Chapter 32: It Ends Here

24.7K 421 6
                                    

Agad na napatigil sa pagkilos si Athena nang barilin siya ng niya kilalang lalake. Napalunok siya ng ilang ulit dahil tinututukan siya nito ng baril at alam niyang sa isang maling galaw niya lang ay papuputukan siya nito.

"Sino ka?" Tanong ng lalake.

Napakunot ang noo ni Athena sa tanong nung lalake. Hindi siya nito kilala. Ibig sabihin, wala itong ideya na siya ang pinuno ng BPS.

"G-guest lang po ako sa hotel na to." Nilagyan ni Athena ng himig ng takot ang boses niya para hindi iyon makahalata na siya ang pinuno ng BPS. "U-umakyat lang po ako dito sa rooftop p-para sana magpahangin." Pinanginig pa niya ang boses niya para magmukhang natatakot siya.

Mataman siyang tinitigan ng lalake saka niya narinig ang pagbuntong-hininga nito. "Sige. Umalis ka na dito. Wala kang pagsasabihan ng mga nakita mo o pasasabugin ko yang bungo mo. Nauunawaan mo?" Tumango ng ilang ulit si Athena tsaka naglakad patungo sa steel door ng rooftop. Ngunit bago pa man siya makalapit sa pinto, napatigil siya nang muling magsalita ang lalake.

"Sandale. May nakita ka bang mga bata dito?" Alam ni Athena na si Amber at yung batang kasama niya ang tinutukoy ng lalake.

"W-wala po." Pagkakaila ni Athena. Pagkasabi noon ni Athena ay tumalikod na agad ang lalake kaya nakahinga ng maluwag si Athena. Pinakiramdaman niya muna kung nakalayo o nakaalis na yung lalake saka siya muling bumalik sa kinaroroonan nila Amber.

Hindi na sigurado si Athena sa kaligtasan ni Amber lalo na at nalaman niyang hinahanap pala si Amber ng mga dumukot sa kanya.

Mabilis na nilapitan ni Athena ang anak saka binuhat. Hinawakan ni Athena ang kamay ng batang lalake saka pinasunod sa kanya. Lumabas sila ng steel door ng tahimik. Bumaba sila ng hagdan saka matiyagang naghintay sa tapat ng elevator.

"Mommy, si daddy at si ate." Humihikbing bulong ni Amber sa ina. Niyakap lang siya ng mahigpit ni Athena saka inalo. Alam ni Athena na nasa panganib ang mag-ama niya at sa bawat segundong lumilipas, lalong lumalaki ang tsansang hindi niya datnan ng buhay ang mag-ama niya.

Kinuha ni Athena ang telepono sa purse na hawak saka tinawagan si Dane.

"Hello Athena?"

"Umakyat ka dito sa pinakataas na floor. Sunduin mo sina Amber. Dalhin mo sila sa ligtas na lugar. Bilisan mo."

"Dalawang floor lang ang pagitan natin. Sa fire exit na ako dadaan."

Binaba na ni Athena ang tawag saka matiyagang hinintay si Dane. Ilang minuto lang din ang lumipas at dumating si Dane kasama si James at Klein. Lahat sila may hawak na baril at may bakas ng dugo sa mga damit.

"What happened?" Kabadong tanong ni Athena sa kanila.

"May engkwentrong nagaganap sa baba. Nagkahiwa-hiwalay na kaming lahat." Pagkekwento ni Klein.

"Nasaan na ang iba?"

"Hindi namin alam-" Naputol ang pagsasalita ni James nang ...

*BANG*

Nanlaki ang mga mata ni Athena nang mabilis na mag-angat ng baril si Dane saka nagpaputok sa bandang likuran niya. Agad siyang napalingon sa likuran niya saka nakita ang lalakeng nakahandusay sa sahig.

Naramdaman niya ang panginig ng dalawang batang kasama niya. "Calm down baby. Everything's alright." Pagpapakalma niya kay Amber. Inalo niya rin ang batang lalake na kasama nila.

Ipinasa ni Athena si Amber at yung batang lalake kina Dane, James at Klein. "Take them somewhere safe. Ilayo niyo agad sila dito. Ililigtas ko pa si Avery." Mabilis na tumalima sina James, Klein at Dane.

Mr. and Mrs. Gangster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon