Epilogue

36.6K 554 23
                                    

AMBER SKYE SANTILLAN

Nakangiti akong nakatingin sa sarili ko sa harap ng salamin. Ang ganda ko talaga. Nagmana ako kay mommy.

Nakaputing palda ako na abot hanggang ibabaw ng tuhod. Nagpink na t-shirt ako na may collar. Nagponytail ako para hindi magulo ang buhok ko habang naglalaro.

Mommy and daddy wanted to bond with us. Niyaya niya kami ng kakambal kong si Avery para maglaro sa badminton court ng subdivision. My dad is the president of the homeowners association while mom is the president of the badminton club. My sister is the champion of the badminton club. Ako? Wag niyo nang itanong. Basta maganda ako.

Pagkatapos kong mag-ayos, bumaba na ako sa sala kung saan naghihintay ang buong pamilya ko. "Good morning everyone!" Masiglang sigaw ko nasa itaas pa lang ako ng hagdan. Unang tumingin sa direksyon ko si daddy. Agad kong nasilayan ang gwapong ngiti ng daddy. Hindi na ako magtataka kung bakit minahal ng mommy si daddy. Ngiti pa lang makalaglag panty na!

"Good morning princess." Nakangiting bati ni Daddy. "Masaya ata tayo ngayon ah?"

"Syempre naman daddy. Magbobonding kaya tayong lahat." Habang bumababa ako ng hagdan, lumabas si mommy mula sa hallway mula ng kitchen. May dala-dala siyang tasa ng kape tsaka inabot sa kay daddy.

That's one thing I envy about my parents. They had been married for 19 years and yet I can still feel the kilig. Parang teenager pa rin sila. Hindi lang sa pagkilos pati sa itsura.

Mom is 37 while dad is 38. Bata pa sila at kung tutuusin ay pwede pa kaming bigyan ng kapatid. Haha.

"Don't space out on the staircase ate. Tanga ka pa naman." Napasimangot ako sa sinabi ng batang to. Nakakainis.

"Antonov. Ate mo na naman ang pinag-initan mo." Sita ni mommy kay Antonov.

"Mom, hindi ko siya pinag-iinitan. The last time she was spacing out on the stairs, she ended up to the hospital. Remember?" Waaaah! Kailangan pa ba talagang ipaalala yun! Huhu! Hindi ba sila makamove on dun?!

Natawa naman sina mommy at daddy. Lalong humaba ang nguso ko. Napakasupportive talaga ng pamilya ko. Bakit inaalipusta nila ako?

"Dad, where's Napoleon? Hiniram niya yung ipad ko kagabi pero hindi niya pa binabalik. I need it." Mula sa labas ay lumitaw si Avery. Nakabihis na rin siya pero hinahanap niya daw si Napoleon. Saan naman kaya napunta yung batang yun.

"Ay palaka!" Napasigaw ako ng may maramdaman akong kuko sa paa ko! T.T Bakit ganito ang pamilya ko? Ako na lang palagi ang pinagtitripan nila! Huhu!

"Napoleon!" sigaw ni daddy nung muntik na ulit ako mahulog sa hagdan. Napatalon din kasi ako nung bigla niya akong hawakan sa binti.

"You're really bobo ate. Haha!" Naiiyak na ako. Umagang-umaga pinagtitripan nila ako. Huhu.

"Nakakainis kayo." Napaupo ako sa hagdan saka umiyak. "Palagi niyo na lang akong pinagtitripan! Huhuhu!"

Biglang tumahimik yung paligid at hikbi ko na lang yung naririnig ko. Napaangat ako ng tingin. Nagulat ako ng makita si Wyeth na nasa harap ko.

Napasimangot ulit ako. Pagtitripan lang din ako nito eh! "Ano?! Pagtitripan mo din ako? Bilisan mo na para isahang iyak na lang!" Pagmamaktol ko sa kanya.

May dinukot siya sa bulsa niya habang diretsong nakatingin sa akin. Napakunot ang noo ko. Kita niyo na? Trip talaga nila ako! Nagbaon pa talaga ng pangtrip tong lalakeng to! Lalayas na talaga ako sa mansyong to! Ayoko na! T.T

Natigil sa pagbagsak ang mga luha ko ng iaabot ni Wyeth ang isang panyo. Hindi ako agad nakakibo kaya hindi ko agad nakuha yung panyo. Siya na ang nagkusang punasan ang mga luha ko.

Mr. and Mrs. Gangster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon