Chapter 8: Annulment (Part 1)

32.1K 517 38
                                    

Sinama ni Andrew sa isang parke ang anak na si Amber. Gusto niyang makasama at makabonding ang anak ng matagal. Kailangan niyang ibalik si Amber bago magdilim dahil siguradong pauwi na ang asawa niya ng mga oras na iyon.

"Daddy, bakit po ngayon lang kayo umuwi?" Inosenteng tanong ni Amber habang abala ito sa pagkain ng paborito nitong fishballs. Ikinagulat ni Andrew ang paboritong pagkain ng anak dahil hindi niya akalaing street food pala ang hilig nitong kainin. Inaasahan kasi niyang mamahaling pagkain ang kahihiligan ng anak ngunit nagkamali siya. Mukhang napalaking simple ng asawa niya ang anak nila.

Ngumiti siya sa anak bago ginulo ang buhok nito. "Baby, hindi pa makakauwi si daddy. May mga bagay pang kailangan gawin si daddy."

Hindi itinago ni Amber ang lungkot sa narinig mula sa ama. "But dad, kasi ..." nakapout na saad ni Amber na tila nag-aalangang ipagpatuloy ang sasabihin niya.

"What is it baby?"

"Kasi si mommy may suitor siya." Nakapout na saad ni Amber na ikinagulat niya. "I only want you daddy for mommy."

Gusto sanang tumawa ni Andrew sa sumbong ng anak niya sa kanya. Hindi niya akalaing ginugwardiyahan pala ng anak niya ang mommy nila.

"That's good to hear baby pero marami ba talagang suitors si mommy?" Tanong ni Andrew kay Amber.

Inosenteng tumango si Amber. "Mommy have lots of them! Mommy is so beautiful and good that's why she have lots of them but I don't like any of them." Sabay subo ng fishballs na nakatusok sa stick.

Naaliw si Andrew sa pagiging bibo ng anak nila. Nahahalata niyang prangka ang anak niya. Nagmana lang sa kanya.

"Baby, what if you have a sister? Would you love to have one?"

"Of course dad. I have been living alone. Mommy is so busy that she can only bond with me at night. Sometimes I don't play with her when I see that she is so tired. Maybe having a sister is not a bad idea. Why dad? Do I have a sister?"

Andrew just smiled at her. Sapat ng malaman niyang ayos lang sa anak ang magkaroon ng kapatid. Mukhang hindi siya mahihirapang matanggap na may kakambal siya.

Napatingin sa relo niya si Andrew at laking gulat niya ng makitang mag aalas sais na pala ng gabi. Medyo maliwanag pa kasi kaya hindi niya inakalang maggagabi na pala.

"Baby,we have to go home. Your mommy might be looking for you already." Inabot ni Andrew ang kamay niya sa anak ngunit hindi nito tinanggap iyon. Sa halip, iniangat nito ang mga kamay at mistulang nagpapakarga. Kinuha naman siya ni Andrew at kinarga.

"You are heavy sweetie." Pabirong saad ni Andrew sa anak na ikinahalakhak lamang nito.

Kanina pa palakad-lakad sa harap ng gems si Athena. Hindi siya mapakaling dinukot ang anak niya.

Nabanggit ni Yaya E na may dumalaw diumano sa anak niya. Nagpakilalang ninong kaya pinapasok ni Yaya. Makalipas lang daw ang ilang minuto, nagdesisyon si yaya na dalhan ng juice ang bisita pero ng puntahan daw niya ang mga ito ay nawawala na sila.

Kung hindi ba naman isa at kalahating ewan si Yaya E. Magpapasok ba daw ng hindi kakilala?! Tsk.

"Athena, calm down will you?! Mas nag-aalala pa kami sayo kaysa sa kay Amber eh. Baka ikaw pa ang masugod namin sa hospital." Prenteng saad ni Richelle.

"Oo nga. Kalma lang pinuno." Pagsang-ayon ni Rianne.

"Try niyo kayang mawalan ng anak kung hindi kayo masiraan ng bait kakahanap!" Sigaw ni Athena.

Mr. and Mrs. Gangster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon