Athena's POV
Nakabalik na kami ng Manila at back to normal naman na ang buhay namin.
Pagkabalik namin, pinacheck up namin si Andrew para masigurong wala na siyang sakit. Natuwa naman kaming malaman na maayos ang kalagayan ni Andrew. Wala naman daw siyang iba pang pinsala. Dumiretso na lang daw siya agad sa opsital kung sakaling may maramdaman siya.
Kaya ayun ang asawa ko at bumalik na sa pagtatrabaho. Noong comatosed pa siya, ako ang nagtatrabaho para sa amin. Sa akin naiwan ang mga kompanyang pinapatakbo niya. Hindi ko akalaing ganun pala kastressful ang maging CEO ng isang korporasyon. Akala ko noon madali lang.
Mas lalong naging pahirap sa akin yun dahil wala naman akong background sa business. Multimedia arts student kaya ako noong college! Ano bang malay ko sa business na yan. Pero dahil wala si Andrew, no choice ako kundi pag-aralan ang pasikut-sikot ng kompanya nila.
May mga pagkakataong hindi ako makatulog dahil kailangan kong aralin ang mga papeles bago ko pirmahan. Katulong ko naman si ZD sa kompanya pero sadya ring tamad yung babaeng yun at maasahan ko lang talaga sa panahon na may emergency sa kompanya.
Yung kambal kong babae din wala na dito sa bahay. Nasa eskwela na silang dalawa. Maaga ang pasok nila at hapon na kung umuuwi sila kaya ang kambal kong lalake lang ang kasama ko dito sa bahay.
Yung dalawang bata nandun sa nursery at natutulog. Medyo maaga pa kasi. Alas-diyes madalas ang gising ng kambal at kapag nagising sila, asahan mong mayayanig ang mundo ng buong mansyon. Daig pang may giyera sa pagkaaligaga ng mga kasambahay.
Nagbabasa ako ng magazine nang makarinig ako ng tunog ng takong. Inangat ko ang tingin ko at nakita ko ang mga gems na mistulang nasa runway habang naglalakad papasok sa receiving area ng mansyon.
"Good morning Athena!" Masiglang bati ni Thalia habang tinatanggal ang shades niya. Sa kanilang lahat, siya ang may suot na pinakamataas na heels dahil siya ang pinakamaliit sa kanila.
"Infairness tumangkad ka. Salamat sa high heels." Pang-aasar ko sa kanya.
"Wow thank you ah. Ang ganda ng bati ko sayo tapos aasarin mo lang ako?" Nakangusong saad ni Thalia. Tumawa na lang ako.
"Bakit napadalaw kayo?"
Umupo muna sila sa sofa kaharap ko bago nagsalita. "Napadaan lang kami dito para ibigay sayo ito." Inabot ni Amarie ang isang sobre. Binuksan ko iyon at nakita ko ang isang invitation card para sa reunion ng batch namin noong high school.
"Sandali. Baka naman patibong na naman to? Baka niloloko na naman tayo ng nagpadala nito?"
"Hindi Athena. Tinawagan na rin namin yung school kanina para maverify kung totoo yan. This time, totohanan na talaga yang reunion na yan." Krizza
Binasa ko ang mga nakalagay sa invitation. Sa isang araw na pala yung reunion. Di ba dapat usually maagang inaanounce to? Bakit ngayon ko lang natanggap to?
May dress code din sa araw ng reunion. White for the lower sections and black for the higher sections. Malamang white susuotin ko at black kay Andrew. Magkaiba kaya kami ng section na dalawa. Alas-siyete ng gabi magsisimula ang reunion party.
"Pupunta kayo?" Tanong ko sa kanila.
"Syempre naman! Party yan. Palalampasin pa ba namin yan?" Paige
"Oo nga. Isa pa, masisilayan ulit namin yung mga high school crush namin. Malay mo mas successful pa pala sila sa mga boyfriends namin." Richelle
Natawa ako sa sinabi ni Richelle. "Sige. Marinig sana kayo ng mga boyfriend niyo."
BINABASA MO ANG
Mr. and Mrs. Gangster Boss
Teen Fiction[Book 2 of She's the Boss] Seven years matapos ang nangyari kina Andrew at Athena, parehas na silang kilala sa mga larangang pinasok nila. Andrew as one of the hottest and richest bachelor in Asia. Maraming babae ang nagnanais na makuha ang atensyon...