Chapter 14: Observant Bastard

29.2K 520 42
                                    

Andrew's POV

The kids are still packing their things. Abala ako sa pagpapasok ng gamit sa kotse ng lapitan ako ni Eunice.

"Can I come with you?"

"No."

"But-"

"Stay here. Makakasama sa iyo ang bumiyahe."

Hindi na siya nagsalita pa at nagpapasalamat ako dahil doon. Wala akong ganang makipag argumento sa kanya dahil kailangan namin mahabol si Athena sa Subic.

Paakyat na sana ako sa kwarto para kunin pa ang ilang gamit ng magring ang phone ko. Denice is calling. Agad kong sinagot ang tawag.

"What now Denice? I'm busy."

"Kuya, can you please pick me here sa NAIA? Kadarating ko lang kasi."

"Where have you been?"

"Kuya, galing akong Singapore. Modeling stuffs. Pick me up na please?"

"Not now sis. Papasundo na lang kita sa driver. Nagmamadali kami dahil hahabulin namin si Athena."

"Wait. Come again?"

I rolled my eyes. "Sabi ko susundan namin si Athena sa Subic! Paalis na kami ka-"

"WAAAAAAAAAH!"

Agad kong nilayo ang phone sa tenga ko. Mabibingi ako sa kapatid ko.

"Would you please stop shouting!"

"Kuya! Oh my god! Oh my god! I'm hyperventilating. You mean nagkita na kayo? Nagkaayos na kayo?"

"No. Not yet but we are still patching things up. I better hang up sis. We are in a hurry."

"Oh kuya please daanan niyo ko dito. I want to see Athena also. Please? Pretty please?"

Napailing na lang ako. Wala naman akong choice dahil hindi ako titigilan ng babaeng to. "Yeah. Wait for us there."

"Okey kuya. Toodles."

Binaba na niya ang tawag. Sakto lang din namang kakatapos lang mag-ayos ng kambal kaya agad kaming nakaalis pagkalagay ng gamit nila sa kotse.

Athena, here we come.

Athena's POV

Dumating na kami dito sa Subic. Medyo mabilis at dire-diretso ang biyahe kaya maaga kaming dumating dito sa location.

"Let's eat first. Alam kong gutom na kayo." Paanyaya ni Pierce.

Kanina ko lang nalaman na sa kanya pala ang kompanya ng garments na nagorganize ng photoshoot na ito. Siya ang may-ari pero siya rin ang model. Hindi naman raketero tong lalakeng to ano?

Sama-sama kaming pumunta sa restaurant netong hotel at kumain. Namangha ako dahil nakahanda na lahat dito.

"Sir Pierce, nakahanda na po ang lahat. Pwede na po kayong kumain ng mga kasama niyo." Nakangiting bati nung babae.

Kaya pala ganun ang pagtrato sa amin. Kanya pala tong hotel. Hindi na ako magtataka.

Nagkanya-kanya kami ng upo sa mga upuan. Mas pinili kong maupo sa tabi ng bintana kung saan tanaw ang dagat. Nilapag ko ang mga gamit ko sa mesa saka nakipila sa mga kasamahan ko para kumuha ng pagkain.

Pagkatapos kong kumuha ng pagkain, pabalik na ako sa upuan ko ng mapansin kong nakaupo na si Pierce sa isang upuan na nasa mesang yun.

"Hmm, I hope you don't mind sharing one of the seats." Nakangiting sabi nito.

Hindi ako kumportable na may kasamang kumain na hindi ko pa masyadong kakilala. Mukha namang mapagkakatiwalaan siya. Isa pa, wala naman siyang magagawa na kahit ano sa akin lalo na at marami kaming kasama.

Tumango na lang ako at umupo na sa katapat niyang upuan. Tahimik kaming kumain.

"You know what? I know that he's not your brother. He's your husband. Right?"

Napatingin ako sa kanya. How did he knew?

"You wear the same ring."

Automatiko akong napahawak sa kamay ko. Yeah. I am wearing our wedding ring. Hindi ko pa rin hinuhubad to.

But he is still wearing our ring? Hindi ko napansin na sinusuot pa rin pala ni Andrew ang singsing namin.

"May powers ka? Hindi naman ako nagsalita pero sinagot mo yung tanong ko."

Natawa siya sa tanong ko. "No. I don't have powers or whatsoever. I am just observant. And you look familiar to me. I just realized just now that you were his bride seven years ago. You just looked matured but in a beautiful way."

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Noon ko pa pala siya nakita pero hindi ko siya nakilala. Kung nakita niya ako noong araw ng kasal namin, malamang talagang malalaman niyang mag-asawa kami ni Andrew.

"But what confuses me is that he announced that he is engaged to Eunice Cox. You are married but he is engaged to somebody else."

Ngumiti ako ng pilit sa kanya. "It's a long story."

"I have a four days to listen to it."

Why is he so nice to me? Hindi ako nagdududa sa kanya. It's just that he is too good to be true.

"Yeah right."

Pagkatapos ng munting kwentuhan, nagkanya-kanya na kami ng pasok sa mga kwarto namin. Bukas pa naman ang photoshoot. Maaga lang kaming pumunta dito para mapag-aralan ang mga lugar na pwedeng mapagshootan dito sa buong resort.

Dinala ko ang DSLR ko at tinawag ang assistant ko. Magkasama naming nilibot ang buong resort para makapaghanap ng perfect slot. Nalaman kong bukod pala sa photoshoot, kailangan pa naming gumawa ng music video regarding what happened during the photoshoot para magamit sa launching ng bagong collection ng garments nila.

Maggagabi na noon ng makita ko si Pierce na nakatayo sa dalampasigan at nakatanaw sa palubog na araw.

Nagpaalam na ang assistant ko at pumasok na sa hotel. Nagpasya akong lapitan si Pierce.

"Yo."

Napalingon ito sa direksyon ko at nasilayan ko na naman ang nakakatunaw niyang ngiti. Malamang marami ng babae ang nabiktima niyan.

"Why are you here? Why aren't you resting?"

"Hmmm, nacurious ako sayo eh. Nakatayo ka kasi diyan. Baka magmukha kang loner. Samahan na kita. Kung ayos lang sayo?"

Hindi siya nagsalita pero ngumiti lang siya. And with that, I know he is willing to spend a little of his time with me.

"Athena, your beautiful. Your smart. And most of all, you are talented. Pero bakit nagpapakatanga ka sa isang lalake?"

"You don't know anything Pierce."

"Siguro nga. Hindi ganun karami ang alam ko patungkol sayo. Pero ramdam na ramdam ko yung sakit sa pagkatao mo unang kita ko pa lang sayo. Alam ko ng hindi ka masaya. Bakit ka nagpapakamartyr?"

"I know it. I wouldn't let myself suffer in this situation kung walang malalim na dahilan."

"Then what is the reason?"

"My daughters."

He gasped. "You have daughters?" Gulat na gulat na tanong nito.

"Yeah. Nakakagulat ba?"

"No. It's just that you don't look like one."

Natawa ako sa sagot niya. Ang lakas ng trip ng lalakeng to. Expert mambola infairness.

"I'll take that as a compliment."

"You should."

Hindi na siya muling nagsalita at sabay na lang naming hinintay na tuluyang dumilim at lumubog na ang araw.

A/N: Ano daw ginawa ko bakit dumami haters ni Andrew? Si Andrew tanungin niyo kung anong ginawa niya bakit dumami haters niya!
Your votes and comments are highly appreciated. Maraming salamat sa suporta guys! I ♥ U all! :* :* :*

Mr. and Mrs. Gangster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon