Chapter 7: The Truth

33.6K 571 13
                                    

"Yes. You're my son-in-law and my daughter is your wife."

Andrew faked a laugh. "You've gotta be kidding me. Me and your daughter?! Malaking joke yan Mr. Ricafort."

Frost pulled something on his chest pocket and handed it to Andrew. "Here. Is that an enough proof already?"

Kinuha ni Andrew ang inaabot nito sa kanya. Binuklat niya ang nakatuping papel. "A marriage license?" Tanong niya kay Frost na siyang ikinatango naman nito. Tinignan niya ang kabuuan ng marriage license. "Athena Ricafort." Mahinang usal ni Andrew ng mabasa ang pangalan ng asawa niya.

"Seven years ago. You and my daughter were involved in a car accident. Parehas kayong nakaligtas kaya lang parehas din kayong walang maalala." Pagsisimula ng kwento ni Frost. Nakatingin lang sa kanya si Andrew. "That time, I wanted to hid my daughter from my father. Alam mo naman siguro ang sigalot sa pagitan namin ng papa na siyang dahilan para hindi niya ipamana sa akin ang posisyon sa BPS. Masaya ako dahil kahit papaano matatahimik ang buhay ng pamilya ko. But everything changed when he announced that Athena will he his heiress."

"Kung itinago niyo pala siya, how come she's the boss of the BPS now?"

"Matiyagang hinanap ng papa si Athena. He's aware that we are hiding her from him. It even took him five years just to look for her. Noong nakita niya si Athena, blinackmail niya ang anak kong ipapapatay ang anak niya kapag hindi ito sumunod sa gusto niya. "

Uminit ang ulo ni Andrew sa narinig. Napatayo siya sa sobrang inis. "Nasisiraan na ba si Fire?! Bakit nagawa niya yun sasarili niyang apo?" Tiim-bagang na saad ni Andrew.

"Pinapangalagaan ng papa ang BPS. Siya ang bumuo ng BPS at hindi siya makakapayag na may sumira sa pamilyang iningatan at binuo niya ng mahabang panahon. Ayaw niyang may ibang magmana ng posisyon niya kaya naisip niyang si Athena ang magmana noon dahil hindi ako pwede dahil kinamumuhian ako ng papa."

Napapikit si Andrew at muling naupo sa tabi ni Frost. "Where is she now?"

"Nandito sa Manila. Alam mo naman siguro yan dahil alam kong pinapamanman mo ang pinuno ng BPS."

"Ang gulo. Bakit kailangan maging ganito? Ako ang emperor ng nine flowers at siya ang pinuno ng BPS. Bakit sa magkalaban na gang pa?"

Sumandal si Frost sa upuan at tumingala. "Maybe it was destiny. Fated. Yun ang itinadhanang maging buhay niyong dalawa."

Napakunot ang noo ni Andrew ng bigla itong may maalala. "Kung buhay ang asawa ko, sino ang nakalibing sa family musuleum namin?"

Hindi naman naitago ni Frost ang pagtataka. "I don't know. Nagulat na lang ako ng minsang mapadalaw ako sa puntod ni Andrea, may puntod na si Athena doon. Itinago lang namin si Athena pero hindi ko sinabing patay na siya."

Mas lalong naguluhan si Andrew sa mga pangyayari. Hindi nagtutugma-tugma sa mga nalalaman niya ang mga bagay na inaakala niyang tama. Hindi na niya alam kung sino ang paniniwalaan. Ang mga kaibigan o ang lalakeng nasa tabi niya at nagpakilalang ama ng asawa niya.

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa pagitan nilang dalawa. Walang masabi si Andrew patungkol sa mga rebelasyong narinig niya.

"There's also one thing you need to know." Pambabasag ni Mr. Ricafort.

"Ano pa ang hindi ko alam? Sasabog na ang utak ko sa mga bagay na sinabi niyo, may kulang pa?! Kung hindi ako naglakas loob na magtanong, hanggang kailan niyo itatago ang katotohanan mula sa akin? Habambuhay na?" Hindi maitago ni Andrew ang galit na nararamdaman niya matapos marinig ang mga iyon mula sa taong ituturing niya dapat na pangalawang ama.

Mr. and Mrs. Gangster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon