Chapter 6: The Tales of the Past

34.1K 615 32
                                    

Elle's Note: Someone requested for me to post the real names of the Zodiacs and Gems kasi nalilito daw sila. Ipapaliwanag ko lang kung bakit ganun yung names nila sa book 2. Seven years na po kasi ang lumipas kaya nagmature na sila. At mas appropriate po kasing gamitin ang real names for the updates.

ZODIACS

Leo ---------> Arthur Dane Pechardo

Aquarius --------> Lloyd Charles Molina

Virgo --------> James Michael Ibanez

Taurus --------> Klein Evan Martinez

Aries --------> Marc Andre Enriquez

Gemini ---------> Christopher Steve Zuniga

GEMS

Amethyst ------>Amarie De Chavez

Alexandrite -------> Krizza Mae Tiacson

Ruby -------> Rianne Gale Natividad

Pearl --------> Thalia Mei Matias

Quartz ---------> Richelle Mae Bautista

Sapphire ---------> Paige Naya Hechanova

Kanina pa pinaglalaro ni Andrew ang mga daliri sa table niya. Ilang minuto pa lamang ang nakakalipas mula ng tawagan niya si Frost Ricafort at humingi siya ng appointment dito. Hindi pa niya maconfirm ang nasabing appointment sa kadahilanang nasa meeting di umano si Mr. Ricafort ayon sa sekretarya nito. Hindi siya mapakali sa paghihintay sa tawag ng sekretarya nito.

"Boss." Saad ni Steve ng buksan niya ang pinto ng opisina ni Andrew.

Sa Santillan Group of Companies nagtatrabaho si Steve. Siya ang secretary ni Andrew. Minabuti ni Andrew na isa sa mga Nine Flowers ang maging sekretarya niya ng hindi siya mahirapang ayusin ang schedule niya para sa Nine Flowers at para sa kompanyang pagmamay-ari niya.

Napataas ang tingin ni Andrew sa kaibigan. Hindi nito naitago ang gulat ng makita ang kaibigan. "Bakit?" Tanong ni Andrew.

"May problema ka ba boss? Balisa ka ata?" Nag-aalalang tanong ni Steve kay Andrew.

"W-Wala. Anong kailangan mo?"

"Boss, kakatawag lang ng sekretarya ni Mr. Ricafort. Magkita daw po kayo sa park mamaya. Itetext na lang daw ni Mr. Ricafort sa inyo ang address ng parke. Boss, bakit makikipagkita kayo sa tatay ng kalaban ng pinuno ng grupo natin?" Takang tanong ni Steve. Nagulat siya ng matanggap ang tawag mula sa mga Ricafort. Hindi naman nawala sa isip niyang baka negosyo ang dahilan ng pagkikita nila ngunit hindi niya talaga maiwasang magduda sa dahilan ng pagkikita ng magbiyenan.

"May pag-uusapan lang kami patungkol sa negosyo." Saad ni Andrew.

Mula sa kinauupuan niya ay tumayo na si Andrew saka nilampasan ang kaibigan. Hihintayin na lamang niya sa sasakyan niya ang mensahe mula sa kakatagpuin.

Nakatanaw lang sa malayo si Frost. Nasa rooftop siya ng kompanya nila. Pinag-iisipan niya kung sasabihin na niya ang lahat kay Andrew.

"Why so serious?"

Napalingon siya sa likod niya. Nakita niya ang asawang si Solenn. Sinipat niya ng tingin ang suot nito. Naka-all black ang asawa niya at kahit na hindi siya magtanong, alam niya kung saan galing ito.

Mr. and Mrs. Gangster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon