Nakatayo ang members ng Nine Flowers sa labas ng mansyon ni Andrew. Kanya-kanya sila ng dala-dalang sasakyan. Si Dane na dala-dala ang Porsche 918 Spyder niya. Kasama niya sa sasakyan ang fiance na si Yoon Ei Ra na isa rin sa mga miyembro ng nine flowers.
"Pupunta din daw ba si best?" Tanong ni Ei Ra habang nakasandal sa sasakyan ng fiance niya.
Umakbay naman si Dane sa kanya. "Yeap. Kakatawag lang sa akin ni Ynares kanina. Papunta na daw sila ng Anilao, Batangas. Nasa expressway na daw sila."
"Alam mo, hindi talaga maganda ang kutob ko sa reunion na to." Malungkot na saad ni Ei Ra.
Lahat naman sila hindi maganda ang kutob patungkol sa reunion na magaganap. Pakiramdam nila may mali sa magaganap na reunion pero hindi nila mawari kung ano yun.
"Wala naman tayong magagawa. Gustong pumunta ni boss kaya pupunta rin tayo." Singit ni Lloyd.
"May pictorial nga dapat ako sa France pero pinostpone ko muna. Nakakahiya kay boss." Sabat naman ni Klein.
Binatukan naman siya ng malakas ni James. "Siraulo ka. Alam mo bang namumuro ka na kay boss? Palagi kang nawawala sa mga meeting. Mamaya makakatikim ka ng sermon dun."
Umakbay naman sa kanya si Klein. "Ano ba yan babes. Namiss mo ba ako? Alam na ba ni Amarie na ako ang kabit mo?"
Inalis ni James ang pagkakaakbay ni Klein sa kanya. "Namo Martinez. Lumalabas na naman ang pagkabakla mo."
Napatigil sila sa pagkekwentuhan ng dumating si Steve sakay ng Montero Sport niya. Nagtaka silang lahat kung bakit iyon ang sasakyang dala nito. Inaasahan nilang yung sports car din nito ang dadalhin niya.
"Anong trip yan pre?" tanong ni Andre ng makababa si Steve ng sasakyan.
"Utos ni boss eh. Yung Aventador nga sana dadalhin ko kaya lang sabi ni boss Montero daw dalhin ko kaya yan ang dinala ko." Pagpapaliwanag ni Steve sa mga kasama.
Napatungo na lang sila kahit na naguguluhan sila.
Natuon ang atensyon nila kay Steve ng magring ang telepono nito. Sinagot naman niya ito sa harap ng mga kasama. Niloudspeaker niya ang telepono.
"Ano pang hinihintay niyo diyan? Pumasok kayo dito sa loob." Diretsong saad ni Andrew saka ibinaba ang tawag.
Sabay-sabay na pumasok silang lahat at nagitla sila sa mga nakita sa sala ng mansyon ni Andrew.
"Boss! Saan ang giyera?!" Tanong ni Andre.
"Oo nga. Alam ko reunion ang pupuntahan natin. Hindi giyera." Pagsang-ayon ni Lloyd kay Andre.
Nakalatag ang iba't ibang klase ng mga baril sa sala ni Andrew. Pistols, revolver, machine gun, submachine gun, shotgun at grenade launcher. Lahat yan nakalatag sa sala ni Andrew.
"Kumuha kayo ng isa. Alam niyo na kung paano itatago yan. Steve, ilagay mo lahat yan sa isang bagahe. Bilisan niyo at aalis na tayo." Saad ni Andrew saka nagtungo sa car park ng mansyon kung nasaan ang Ferrari F70 na siyang gagamitin niya patungong Batangas.
"Pre, giyera ba ang sasadyain natin sa Anilao? Bakit ang dami nito?" Tanong ni Lloyd sa mga kasama habang tinutulungan si Steve na ipasok sa bagahe ang mga baril at balang dadalhin nila.
"Ewan ko kay boss. Sundin na lang natin. Wala naman tayong magagawa eh." Saad ni Klein.
Pagkatapos nilang mag-ayos, nagsipuntahan na sila sa kanya-kanyang sasakyan at tinahak na ang daan papuntang Batangas.
Masayang nagtatawanan ang BPS sa loob ng van ng magvibrate ang phone niya.
From: James Michael
Babe, ang dami naming dalang armas. May giyera ba sa reunion?
Napakunot ang noo niya sa mensahe sa kanya ng kasintahan. Nagtataka siya dahil maski sila ay marami ring armas na dala. Iniutos sa kanila ni Athena na magdala ng maraming armas sa hindi malamang dahilan. Sinasabi sa kanila ni Athena na paghahanda lang ngunit iba ang kutob ni Amarie sa tunay na dahilan kung bakit talaga sila nagdala ng maraming armas.
Lalong nakadagdag sa hinala niya ang kaalamang maski sina Andrew ay marami ring dalang armas.
"Amarie, may problema ba?" Takang tanong ni Rianne. Napansin marahil nito ang biglang pananahimik niya ng mabasa ang mensaheng natanggap niya.
"Wala naman." Pumeke siya ng ngiti sa kaibigan kahit na labis itong nag-aalala patungkol sa mangyayari mamaya.
"Nga pala Athena, kailan ang kasal mo?" Tanong ni Ynares kay Athena. Nabaling naman ang atensyon ng lahat kay Athena at hinihintay ang isasagot nito.
"Walang kasalang magaganap. Niloloko lang pala ako nun. Nagpapanggap lang pala yung asawa ko." Prenteng sagot ni Athena saka sumandal sa upuan.
Napatango-tango na lang sila. Alam naman nila ang totoong nagpapanggap lang yung Pontio Pilatong nagpakilala bilang asawa ng pinuno nila.
Nanahimik na lamang sila ng makitang nakatulog na ang pinuno nila. Ayaw na ayaw nito ang nadidistorbo ang tulog kaya nanahimik sila.
Nasa expressway na sila Andrew ng maisipan niyang tawagan ang asawa. Kanina pa nagriring ang telepono nito ngunit walang sumasagot. Hindi tuloy maiwasan ni Andrew ang mag-alala.
"OH BAKIT?! HINDI KA PA BA NAGSASAWA SA AKIN?! KAGABI LANG MAGDAMAG TAYONG MAGKASAMA. HINDI KA PA NAGSASAWA?!"
Napapikit ng bahagya si Andrew sa sigaw ng asawa niya sa telepono. Nakabluetooth headset pa man din siya kaya masakit sa tenga ang pagsigaw nito. Kahit na hindi sabihin ng asawa, halata sa boses nitong bagong gising siya.
"Nagsawa pa ah? Bakit ako magsasawa eh nag-enjoy nga ako kagabi eh. Napuyat ka kasi kaya ka nagkakaganyan. Ang sungit sungit. Wag mo sabihing nagbunga na yung ginawa natin kagabi?" Pang-aasar ni Andrew sa asawa.
"GAGO! Paano magbubunga kung wala ka namang ginawa? Utak mo na naman puro kamanyakan. Kagabi pa yan. Bakit ka ba napatawag?" Inis na sagot ng asawa niya kaya lihim na napangiti si Andrew.
"Ganyan talaga kapag gwapo ang asawa. Kanino mo iniwan si Amber?"
"Kina mommy. Hindi naman magiging safe ang anak natin kung iiwan ko siyang mag-isa kasama si Yaya E. Hinayaan nga niyang mawala sa paningin niya si Amber noong nakaraan tapos iiwan ko pa siya sa kanya? No way." Pagpapaliwanag ni Athena.
"Good. Pero Athena, isang kwarto lang ba tayo mamaya?" Pang-aasar ni Andrew sa asawa.
"May baon akong grenade launcher. Gusto mong subukan ko sayo yun?" Banta ni Athena sa kanya.
"May dala rin akong grenade launcher? Magbombahan tayo gusto mo?" Nakangising tugon ni Andrew kahit na hindi siya nakikita nito.
"Baka lang nakakalimutan mo. Hindi pa tayo ayos. Wag mo kong asarin. Baka hindi kita matantiya." Seryosong saad ni Athena kaya hindi na nangulit pa si Andrew.
"Oo na. Pero pagdating doon, alam mo na." Paalala ni Andrew kay Athena.
"Oo nga. Hindi ako tanga. Wag kang paulit-ulit."
"Naniniguro lang. Baka kasi nakakalimutan mo na."
"Oh yun lang ba? Ibababa ko na. Malapit na kami. Nasaan na kayo?" tanong ni Athena. Napapangiti si Andrew sa concern na pinapakita ng asawa niya.
"Nasa expressway na. Magkikita din tayo. Wag kang excited." Pang-aasar niyang muli rito.
"GAGO!" Sigaw ni Athena saka ibinaba ang tawag.
Wala naman sa sariling umiling si Andrew dahil sa inasal ng asawa niya saka ipinagpatuloy ang pagdadrive patungo sa Anilao, Batangas.
BINABASA MO ANG
Mr. and Mrs. Gangster Boss
Teen Fiction[Book 2 of She's the Boss] Seven years matapos ang nangyari kina Andrew at Athena, parehas na silang kilala sa mga larangang pinasok nila. Andrew as one of the hottest and richest bachelor in Asia. Maraming babae ang nagnanais na makuha ang atensyon...