Athena's POV
Kung pwede lang talagang makapatay ng babae, ginawa ko na. Kung pwede lang sana.
Matalim na tinignan ko ang babaeng bagong dating lang. Lumilingon-lingon pa ito at mistulang may hinahanap. Tss. Hanggang dito ba naman? Ibang klase din yung kamandag ng asawa ko sa babaeng to. Anong gayuma kaya ang ginamit niya sa babaeng yan?
Nilapitan ko siya saka sinipat ng tingin. Mula ulo hanggang paa. "Anong ginagawa ng bitch dito?"
"What did you just say?!"
Tss. She's pissed off yun pa lang ang ginagawa ko. Ano ba yan. Boring. "Sabi ko bakit nasa beach ka. Baka malunod ka. Ikaw din."
"I am looking for Andrew and not you. So please Athena, ayokong mastress. Bawal sa akin at sa anak namin ni Andrew."
"Shut the fuck up." Kung anu-anong kasinungalingan na ang lumalabas sa bibig ng babaeng to. Baka madagdagan pa kasi kaya pinigilan ko na. Madagdagan pa kasalanan niya. Baka sa ibaba na bagsak nito. Hindi na papunta sa taas.
Tumahimik naman ito at luminga-linga para hanapin si Andrew. Gusto kong matawa sa itsura niya. Sige lang Eunice. Hanapin mo ang asawa ko. Ipagpatuloy mo yan. Mamaya lilitaw din yun. Malakas din radar nun sayo.
"Athena." Kitams?! Ewan ko ba kung bakit basta kay Eunice ang lakas ng radar ng lalakeng to. Yan ba ang epekto ng breastfeed? Di ba sabi ng mga ina, nararamdaman daw nila kung gutom na yung mga baby nila kahit nasa malayo sila. Hindi kaya ganun si Andrew?
"What?" Iritadong sagot ko sa kanya. Tss. Gusto kong matawa. Nagugutom na siguro tong "baby damulag" ni Eunice kaya napasugod dito. Haha.
"Hinahanap ka ng kambal sa kwarto." Diretsong sagot niya.
"Okey fine." Naglakad ako lampas kay Eunice patungo sa harap ng elevator. Habang hinihintay ko ang pagbukas ng pinto ng elevator, humarap ako sa kanila at nakita kong nakatitig si Andrew sa akin.
Napangisi ako saka itinaas ang kamao ko. Subukan mo lang Santillan na galawin yan, lulunurin kita sa breastmilk ni Eunice.
Nang bumukas ang pinto ng elevator, tumambad sa akin ang mukha ng kapatid kong parang nauubusan na ng hangin sa katawan. Agad akong lumapit sa kanya.
"Hoy Eliza, may problema ba?" Tanong ko sa kanya habang hawak ang magkabilang balikat niya.
"W-wala a-ate." Hirap na hirap na sambit nito sa akin. Dadalhin ko sana siya sa clinic pero hinawakan niya ako sa braso para pigilan.
"M-may gamot a-ko sa k-kwarto." Hirap na siyang magsalita. Ito ang unang pagkakataong nakita kong nagkakaganyan si Eliza.
"Anong floor ng kwarto mo?"
Nagsenyas ito sa kamay ng lima kaya pinindot ko ang 5 sa buttons. Agad akong tumabi sa kanya pagkapindot ko sa buttons.
Eliza and I are not blood-related. My mom and dad adopted her when she was still 6 months old kaya lang hindi siya matanggap ng lolo kaya pinalaki nila si Eliza malayo sa akin. Lolo wants to get rid of Eliza that's why they hid her. Ilang taon pa lang ang nakakalipas ng malaman ko ang patungkol sa kanya.
Naalala ko noon ang naging pagtatalo ni lolo, mommy at daddy patungkol kay Eliza.
"Anong ginagawa ng bastardang babaeng yun sa pamamahay ko?!" Galit na saad ng lolo sa mga magulang ko. Nasa mansyon kami ng lolo para sa taon-taong pagtitipon ng pamilya.
"Dad, Eliza is part of our family. She's our daughter!" Sigaw na pagpapaliwanag ni Daddy.
"Don't fool yourselves Frost. Wala akong apo na Eliza ang pangalan at wala kayong anak na Eliza. Si Athena lang ang kikilalanin kong apo at siya lang. Wala ng iba!" Galit na saad ng lolo sa kanila.
BINABASA MO ANG
Mr. and Mrs. Gangster Boss
Teen Fiction[Book 2 of She's the Boss] Seven years matapos ang nangyari kina Andrew at Athena, parehas na silang kilala sa mga larangang pinasok nila. Andrew as one of the hottest and richest bachelor in Asia. Maraming babae ang nagnanais na makuha ang atensyon...