Chapter 18: His Story

32.6K 517 51
                                    

Athena's POV

"Oh? Bakit ka umiiyak diyan?" Pierce

Kanina pa umalis si Andrew. Nasaktan ako sa ginawa niya. Mas masakit pa sa makitang magkasama sila ni Eunice.

"Itataboy mo yung tao tapos iiyak-iyak ka diyan? Hindi ka rin baliw ano?" Pierce

Ayoko na siyang sagutin. Mababanas lang ako sa lalakeng to. Tama kasi siya. Ako tong tumaboy kay Andrew pero ako tong umiiyak.

"Mahal mo yung tao. Mahal ka nung tao. Mahal niyo ang isa't-isa pero mas gusto niyong saktan ang mga sarili niyo." Pierce

"EH WALA KA NAMANG ALAM EH!" Sigaw ko sa kanya.

"Alam ko. Wala nga akong alam. Pero, alam kong nasasaktan din yung tao. At tsaka ikaw tong tumaboy sa kanya ikaw umiiyak. Ikaw ang niloko, ikaw pa iniwan? Di ba dapat ikaw ang umiwan sa kanya?" Pierce

Napatigil ako sa pag-iyak ng dahil sa sinabi ni Pierce.

"Huh?"

"Tss. Alam mo dapat ikaw ang nang-iiwan. Hindi yung ikaw ang iniiwan. Wala ka namang ginawang mali. Siya tong may ibang fiance pero pumayag kang ikaw ang iwanan. Tanga ka talaga no?" Pierce

May punto si Pierce. Bakit ako ang iniwan? Dapat ako ang umiwan sa kanya di ba?

"Kahit saang anggulo mo tignan, hindi mawawalan si Andrew. May Eunice siya. Ikaw wala. At tsaka bakit ba ikaw ang umaatras kung ikaw ang may karapatan? Ikaw ang legal na asawa ni Andrew. Bakit ka nagpapatalo sa babae niya? Yan ang hirap sa inyong mga babae. Nagpapakamartyr kayo kahit na hindi dapat. Nakakaasar ang mga ganyang babae." Pierce

Wala akong masabi sa lalakeng to. Ibang klase. Talo pa ang babae magsabi ng sentimyento sa buhay.

Kunot noong tinanong ko siya. "Pierce. Yung totoo? Bakla ka ba?"

Nanlaki ang mga matang sumagot ito sa akin. "Siraulo! Pinapayuhan lang kita."

"Eh bakit ang dami mong alam sa ganitong mga bagay?"

"Kasi tao lang din ako. Naranasan ko na yang naranasan ni Andrew. Yung nagpapakamartyr ang babae kahit hindi dapat. Nakakaasar yung ganyang babae pero wala akong magawa. Mahal ko siya." Pierce

Kaya pala kung makapagpayo tong lalakeng to talo pa ang sanay na sanay.

"Athena, walang masamang ipaglaban ang mga bagay na sa iyo naman talaga. Yung mga bagay ba hawak kamay mo na, wag mo ng ipaubaya at ibigay sa iba. Pwede kang gumanti sa kanya pero wag mong bitawan dahil kahit pagbali-baliktarin mo ang mundo, si Andrew pa rin ang mahal mo." Pierce

Ngumiti lang ako sa kanya at lumabas na ako ng dressing room. Agad akong nagtungo sa kwarto nila Andrew.

Pagkapasok ko ng kwarto ang kambal na naglalaro ng doll house ang nabungaran ko.

"Babies nasaan si daddy?" Tanong ko sa kanila. Itinuro naman ni Avery ang isang pinto sa kaliwa.

"Thanks babies. Maglaro lang muna kayo diyan. Kakausapin ko lang si daddy."

Iniwan ko na silang dalawa sa sala at pumasok sa kwarto ni Andrew. Nadatnan ko siyang nakadapang nakahiga sa kama niya. Bahagyang yumuyugyog ang mga balikat niya kaya alam kong umiiyak pa rin siya.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa kama. Iaangat na sana niya ang ulo niya ng hawakan ko ito at itulak padiin sa unan.

"Hmmmmph! Hmmmmmph!" Nagpupumiglas siya. Nagtataas na rin siya ng kamay at pilit na iniiaangat ang ulo pero sa tuwing pumapalag siya, mas lalo kong dinidiin ang ulo niya sa unan.

Mr. and Mrs. Gangster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon