Chapter 10: The Reunion (Part 1)

32.9K 510 24
                                    

Habang magkalapat ang labi nilang dalawa, hindi naiwasan ni Athena ang balikan ang alaala noong unang maglapat ang labi nilang dalawa ng minsang dumalaw ito sa bahay nila.

"Ano?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Athena kay Andrew.

"We have to act like we don't know that there is an assassination plot for us. Were going to play with them." Sagot ni Andrew saka umupo sa sofa ng kwarto ni Athena. Katatapos lang nilang patulugin ang anak na si Amber at pinag-uusapan nila ang patungkol sa planong pagpatay sa kanila.

"Marami pang hindi nakakaalam na ikaw ang pinuno ng BPS kasi hindi pa kayo nagheheld ng introductory party para sayo."

Napakunot ang noo ni Athena. "Kailangan pa nun?!"

Tumango si Andrew. "It's a tradition sa BPS. I was just waiting for the announcement for that party. Dun sana kita planong patayin kung hindi ko lang nalaman na asawa pala kita."

Tumalim ang tingin ni Athena sa asawa. "Gago ka pala eh. Anong ginagawa mo dito? Lumayas ka nga dito. May plano ka pa lang patayin ako tapos nandito ka sa loob ng kwarto ko!"

Andrew rolled his eyes. "Athena, that was before. Wala naman akong ideya na ikaw ang asawa ko. I even planned to kidnap our daughter. Luckily, I learned the truth earlier than the party."

Hindi makampante si Athena sa mga nalalaman niya sa lalakeng nasa harap niya at sinasabing asawa niya.

Pero hindi niya maintindihan ang sarili. May isang parte ng pagkatao niya na kahit na nalaman ang rebelasyong iyon ni Andrew ay hindi nawala ang pagtitiwala niya para sa lalake. Natakot siya para sa kaligtasan nilang mag-ina ngunit hindi ramdam niyang safe sila hanggat nandyan siya para sa kanila.

Bumuntong-hininga si Athena. "Malaman ko lang na ginagago mo ko, hindi ako mag-aalangang pasabugin yang bungo mo."

"I am giving you the right to do so."

Nagulat si Athena sa naging tugon ni Andrew. "What?"

"I am giving you the right ..." Napansin ni Andrew ang isang pistol na nakapatong sa side table ng kama niya kaya kinuha niya yun at nilapitan si Athena na nakatayo hindi kalayuan sa kanya. Inabot niya ang baril kay Athena at pinatutok ito sa sintido niya. "To pull the trigger and shoot me if ever you feel that I am not real towards you. Kapag pakiramdam mo niloloko kita, barilin mo ko. Hindi ako papalag. Mapatotoo man ang hinala mo o hindi pero sigurado akong hindi magkakatotoo yun dahil proprotektahan ko kayong dalawa dahil kayo na lang ang meron ako. I won't let my happiness be ruined by our destinies as gangster bosses."

Hindi nagsalita si Athena. Hindi siya makapaniwala sa mga naririnig niya sa lalakeng nasa harapan niya. Kahit na wala itong naalala na kahit ano patungkol sa kanila, nagawa pa rin nitong protektahan sila.

Nanlaki ang mga mata ni Athena ng may mapagtanto. "You remembered everything don't you?!"

Isang matamis na ngiti lang ang tinugon ni Andrew sa tanong ni Athena. "You just have to trust me on this. I know you remember everything. Sorry kung natagalan ako. Babawi naman ako." Saad ni Andrew habang nilalaro ang bangs ni Athena.

Hindi na napigilan ni Athena ang tuluyang mapaiyak sa nalaman sa asawa. Totoo ang tinuran nito. Isang linggo na ang nakakalipas ng maalala niya ang lahat. Pagkakita niya rito sa labas ng bahay nila ay agad niya itong nakilala ngunit mas pinili niyang magkunwaring hindi niya ito kilala dahil sa pag-aakalang wala itong naalala patungkol sa kanya.

"Kailan mo pa naalala?"

"Nitong nakaraan lang. You wouldn't believe me what reminded me of you." Nakangising sagot ni Andrew kay Athena. Naguluhan naman si Athena sa sinasabi ni Andrew.

Mr. and Mrs. Gangster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon