Chapter 38: Memories

32.7K 479 17
                                    

Athena's POV

"ATHENA! Gising naaaaaaaaa!"

Itinakip ko sa tenga ko yung unan ni Andrew na yakap-yakap ko. Wala kasi si Andrew. Nagka-emergency daw sa branch ng company sa Cebu. Kahapon pa siya umalis.

"Ang aga aga pa eh! Mamaya pa naman yung party eh!" Singhal ko sa gems. Ang aga aga at nandito sila sa bahay namin.

Mamaya na kasi yung reunion party sa school at dito sila sa mansyon natulog dahil dito na rin daw sila mag-aayos since malapit lang naman daw yung bahay namin sa school.

Yung mga asawa at kasintahan naman nila hindi ko alam kung nasaan. Mga busy din daw kaya pumayag na matulog sila sa mansyon.

"Tsk. Ayaw mo bang maglibot muna sa school? Nakakamiss din kaya yun." Naramdaman kong umalog yung balikat ko. "Dali na Athena."

Tumihaya ako at hinarap sila. Napakunot ang noo ko nang mapansin ang suot nila. "Bakit nakauniform kayo?"

Suot suot nila yung uniporme namin noong high school. Malamang nagpaggawa sila ng kagaya ng uniform namin noon dahil iba na ang uniform ng high school department ng university ngayon.

"Throwback thursday! Para mas feel natin yung pagtothrowback natin, nagpaggawa kami ng uniform natin dati!" Inihagis nila sa akin ang isang paper bag.

Binuksan ko ang paper bag at tinignan ang laman nito. May isang set ng uniform namin noon.

"Ano pang hinihintay mo? Wag mong titigan yan. Magbihis ka na." Kinaladkad ako ni Amarie papasok ng banyo namin. Mukhang wala naman akong choice kundi sakyan ang trip nila.

Naligo ako saka nag-ayos bago lumabas ng banyo. Paglabas ko, nasilayan ko ang mga nakabusangot na mukha ng mga kasama ko.

"What's with the face?"

"Ang sabi namin, magbihis ka. Isang oras ang tinagal mo sa loob! Ano bang ginawa mo dun?" Thalia

"Syempre naligo tapos nag-ayos."

Tinignan nila ako ng masama.

"Wow ah! Nakaayos ka na sa lagay na yan? Ni hindi mo pa nasusuklayan yung buhok mo! Wala ka ding kahit na anong make up sa mukha. Nakatsinelas ka lang din tapos nag-ayos ka na sa lagay na yan?" Richelle

Tinignan ko ang sarili ko. Nakaayos naman talaga ako. Nakabihis na ng uniform.

"Tsk. Hayaan mo na nga yan. Late na tayo eh." Paige

"Aba? Feel na feel niyo ang throwback thursday niyo ah? Pakiramdam niyo rin may pasok at malalate na tayo?"

"Wag ka nga Athena. Bilis na." Amarie

Kinuha ko yung itim kong pumps sa closet since wala naman na akong black leather shoes dahil hindi naman ako pumapasok sa eskwela. Sa sasakyan na lang ako magsasapatos.

Sumakay kaming lahat sa isang coaster bus. Hindi naman sila masyadong prepared at coaster bus pa talaga ang dinala nila ah?

Pagpasok ko sa loob, noon ko lang nalaman na customized pala tong bus. Yung bubungad sayo pagkaakyat mo ay receiving area. May sofa at mini table. May TV din at sound system.

Dumiretso ang tingin ko sa may bandang likuran ng sasakyan. Nandoon lahat ng dress na napamili namin na susuotin namin para sa reunion party mamaya. May dresser din doon na tingin ko ay kumpleto sa make ups. Pati plantsa, blower at pangkulot meron din doon.

Pakiramdam ko tuloy nakihiram kami ng bus sa isang artista. Para kaming may out of town taping na pupuntahan eh.

Ganito rin kasi ang mga sasakyan ng mga top models na kinukuhaan ko. Lahat ng kailangan nila nasa sasakyan. Madalas nilang ginagamit yung ganitong sasakyan kapag magpapalipat-lipat kami ng location at kung out of town yung photoshoots.

Mr. and Mrs. Gangster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon