Chapter 25: Mysteries

26.7K 434 10
                                    

Athena's POV

Hapon na at nakita kong nakatunganga si Andrew sa pool side. Nakalubog ang mga paa niya sa tubig habang malalim ang iniisip. Nakapangalumbaba pa ito.

Ano na naman kayang problema ng babaerong to?

"Hey." Pagtawag ko sa atensyon niya. Ngumiti naman ito ng munti sa akin.

Okey. Now that was weird.

Tinapik ko ang balikat niya. "May problema ba Andrew?" Imbes na sagutin ako, ngumuso lang ito.

Naweweirduhan na talaga ako sa lalakeng to. May nakain bang kakaiba tong lalakeng to?

"Mommy! Mommy!" Napalingon ako sa direksyon kung nasaan si Amber. Magkasama sila ng kakambal.

Ngumiti ako saka ibinuka ang magkabilang kamay ko para isenyas na lumapit sila sa amin. Mabilis silang tumakbo at lumapit sa akin.

"Mommy, daddy is sick." Nakapout na saad ni Amber.

Maysakit si Andrew? Nilagay ko ang kamay ko sa noo niya para pakiramdaman kung mainit na siya. Ginawa ko rin sa leeg niya. Hindi naman siya mainit.

"Ano ba Athena! Lumayo ka nga sa akin! Ang baho mo eh!" Inipit pa ni Andrew ang ilong niya.

Ako?! Mabaho? Is he serious?!

Inamoy-amoy ko ang sarili ko. Hindi naman ako mabaho eh. Sa katunayan nga, yung pabangong binili namin ng magkasama ang gamit ko. Siya pa ang pumili nito kaya paano niya nasabing mabaho?

"Alam mo Andrew, gutom lang yan. Tara na sa loob ng makakain." Hinawakan ko ang kamay niya at tinulungan siyang makatayo ng maayos.

Andrew is acting strange ang weird today. Alam ko namang nagalit ako sa confession niya kanina pero hindi naman talaga ako sobrang galit. Valid excuse naman kasi na akala niya ay patay na ako kaya malamang natural lang na makipagdate siya sa iba.

We were walking in silence papasok ng bahay ng matigilan kami dahil bumitaw si Andrew sa kamay ko at patakbong pumunta sa halamanan na malapit sa bakod habang nakatakip ang mga kamay sa bibig. Pagkalapit niya doon ay doon siya sumuka.

What the hell?! What's happening to him?!

"Babies mauna na kayo sa loob. Aalalayan ko lang ang daddy niyo." Agad namang tumalima sina Amber at Avery.

Nilapitan ko naman ang lalakeng walang tigil na sumusuka sa halaman. Kawawang halaman. Nasukahan pa ni Andrew.

Tinapik-tapik ko ang likod ni Andrew. "Okey ka lang dy?" Tanong ko sa kanya habang patuloy ako sa pagtapik sa likod niya.

Hindi kaya may malubhang sakit tong si Andrew pero tinatago niya lang sa akin?

"Yeah." Medyo hinihingal na tugon niya ng matapos siyang sumuka. Pinunasan niya pa ang labi niya.

"May sakit ka ba Andrew?" Seryosong tanong ko sa kanya.

Paano na kami kung maysakit na talaga siya? Paano kami ng mga anak niya?

Nakangusong umiling si Andrew. "So what's the problem? May nakain ka bang panis na nakasira ng tiyan mo?"

Umiling muli si Andrew. This time, nakikita ko ng nagbabadya ang mga luha niya.

Anong problema nito? Wala naman akong sinabing masama ah para umiyak siya.

"Athena ..." Naiiyak na tawag niya sa pangalan ko.

"What?"

"Kasi ..." Hawak-hawak niya ang dalawang kamay niya at nilalaro ang hintuturo niya. Nababakla na ba tong si Andrew?!

Mr. and Mrs. Gangster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon