Chapter 35: Happy Birthday

28.8K 467 22
                                    

Athena's POV

"Nagdesisyon akong itigil na ang life support kay Andrew. Hindi ko na kayang nakikitang nahihirapan siya. Baka tayo na lang talaga ang umaasang gigising pa siya." Anunsyo ko sa kanila.

Hindi madali itong desisyon ko pero kailangan kong gawin.

"Sigurado ka ba Athena?" Tanong ni Krizza. Tumango ako.

Nabalot kami ng katahimikan pagkatapos noon. Walang nagsalita maski isa sa kanila. Karamihan sa kanila nakatungo lang at tahimik na umiiyak.

Alam kong mali tong timing ng desisyon ko. Kung kailan birthday ni Andrew, tsaka ako nagdesisyong bitawan siya. Yun na lang ang maireregalo ko sa kanya. Yung kalayaan niya.

Ang kalayaan niyang lumigaya sa piling ng Maykapal.

Napayuko ako para supilin ang mga luhang nagbabadya na namang bumagsak.

Habang humihikbi ako, naramdaman ko ang isang bisig na yumakap sa akin mula sa likod. Hinayaan ko na lang yun dahil hindi ko na mapigilan ang mga luha sa mga mata ko.

"Bakit ka umiiyak my?"

Pagkarinig ko ng boses na yun, natigil ang mga luha ko. Nanlalamig ang buong katawan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Ayokong gumalaw. Ayokong lumingon. Paano kung mali ako ng dinig? Paano kung ilusyon ko lang yun?

Maya-maya nawala yung mga bisig na nakayakap sa akin.

Sabi ko na nga ba. Ilusyon ko lang yun.

"Tinatanong kita. Bakit ka umiiyak?" Napako ako sa kinatatayuan ko habang pinapahid niya ang mga luha sa pisngi ko. "Di ba sabi ko ayaw kong umiiyak ka?"

Natahimik ang mga tao sa paligid namin. Kahit hindi ako nakatingin sa kanila, alam kong nakatitig silang lahat sa kanya.

"A-andrew? I-ikaw ba talaga yan?" Saad ko habang inaabot ang pisngi niya.

"Maliban na lang kung may iba nang Andrew sa buhay mo." Nakangiting sabi niya habang nakatingin diretso sa mga mata ko. Hinahaplos ko ang mukha niya para masigurong buhay siya. Dalawang kamay ko na ang gamit ko sa paghawak sa mukha niya.

Hindi siya nawawala at nahahawakan ko siya.

Muling umagos ang mga luha ko. Hindi ko mapigilang maiyak sa sobrang saya.

Si Andrew. Ang taong mahal ko. Buhay siya. Nagising na siya.

"Andrew!" Sigaw ko saka siya niyakap ng mahigpit. Naramdaman ko ang pagganti niya sa yakap ko. Nasa leeg ko ang mukha niya.

"I miss you." Naramdaman ko ang paghalik niya sa leeg ko. "I miss you so bad Athena."

"Me too. I miss you so much."

Ilang minuto na kaming magkayakap pero ayaw naming bumitaw sa isa't-isa. Ayoko siyang pakawalan.

"Akala ko katapusan ko na. Tinanggap ko na sa sarili kong hindi mawawala na ako at hindi ko na kayo makakasama." Naramdaman kong nabasa ang leeg ko. "Pero binigyan Niya pa ako ng pangalawang pagkakataon para makasama pa kayo ng mas matagal." Inalis niya ang ulo niya sa leeg ko saka ako tinignan ng diretso sa mga mata. Gamit ang isang kamay, pinahid niya ang mga luha ko. "Mahal na mahal kita Athena. Ikaw at ang mga anak natin." Kinintalan niya ako ng halik sa noo.

Napapikit ako ng maramdaman ang labi niya sa noo ko. Maya-maya naramdaman ko ang labi niya sa tungki ng ilong ko. Sumunod sa magkabilang pisngi ko.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko gamit ang mga kamay niya saka ako binigyan ng halik sa labi.

Ramdam na ramdam ko ang pangungulila at saya sa halik niya. Iniyakap ko ang braso ko sa leeg niya saka gumanti ng buong puso sa mga halik niya.

Mr. and Mrs. Gangster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon