Chapter 22: The Escape

30.3K 464 12
                                    

Ang makatakas mula sa realidad ang dahilan ng biglaang pag-alis nila Athena, Andrew, Amber at Avery ng Subic. Sa tulong ng kapatid niya at ni Pierce, walang nakapansin ng patago nilang pag-alis.

"Athena, what's with the sudden decision?" Tanong ni Pierce sa kanya na kasalukuyang nagmamaneho. Katabi niya sa passenger seat si Eliza habang nandito kaming pamilya sa likod nila. Isang starex van ang gamit namin sa biglaang lakad na ito.

"Wala lang. Gusto ko lang makalayo kay Eunice. Gusto ko lang na magkaroon kami ng memories bilang pamilya. Yung walang Eunice na eeksena." Sagot ni Athena. Yun talaga ang dahilan ng pag-alis nila. Gusto niyang pagbigyan ang asawa. Madali lang naman gawan ng paraan yun kaya lang alam niyang hindi din sila matagal na makakapagtago.

Isa pa, may desisyon nang nabuo sa isip ni Athena. Hanggat hindi tapos ang tungkulin niya sa BPS, alam niyang hindi matatapos ang problema nilang dalawa kaya humantong siya sa desisyong iyon. Hindi madali ngunit hindi na niya magagawa pang maging makasarili lalo na kung kaligtasan ng pamilya niya ang nakataya.

HInaplos niya ang buhok ng natutulog na si Andrew. Lasing na lasing pa ang lalake ng buhatin nila ito pasakay sa sasakyan. Nahirapan pa sila dahil ang bigat-bigat ng lalake. Hindi naman sila nahirapang buhatin sina Avery at Amber na natutulog na ng kunin ni Eliza at Athena kanina. Hindi naman nagising ang kambal kaya mas naging madali ang pagtakas nila.

"Haaay. Sister-in-law ..." Balak sanang kausapin ni Pierce si Athena ngunit pinutol ito ni Eliza. "Umayos ka nga Pierce. Hindi pa tayo ayos. Baka lang nakakalimutan mo." Pagpapaalala ni Eliza kay Pierce. Hindi pa nga maayos ang relasyon nilang dalawa ngunit nagkakaroon na ng konting pag-asa si Pierce na magkakaayos sila dahil kahit papaano ay hindi na siya iniiwasan nito at sa halip ay kinakausap na siya nito.

"Haha. Hayaan mo na Eliza. Ano yun Pierce?" Natutuwa si Athena na makitang masaya si Pierce at si Eliza. Halata naman sa kapatid niyang in denial lamang ito. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit nagkakaganito ito kay Pierce pero sigurado siyang kay Pierce ito sasaya at nararamdaman niyang mahal nito si Pierce.

"Ate naman. Kaya umaasa yang gagong yan eh." Nakapout na saad ni Eliza kay Athena. Natawa na lang si Athena sa sagot ng kapatid niya. "Come on Eliza. Dun din punta nun. Alam ko. Galing na ako diyan. Haha." Napangisi si Pierce samantalang hindi maitago ni Eliza ang inis sa sinabi ni Athena.

"I agree future sister-in-law." Nakangiting sabi ni Pierce kay Athena.

"Don't worry future brother-in-law. Tanggap na kita. Pasagutin mo lang ng oo yang si Eliza, ipapakasal ko kayo kaagad sa kahit na saang simbahan dito sa Pilipinas." Pabirong sagot niya. Hindi naman seryoso si Athena sa sinabi niya ngunit nang makita niya ang pagningning ng mga mata ni Pierce mukhang mapapasubo siya.

Sana pala hindi ako nagsalita. Panenermon ni Athena sa sarili sa isip niya.

Akmang magsasalita pa sana si Pierce ng sikuhin siya ni Eliza kaya bahagya itong napaigtad. Natawa na lang si Athena sa inaasal nilang dalawa.

Makalipas ang ilang oras, narating na nila ang isang bahay. Hindi naman kalakihan ang bahay. Sapat lang ito para sa apat na katao. Bungalow type ang bahay. May malawak na hardin sa labas. Napalingon-lingon si Athena sa paligid. "Uhmm, Pierce. What's with this place? Somehow it's so creepy." Saad ni Eliza kay Pierce na abalang nagbababa ng mga gamit namin mula sa sasakyan. "Huh? Hindi naman creepy tong lugar na to. Sinadya kong bilhin to. Malayo kasi sa siyudad tsaka walang gagambala. Bukod sa akin, wala ng nakakaalam ng lugar na to."

Nakahinga ng maluwag si Athena sa narinig mula kay Pierce. Ayaw niyang masundan sila ng mga kasamahan nila sa gang. Hanggat maari, gusto niya munang malayo sa kanila. Alam nilang mag-aalala sila pero magiging makasarili muna siya para sa ikasisiya ng pamilya niya.

Mr. and Mrs. Gangster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon