Athena's POV
Kakatanggap ko lang ng email nung isang araw mula sa isang company. May latest endorsements sila ng underwear at ako ang kinukuha nilang photographer. Hindi na rin ako tumanggi dahil kailangan kong mapalayo sa mga bagay na nagpapasakit sa akin.
"Mommy. Do you really have to leave?" Naiiyak na sabi ni Amber. Nasanay kasi ang batang to na hindi ko siya iniiwan. Kahit saan man ako mapunta, kasa-kasama ko siya.
Noon yun noong hindi ko pa kilala ang ama niya. Wala akong mapagkakatiwalaang mapag-iiwanan ng anak ko kaya palagi ko siyang dinadala kahit saan.
"Baby, one week lang si mommy. Isa pa, nandito pa si daddy at ate Avery mo. Dito ka na muna and take your time to bond with them alright?" Nakangiti kong wika. Tumango siya pero ramdam kong ayaw niya talagang tanggapin ang desisyon ko.
Nilaro-laro ko na lang ang buhok niya habang hinihintay na dumating sa mansyon ang company car na gagamitin namin. Tinignan ko sa likod ni Amber si Avery na hindi naman nalulungkot dahil nakasanayan na nitong wala ako. Lumaki naman ito na hindi ako nakakasama kaya hindi ako nagtataka.
"Mommy, ingat ka po. Mamimiss ka po namin." I smiled at Avery. Isang linggo na akong nakikipagbonding sa kanilang dalawa ni Amber and every second was worth it. Kung hindi ko lang talaga kailangang magtrabaho, hindi ko iiwanan tong dalawang to.
"Athena, you know that you can stop working. Kaya ko naman kayong buhayin." I glared at him. Tss. At anong gusto niyang gawin ko? Pagmasdan ko sila ni Eunice gumawa ng milagro?
Sa isang linggong nakatira ako dito, araw-araw din kung magtalik yang dalawang yan. Hindi ko ikakailang nasasaktan pa rin ako. Masakit ang maloko at paglaruan. Pero mas pinipili kong wag magsalita para sa mga anak ko. Dahil kailangan nila ng buong pamilya.
At regarding Eunice, siya na ang mayordoma ng buong bahay. Hindi ko alam kung anong nakain ng magaling kong asawa para gawin niyang mayordoma ang babaeng yun pero hinayaan ko na lang. Kunwari wala akong nakikita at wala akong naririnig na ungol mula sa kanila.
Araw-araw din kung maglambing si Andrew. Yes. Gabi-gabi kaming nagtatalik at sila ni Eunice sa umaga. Ang weird ng sitwasyon ko no? Nakakatanga lang pero anong gagawin ko? Irarason niya sa aking asawa ko siya at may mga pangangailangan siya. Ang sarap putulin ng kaligayahan niya ng matigil yang kalandian niya.
Sa tuwing magtatalik kami, palagi niyang sinasabing mahal niya ako. Sa mga ganung pagkakataon, pinipigilan ko na lang talagang putulin ang dila niya. Kung nagkataong may katabi akong swiss knife? Pinutol ko na ang dila niya. Ang lakas ng loob niyang sabihan ako ng ganun kahit na hindi naman totoo. Akala niya ba tanga akong maniniwala sa kanya? Sinasakyan ko lang ang gusto niya para sa pamilya ko.
"Ingat ka sa biyahe Athena." Eunice
I rolled my eyes. "Ingat ka din sa pagbayo. Baka mauntog ka sa headboard ng kama namin."
Nakita kong nashock siya sa sinabi ko. Tss. Ayan na naman yang mukhang yan. Nagpapaawa na naman tong babaeng to. Tss.
I saw Andrew glared at me. "Okey? What did I do now? Sinabihan ko lang na magdahan-dahan sa pagbayo at baka mauntog sa headboard ng kama. May masama sa sinabi ko?"
Hindi sumagot ang magaling kong asawa pero dinaluhan nito si Eunice. I wanted to hide the pain in my heart. Ayokong ipakitang apektado ako. Ayokong makita nilang mahina ako. Tama na yung nagbreakdown ako sa harap nila at nagmukha akong kawawa at tanga. Sapat na yun.
Tumakbo papasok ng bahay sina Avery at Amber. Oras na kasi ng kain nila habang naiwan si Andrew at Eunice. Magkahawak kamay pa ang dalawa. Tangina lang.
BINABASA MO ANG
Mr. and Mrs. Gangster Boss
Teen Fiction[Book 2 of She's the Boss] Seven years matapos ang nangyari kina Andrew at Athena, parehas na silang kilala sa mga larangang pinasok nila. Andrew as one of the hottest and richest bachelor in Asia. Maraming babae ang nagnanais na makuha ang atensyon...