Chapter 10: The Reunion (Part 2)

31K 544 25
                                    

Hinanap ni Athena ang BPS na nakita niya sa pool side. Kasama nila ang mga zodiacs. Lumapit siya sa kinaroroonan ng mga ito.

"Sino kayo?" Nakataas ang kilay na tanong ni Athena ng makalapit siya sa mga ito. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang misyon at iniutos ni Andrew sa kanila bago sila magpunta dito.

Natahimik naman sila. Hindi nila sinagot si Athena. Nakatingin lang sila sa kanya. "Sandali, kayo yung kasama nung emperor hindi ba? Eh di kayo ang miyembro Nine Flowers?"

Nagkatinginan na lang silang lahat sa tanong ni Athena. Mas lalong kinabahan ang gems dahil miyembro sila ng BPS at miyembro ang mga kasintahan nila ng Nine Flowers. Magkakaroon ng malaking lamat ang samahan nila.

Habang nagkakatitigan ang mga gems at zodiacs, nahagip ng paningin niya ang isang laser na nakatutok kay Dane.

"DAPA!" Pagdedeklara niya sabay dapa. Kasabay ng pagdapa ng lahat ay ang pagputok ng isang baril sa hindi kalayuan.

Nagtakbuhan na ang iba pang guests ng resort. Nagpapanic na ang lahat dahil sa narinig na putok ng baril. Sumabay naman sila sa mga tao para magkaroon ng pagkakataon para makapagtago.

"Langya naman. Giyera nga ang pinunta natin dito." Andre

"Anak ng kagang. Wala akong dalang armas. Nasa sasakyan lahat!" Klein

"Wag na nga kayo magkwentuhan! Magtago na lang kayo!" Lloyd

Lahat sila ay dehado dahil wala silang armas. Wala silang ibang magagawa kundi ang magtago.

Napadako ang tingin ni Athena kina Ynares at Krizza. Inabot niya ang susi ng sasakyan na nasa bulsa niya ay ibinigay ito kay Ynares. Nagulat naman si Ynares ng abutan siya ni Athena ng susi.

"Anong gagawin ko dito?" Ynares

"Siraulo ka. Buntis yang fiance mo isasabak mo sa labanan? Umalis na kayo. Bilis na!" Sigaw ni Athena sa pagitan ng putukan.

"Walang hiya naman! Hoy! Kayong lahat. Maghiwa-hiwalay na tayo! Bahala na kung saan kayo magtago wag lang kayong tatapak sa seventh floor. Kuha niyo? Kayong zodiacs, wag matigas ang ulo. Wag kayong aapak sa seventh floor kuha niyo?" Mabilis na utos ni Athena sa mga kasama.

"Pero nasa seventh floor si emperor?" Sagot ni Steve.

"ANO?! Anong katangahan na naman ang ginawa ni Andrew?!" Inis na sumigaw ni Athena saka tumayo at tumakbo papasok ng hotel. Habang tumatakbo si Athena, pinapaulanan siya ng bala ng mga kalaban nilang hindi nila makita kung saan nakapwesto.

"Paano na to?!" Tanong ni Klein sa mga naiwang kasama.

"Hindi tayo pwedeng magtago matagal dito." Dane

"Tumakbo na tayo papasok. Kunin natin sa sasakyan natin yung mga armas." James

Pero bago pa man sila makakilos ay sumulpot na si Ei Ra sa harap nila at may dala ng tatlong baril. Inabot niya ang mga ito sa mga kasama.

"Yan lang ang dala ko. Sapat lang yan para maprotektahan niyo ang isa't-isa at makapunta kayo ng parking area at makakuha ng armas. Walang magagawa ang pagtatago niyo dahil nakakalat sila sa buong resort." Mabilis na pagkekwento ni Ei Ra ng mga pangyayari habang pinupuno ng bala ang sariling baril.

Matapos niyang mapuno ng bala amg baril niya, lumabas na siya at muling nakipagsagupaan sa mga kalaban.

Lumabas na rin silang lahat at pinilit na makaabot patungo sa sasakyan ni Steve kung nasaan ang lahat ng armas.

*

Pilit na tinatakbuhan ni Athena ang mga nagpapaputok ng baril sa kanya. Hindi niya inasahang ganun kadami ang kalaban nila. Kung ikukumpara talaga sa bilang nila, walang-wala.

Mr. and Mrs. Gangster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon