Athena's POV
Malamig ang simoy ng hangin dito sa rooftop. Nandito ako sa rooftop ng hotel kung saan naganap ang lahat. Ang pangyayaring nagpabago sa buhay naming lahat. Niyakap ko ang mga braso ko sa katawan ko dahil nilalamig ako.
Dalawang taon. Dalawang taon na ang lumipas mula ng gabing yun. Ang gabing tumapos sa lahat ng gulo sa buhay namin.
Tinignan ko ang cellphone ko nang maramdaman ko ang pagvibrate noon. Napangiti ako nang makita kung kanino galing ang mensaheng yun.
From: Yoon Ei Ra
Beeest! Uuwi na kami ni Dane! Sa wakas napapayag ko rin ang asawa ko.
See you soon best! Mwah!
Aba! Akalain niyo nga naman. Babalik na si best dito. Namiss ko din ang babaeng yun.
Matapos ang engkwentrong yun, pinaalam ko sa lahat ang pagbuwag ko sa BPS. Ang dahilan lang naman nila ng pagbuo ng BPS ay para protektahan si Blaze at si ZD. Ngayong nasa mabuting kalagayan na si ZD at nasa langit na si Blaze, nagawa na namin ang misyon ng BPS. Minabuti ko noong buwagin ang BPS. Hindi naman kumontra ang mga kasamahan ko dahil pare-parehas na naming gustong lisanin ang magulong buhay na napasok namin.
Matapos ang pagbuwag sa BPS, sunod na inanunsyo ni ZD ang pagbuwag sa Nine Flowers. Gaya nung iba, sumang-ayon din sila sa desisyon ni ZD. Yung grupo lang naman ang binuwag. Hindi naman ang pagsasamahang nabuo namin sa tagal ng panahon ang bubuwagin.
Muli akong lumingon at tinignan ang paligid. Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa isipan ko ang mga nangyari dito. Hindi ko ata makakalimutan ang mga yun. Yun ang pinakamalungkot na pangyayari sa buhay ko.
Pero higit sa lungkot, hindi nawala ang sakit dito sa puso ko.
Pinunasan ko ang mga luhang hindi ko na naman napigilang lumabas. Ganito na lang ako palagi. Sa tuwing pumupunta ako dito, bumabalik lahat ng sakit at alaala.
Bumaba na ako sa lobby ng hotel at nadatnan kong aligaga sina Paige at Richelle sa pagpapatahan sa kambal. Gusto kong matawa sa itsura nila dahil hindi nila malaman kung paano patatahanin ang kambal.
Nga pala, kambal yung anak namin ni Andrew. Kambal yung dinadala ko noong mga panahong yun. Maski ako nagulat. Iba talaga ang lakas ng dugo ni Andrew. Sabi ni ZD, namana daw namin yun sa lahi nila. Yung lola daw nila ay may kambal kaya sigurado silang sa kanila namin nakuha yun.
Aba! Ibang klase naman kasi yung kaso namin. Kambal na anak? Parehas? Iba ang lakas ni Andrew! Minsan tuloy naiisip ko kung kambal din kaya yung panganay namin.
Nilapitan ko na sina Richelle at Paige na mukhang iiyak na kung hindi nila mapapatahan yung kambal.
"Athena, ayaw tumahan nung kambal!" Sumbong ni Paige sa kanya. Gusto niyang matawa sa itsura ng kaibigan niya. Para kasi itong batang nagsusumbong sa magulang.
Kinuha ko si Antonov sa kanya. "Antonov, bakit mo pinapahirapan ang tita mo?" Nakangiting saad ko sa anak ko na tumigil na sa kakaiyak nang makita ako. Nakangiti na ito ngayon hindi tulad kanina na halos mamula na ang mukha kakaiyak.
Ganun din naman si Napoleon na nakatingin na sa akin at nakangiti. Mukhang namimiss lang ako ng mga anak ko kaya sila iyak ng iyak kanina.
"Ikaw naman Paige. Kalma lang. Mabilis naman sila mapatahan eh." Nilaro-laro ko si Antonov. Inaangat-angat ko siya habang ngumingiti sa kanya. Naririnig ko naman ang pagtawa niya. Narerelax ako kapag naririnig ko ang pagtawa nila.
Napansin ko ang pagtahimik ni Richelle at ni Paige. Takang nilingon ko silang dalawa. "Bakit? May problema ba?"
Umiling si Richelle. "Hanggang ngayon hindi mo pa rin nakakalimutan?"
![](https://img.wattpad.com/cover/13611360-288-k468441.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr. and Mrs. Gangster Boss
Teen Fiction[Book 2 of She's the Boss] Seven years matapos ang nangyari kina Andrew at Athena, parehas na silang kilala sa mga larangang pinasok nila. Andrew as one of the hottest and richest bachelor in Asia. Maraming babae ang nagnanais na makuha ang atensyon...