama. Si Yexel ang nandito at nakamask siya. Malamang dala rin ng masangsang na amoy dito sa lugar.

Inabot niya sa akin ang isang mask at pinasuot sa akin iyon. Inabutan niya ulit ako ng mask para kay Athena. Ako na ang nagsuot kay Athena ng mask niya.

"What are you doing here?" Sinubukan kong wag maging rude sa kanya. Hindi ko kasi maiwasang magduda sa pagkatao niya.

How come she knows everything? Paanong nangyaring alam niya ang patungkol sa sikretong kwarto na to?

"I just passed by." Nakangising sabi niya. "Wag ka ngang tanga Andrew. Alam natin parehas kung bakit nandito ako."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Kung hindi rin bobo tong babaeng to. Magtatanong ba ako sa kanya kung alam ko kung bakit siya nandito? Siraulo pala to eh.

"Wala akong oras para makipaglokohan sayo." Tumayo na ako para sana ilabas si Athena mula sa silid na iyon. Binuhat ko siya saka nilampasan si Yexel.

"Hindi kaya you are making the worst decision of your life?" Biglang sabi ni Yexel nang makalampas ako sa kanya. "We are both looking for answers here. Ikaw, ako at iyang asawa mo. Para saan pa ba at bumalik kayo dito ng ganitong oras kung para lang sa wala?"

Mr. and Mrs. Gangster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon