Nagmamaneho si Andrew pauwi ng bahay niya ng maalala ang mga kaganapan kanina. Nang marinig niya mula sa kasamahan niyang si Ezekiel Buenavista ng may kagagawan ng pagkawala ni Enriquez, agad na nagbago ang desisyon niya patungkol sa hindi pagpunta at agad na nagtungo doon.
Hindi siya nagtungo doon dahil alam niyang malakas ang grupo nila. Mas malakas pa rin ang Nine Flowers ngunit hindi lingid sa kaalaman ni Andrew ang malaking atraso ni Buenavista sa kaya. Alam niyang si Buenavista ang may kasalanan patungkol sa aksidente nila ng asawa niya pitong taon na ang nakakaraan.
Imbes na dumiretso ng uwi, nag U-turn si Andrew. Pumasok siya sa isang sementeryo kahit gabi na. Huminto siya sa tapat ng isang musuleo. Bumaba siya at pumasok sa loob ng musuleo. Napatitig siya sa mga pangalang nandoon.
Ang pangalan ng mga magulang niya. Mas sariwa pa sa alaala ni Andrew ang nangyari sa mga magulang niya kaysa sa sariling aksidenteng kinasangkutan kasama ang asawa niya.
Ngunit mas napatitig siya at agad na tumulo ang luha ng makita ang dalawang lapida sa kabilang side katabi ng sa mga magulang niya.
Athena Santillan Baby Andrea Santillan
Ang dalawang babaeng espesyal sa buhay niya ngunit sa hindi malamang dahilan ay hindi niya maalala.
Nilapitan niya ang lapida ni Athena at marahang hinaplos ito.
"Wife ..." Naiiyak na saad niya.
Kahit na hindi maalala ni Andrew ang patungkol sa kanilang mag-ina, hindi niya maiwasang makaramdam ng sakit makita lamang ang lapida nilang dalawa.
"Wife, naipaghiganti na kita. Patay na si Ezekiel. Patay na yung taong may kasalanan kung bakit naaksidente ako at nawala ka sa buhay ko."
Napaupo si Andrew sa lapag matapos sabihin iyon. Hindi niya maipaliwanag ang saya sa puso niya dahil naipaghiganti na niya ang mag-ina niya. Wala man siyang maalala sa mga ito, the fact that he did something for them saves him from the guilt that had been haunting him for seven years.
"Wife, matatahimik ka na rin. At long last."
Tumayo si Andrew at kumuha ng kandila mula sa lagayan nito at saka nagsindi para kay Athena at sa anak niyang si Andrea. Alam ni Andrew ang nangyari kay Andrea dahil kinuwento ito sa kanya ng mga kaibigan noong unang beses siyang nagtungo dito para dalawin ang asawa.
Taimtim na nagdasal si Andrew. Ipinanalangin niya ang kapayapaan ng kaluluwa ng mga minamahal.
Matapos magdasal, lalabas na sana siya ng makasalubong niya ang isang lalakeng nakasuit na itim na pumasok sa loob ng family musuleum nila. Napakunot ang noo niya ng makita ang paglapag ng lalake ng mga bulaklak sa mga puntod na nasa loob.
"Sandali, sino ka at kanino galing ang mga iyan?" Pagtutukoy ni Andrew sa mga bulaklak na dinala nito sa loob.
"Ay sir. Pinadeliver lang po yan dito. Buwan buwan po kung magpadeliver ang mga iyon ng bulaklak para dito sa puntod ni Mam Andrea." Sabi ng lalake.
Sino naman ang magpapadala ng bulaklak para sa anak ko? Hindi naman siguro siya nagkaroon ng manliligaw dahil ang sabi sa akin ng zodiacs kaya namatay ang anak ko dahil nakunan ang asawa ko.
"Kanino ba galing ang mga yan?" Seryosong tanong ni Andrew sa lalake.
"Kay Mr. Ricafort po."
Napakunot ang noo ni Andrew sa narinig. Bukod sa pamilyar ang apelyidong Ricafort sa kanya sa kadahilanang kalaban ng grupo niya ang nagtataglay ng apelyidong ito, wala na siyang matandaang iba pang kakilala na Ricafort na close family member nila para magpadala ng mga bulaklak para sa anak niya.
BINABASA MO ANG
Mr. and Mrs. Gangster Boss
Teen Fiction[Book 2 of She's the Boss] Seven years matapos ang nangyari kina Andrew at Athena, parehas na silang kilala sa mga larangang pinasok nila. Andrew as one of the hottest and richest bachelor in Asia. Maraming babae ang nagnanais na makuha ang atensyon...