Elle's Note: Thank you po sa pagsuporta sa She's the Boss na Book 1 nitong MMGB. Hindi man po mataas sa ranking, nakakatuwang makita na nasa ranking ito ng Teen Fiction at ng Romance. Nakakaflatter po. Sana ipagpatuloy niyo po ang pagsuporta sa STB at MMGB! ♥ ♥ ♥ Lovelots. *winks*
Hindi maitago ni Athena ang pagkatuwa niya. Alam niyang bwisit na bwisit ang kausap niya sa ginawa niya. Sino nga namang mangangahas na babaan ang isang CEO? Si Athena Ricafort lang at wala ng iba pa.
"What's with the weird smile?" takang tanong ni Amarie habang nakatambay sila sa silid ni Athena sa BPS. Nakataas ang isang paa ni Athena sa mesa sa silid niya habang ngingisi-ngising pinaglalaruan ang cellphone niya.
"Wala." Nakangisi pa ring sagot niya.
"You're acting weird pinuno." Nakakunot ang noong saad ni Amarie. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit masayang-masaya ang pinuno nila.
"Am I not allowed to grin now?" Seryosong saad ni Athena.
Napakabipolar talaga. Kanina hindi maalis ang pagkakangisi tapos ngayon seryoso na naman.
"Hindi po pinuno." Sagot ni Amarie. Ipinagpatuloy na lamang nito ang pagtatype sa laptop na nasa harap niya. May mga bagay siyang inaasikaso sa kompanya nila ni Ibanez.
Nagulat sila sa pabalag na nagbukas ng kwarto niya. Pumasok si Ynares. "Pinuno." Hingal na saad nito kay Athena.
"Anong meron?"
"Si Krizza. Dinukot siya." Nag-aalalang saad ni Ynares.
Napakunot ang noo ni Athena. "Kailan pa?"
"Kanina. Nagpaalam siyang pupunta ng mall para sana mamili ng mga damit niya kaso may mga dumukot daw sa kanya." Pagkekwento ni Ynares kay Athena.
"Anong silbi ng mga bodyguards niya? Lahat kayo may guards di ba?" Lahat ng mga miyembro ng gems na isa sa mga pioneer members ng BPS ay may kanya-kanyang guards sa tuwing lalabas ng bahay. Sinadya nila iyon para na rin sa kaligtasan nila.
"Pinatay lahat ng guards niya."
Napatalim ang tingin ni Athena kay Ynares sa narinig niya. Sinong maglalakas loob na banggain ang grupo niya? Lintik lang ang walang ganti kapag kinalaban nila ang grupo niya.
"Sinong may gawa?" Sabi ni Athena tsaka tumayo at nagpunta sa office desk ng kwarto niya at binuksan ang isa sa mga drawers dito. Kinuha niya ang mga baril na nakatago doon. Dalawang baril ang kinuha niya at nilagay sa likod niya. Inipit niya ito sa pantalong suot niya.
Napalunok naman sina Ynares at Amarie. Mukhang naiisip na nila ang nasa isip ni Athena. "Hindi pa namin alam." Sagot ni Ynares sa kanya.
"Ang Nine Flowers pa rin ba?" Punong-puno ng galit na saad ni Athena. Kinuha niya ang gloves at ang helmet niya saka naglakad patungo sa pinto.
"Sandali, sasama kami sayo." Pagpapaalam ni Amarie. Natatakot silang baka mapahamak si Athena sa gagawin niya.
Lumingon sa kanila si Athena at nakita nila ang mga matang iyon. Ang mga matang walang emosyon at alam nilang walang pakundangang papatay sa oras na pigilan mo siya.
"Saying anything?" Malamig na tanong ni Athena.
Ilang beses na napalunok sina Amarie at Ynares sa paraan ng pagtitig at pananalita ni Athena sa kanila. "W-wala po pinuno." Kabadong sagot nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Mr. and Mrs. Gangster Boss
Teen Fiction[Book 2 of She's the Boss] Seven years matapos ang nangyari kina Andrew at Athena, parehas na silang kilala sa mga larangang pinasok nila. Andrew as one of the hottest and richest bachelor in Asia. Maraming babae ang nagnanais na makuha ang atensyon...