Umiiling na binaba ni Athena ang tawag ng asawa. Wala na talagang ginawa ang asawa niya kundi asarin siya.
"Bakit ganyan ang mukha mo pinuno? May problema ba?" Nagulat si Athena sa biglang pagsulpot ni Krizza kasunod ang gems at si Ynares.
"Wala naman. May problema lang daw sa shop." Pagkakaila ni Athena sa tunay na problema. Walang alam ang gems na nagkausap at nagkita na sila ng asawa niya.
Nang gabi na sadyain siya ng asawa niya lang nalaman na si Andrew pala ang pinuno ng kalaban niyang grupo.
FLASHBACK
The Night Before the Reunion"ATHENAAAAA!"
Nabulabog ang tulog ni Athena ng dahil sa malakas na sigaw ng isang lalake mula sa labas ng bahay niya.
Kahit na gulo-gulo pa ang buhok at nakanight dress lang, lumabas siya ng kwarto niya at hinarap yung nag-iingay sa labas ng bahay niya.
Pagkabukas niya ng gate, bumungad sa kanya ang isang gwapong naka-all black na lalake. Para siyang si Edward Cullen. Sobrang puti niya at matangkad. Malakas din ang dating niya.
"Problema mo? Kung wala kang mabulabog, wag kang mandamay ng iba." Dire-diretsong salita ni Athena. Isasara na sana ni Athena yung gate nang may kamay na pumigil sa gate.
"Ano ba?!" Inis na singhal ni Athena kay Andrew.
"Ganyan ba ang pagwewelcome sa asawa mo?" Nakangising tanong ni Andrew.
Napatulala naman si Athena sa sinabi ni Andrew. Hindi niya inaasahang asawa niya ang manggugulo ng disoras ng gabi.
"Paano ako-" Naputol ang sasabihin sana ni Athena ng marinig niyang sumigaw ang anak niya.
"DADDY!!!!!" Malakas at excited na sigaw ni Amber. Nagtatatakbo ito papunta sa kanila ni Andrew.
"Amber." Nakangiting tugon nung lalake na ikinalingon ni Athena. Matalim ang tinging pinukol niya kay Andrew.
Nang makalapit naman si Amber sa kanila ay agad siyang niyakap at binuhat ni Andrew.
"Daddy! Your home na!" Tuwang-tuwang sigaw ni Amber sabay pinupog ng halik ang mukha ni Andrew.
Nakangiting ineenjoy ni Andrew ang paghalik ni Amber. "Yes baby. You welcomed me but your mom still haven't welcomed me and kissed me." Nakangusong patong saad ni Andrew.
Inirapan ni Athena si Andrew ngunit hindi nagpatinig iyon sa kanya.
"Mommy, kiss mo si daddy para hindi na siya umalis." Bumaba mula sa pagkakabuhat ni Andrew si Amber at tumayo sa tabi nilang dalawa at matiyagang hinintay ang pinakiusap sa ina.
Binigyan ni Athena ng matalim na tingin si Andrew. Ngumisi lang ang asawa niya.
"Mommy, I'm waiting ..." Nakangusong saad ni Andrew. Akmang susuntukin ni Athena si Andrew ngunit napigilan ni Andrew ang kamao niya gamit ang kamay niya at mabilis siyang hinatak saka niyakap ng mahigpit. Nagpupumiglas si Athena ngunit mahigpit ang pagkakayakap ni Andrew at hindi makawala si Athena.
Napansin naman ni Andrew ang pagngiti ni Amber sa gilid nila kaya nginitian ni Andrew ang anak.
"Mommy daddy kiss na po so we can come inside."
Hinarap ni Andrew si Athena. "Paano ba yan mommy? Kiss daw." Pang-aasar ni Andrew sa asawa.
"ASA! Mangarap ka!" Sigaw ni Athena.
![](https://img.wattpad.com/cover/13611360-288-k468441.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr. and Mrs. Gangster Boss
Teen Fiction[Book 2 of She's the Boss] Seven years matapos ang nangyari kina Andrew at Athena, parehas na silang kilala sa mga larangang pinasok nila. Andrew as one of the hottest and richest bachelor in Asia. Maraming babae ang nagnanais na makuha ang atensyon...