Chapter 39: Renewal of Vows

35.3K 487 50
                                    

Athena's POV

Nagising ako ng sobrang sakit ng leeg ko. Nangalay siguro dahil mali yung posisyon ko dahil nakatulog lang ako sa dresser.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at namangha ako sa nakita ko. Nakaayos na ako. Nakamake-up na ako at may nakaayos na ang buhok ko. Nakataas iyon at may nakapin na belo. May tiara din ako sa ulo.

What the hell happened to me?

Napatingin ako sa katawan ko at nagulat ako nang makitang nakasuot ako ng traje de boda. Isang tube cut na white ball gown na kumikislap dulot ng mga krystals na nasa tela nito.

Paano nangyaring ito ang suot ko? Iba ang suot ko kanina eh. Ano ba talagang nangyayari?

Lumingon ako sa mini table at may nakita akong white high heels. Maganda iyon dahil kumikislap yung puting sapatos dahil sa glitters at glass yung heels nito. Sa tantiya ko 5 inch yung heels nito.

Katabi ng sapatos ay isang bouquet ng yellow tulips na nakatali sa puting laso. Sa gilid ng tulips ay may nakita akong maliit na sobre. Kinuha ko ang sobreng iyon at binasa ang laman noon.

I'll wait for you inside.
I love you.

-Andrew

Pagkatapos kong basahin yung sulat, pumasok sa bus sina Amarie at Paige.

"Sa wakas nagising ka na! Kanina pa naghuhurumentado si Andrew sa loob. Tara na." Amarie

Sinuot ko ang sapatos saka kinuha yung bouquet ng tulips. Inalalayan ako nila Paige at Amarie dahil medyo may kahabaan yung trail nung gown. Pati yung belo mahaba din.

Huminto ako sa tapat ng nakasarang pinto ng simbahan. Tinulungan ako ni Amarie at Paige na ayusin ang belo ko bago nila ako iniwan dito sa labas ng simbahan.

Damn! I am having a freaking surprise wedding! Hindi ko maiwasang kabahan. Nakakakabang humarap sa altar kahit na ito ang pangalawang beses na gagawin ko to. Namamawis na yung kamay ko hindi pa man din nagsisimula yung kasal!

Nakakainis. Akala ko ba nasa Cebu si Andrew kasi may emergency sa company? Nakakaasar pero masaya ako. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Naghahalo-halo na yung nararamdaman ko. Kaba, saya, naguguluhan, naiinis, naasar at hindi na ko mapakali.

Damn him. Damn you Andrew. Ikaw lang talaga ang mahilig magparamdam sa akin ng samu't-saring emosyon. Mula noon hanggang ngayon, you always surprise me on what you can make me feel.

Nakarinig ako ng konting ingay sa pinto kaya alam kong hudyat na iyon para pumasok ako.

Huminga ako ng malalim at ipinikit ang mga mata ko. Nang buksan ko ang mga mata ko, hindi ko na napigilan ang masagang luhang nag-uunahan sa pagpatak mula sa mga mata ko.

THIRD PERSON POV

Nagsimula nang tumugtog ang musika pagkabukas pa lang ng pinto ng simbahan. You ng Drop N' Harmony ang musikang tumutugtog habang tinatahak ni Athena ang daan palapit kay Andrew sa may altar.

♪Seems all my life, I've waited for someone like you

Sounds cliche but cross my heart I swear it's true

See, things like these don't happen to me

That's why I find it hard to believe♪

Namangha si Athena sa bumungad sa kanya. May mga punong disenyo sa loob ng simbaat han at nagliliwanag ito dulot ng mga pailaw na isinabit doon. Nagandahan din siya sa mga nakasabit na mahahabang tali na may mga crystals ba natural na nagliliwanag kapag natatapatan ng liwanag.

Mr. and Mrs. Gangster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon