Chapter 2: Questions and Suspicions

40.8K 671 14
                                    

Hindi maitago ni Denice ang excitement sa pagpayag ni Athena na makipagkita sa kapatid niya. Sa nakalipas na anim na taon, alam niyang buhay si Athena ng aksidente silang magkita sa New York para sa isang photoshoot. Sariwa pa nga sa alaala niya ang pagtatagpo nilang dalawa ni Athena sa New York.

Isang maulang umaga noon sa New York at maagang pinatawag si Denice sa opisina ng modeling agency na pinagtatrabahuhan niya. Biglaan kasing nagkasakit ang model na para sana sa isang ad ng isang clothing company. Siya na lang ang available na model ng mga oras na iyon kaya kahit kakarating niya lang ng New York galing sa Korea para rin sa isang photoshoot, sumugod siya kaagad sa opisina ng agency.

Kumatok siya ng tatlong beses sa pinto bago tuluyang pumasok sa opisina. Nadatnan niya ang boss niya at ang dalawang tao na nakatalikod mula sa pinto. Malamang ito ang photographer at ang opisyal mula sa clothing company.

"Denice, come in." Saad ng boss niya.

Pumasok siya at umupo sa katapat na upuan ng dalawang hindi niya nakikilalang babae. Yung isa may dalang DSLR at yung isa puro papel lang ang hawak.

"She's Denice. She will be the substitute for Monique." Pagpapakilala ng boss ni Denice sa kanya.

Ngumiti siya at inabot ang kamay niya para makipagkamay sa mga ito. "I'm Denice. It's a pleasure to work with you."

"I'm Danielle and this is Grace. We are the assistants of Ms. Athena." Nakangiting pagpapakilala ni Danielle. Tinanggap naman nito ang kamay ni Denice para makipagkamay.

Nagambala ang pag-uusap nila ng may pumasok sa pinto ng opisina.

"Sorry it took me so long. I just have to entertain a call." Nakangiting paumanhin ng babaeng pumasok sa pinto.

Hindi naman alam ni Denice ang magiging reaksyon ng makita ang babaeng pumasok sa opisina. Hindi siya nakahinga ng makilala ang pumasok sa pinto.

Ito ay walang iba kundi ang sister-in-law niya na si Athena.

Nag-init ang ulo niya ng maalala ang biglang pagkawala nito noong mga panahong kailangang-kailangan siya ng kapatid niya. Bigla na lamang itong naglaho na parang bula at matatagpuan lang pala niya ito dito sa New York.

She faked a smile as Athena approached her. "So what are you doing here witch? Oh no. I should have called you bitch. It suits you." Mataray na sabi niya kay Athena.

Napakunot naman ang noo ni Athena sa narinig mula sa estrangherang nasa harap niya. "Excuse me?" Nakakunot ang noong tanong niya sa babae.

Denice laughed sarcastically. "Oh? Are we playing a game right now? You don't remember me bitch?" She stood up and faced Athena. "Ako lang naman ang kapatid ng asawa mong iniwan mo six years ago. Isn't it amazing?" Panggagaya ni Denice sa linya ni Kim Chiu sa isang pelikula nito. Hindi niya maiwasang lalong kamuhian ito dahil sa inaasal nito sa ngayon. Umaarte itong hindi siya naalala na lalong nagpainit ng ulo niya.

Mas lalong kumunot ang noo ni Athena. Hindi niya kilala ang babae at mas lalong wala siyang maintindihan sa mga sinasabi nito. "Ano? Sorry miss pero hindi talaga kita kilala. Kung kilala mo ako, sorry pero naaksidente ako six years ago at wala akong maalala maski kahit na ano. If ever kakilala nga kita noon, pasensya na talaga pero hindi naman siguro tamang tawagin mo kong bitch sa harap ng boss mo at ng mga empleyado ko." Ganting sagot ni Athena.

Tumingin si Athena sa boss ni Denice. "Excuse me sir but I won't work with someone who doesn't have any manners. If you'll excuse me, I have to leave. I'll just ask the clothing company to look for another photographer for this project."

Mr. and Mrs. Gangster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon