Athena's POV
Sobra akong masaya ngayong araw. Hindi ko akalaing magiging ganito pa ako kasaya pagkatapos nang lahat ng nangyari sa amin.
Nawalan na ako ng pag-asa. Muntik ko na siyang bitawan ngunit nagbalik siya. Pakiramdam ko buo na ulit ako.
Pagkatapos ng party namin kanina, minabuti na naming dito na magpalipas ng gabi. Medyo nakainom na rin kasi sila kaya nagdesisyon na kami ni Andrew na wag na silang pauwiin.
Kakapasok ko pa lang sa kwarto namin ni Andrew nang mapatigil ako nang makita ko ang mga anak namin. Nakahiga sa magkaibang crib sina Antonov at Napoleon habang nasa kama naman sina Amber at Avery.
Pinagpapasalamat kong napakapalad ko. Iilang tao nga lang ba sa mundo ang pinagbibigyan ng pagkakataong matupad ang mga dalangin nila? At sobra akong nagpapasalamat sa Kanya dahil isa ako sa iilang taong binigyang katuparan niya ang mga dalangin.
Nilapitan ko ang mga bata saka sila kinintalan ng halik. Naging gawain ko na yan sa nakalipas na dalawang taon. Bago ako makatulog, hinahalikan ko silang lahat. Sa simpleng pamamaraan man lang ay maiparamdam ko sa kanila na mahal ko sila. Gising man sila o tulog.
Hinanap ng paningin ko si Andrew. Akala ko natutulog na rin siya. Napadako ang tingin ko sa balcony at nandoon nga siya at may hawak na tasa. Nakatingin siya sa langit at mistulang may malalim na iniisip.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod. "Ang lalim ng iniisip natin daddy ah? Wag mo sabihing pinagpaplanuhan mo na ang kasunod ng kambal?" Pagtatanong ko sa kanya na may kasamang biro.
"Pwede din kung sisimulan na natin ngayon." Kahit nakatalikod siya sa akin. Alam kong nakangiti siya. Manyak yan eh.
Lumipat ako sa tabi niya. "Sira. Pero seryoso, anong iniisip mo? Mukhang ang lalim ng iniisip mo eh."
Huminga siya ng malalim saka pumunta sa likod ko at niyakap ako. "Wala naman. Naisip ko lang na marami na pa lang nagbago. Hindi lang marami, sobrang dami."
Nabanggit na nga pala namin sa kanya ang lahat ng ginawa namin sa nakalipas na dalawang taon. Ang patungkol sa BPS at sa Nine Flowers pati na rin ang mga nangyari sa mga personal naming buhay.
Maski ang patungkol kina Eliza at Pierce, nasabi ko na rin. Hiniling niya lang na dumalaw kami sa puntod nila para man lang mapasalamatan niya ang mga ito sa pagliligtas sa mga bata.
Gamit ang kanang kamay ko, inabot ko ang mukha niya na nakapatong sa balikat ko. "Ganun talaga dy. Masasanay din tayo. Masasanay ka rin."
"Athena, yung totoo ah. Sa dalawang taon ba na natutulog ako, may iba ka bang nagustuhan o may napusuhan ka bang iba?"
Hindi ko alam kung bakit biglang sumagi sa isip ni Andrew ang bagay na yun. Gusto kong matawa sa tanong niya pero nararamdaman kong seryoso siya kaya sinagot ko rin ng seryoso.
"Sa totoo lang, maraming nagparamdam. Maraming nagpahiwatig pero isa lang talaga ang nagmamay-ari ng puso ko eh." Naramdaman ko ang paggalaw ng pisngi niya matapos marinig ang sinabi ko.
Kinilig ang lolo niyo. Totoo naman yung sinabi ko pero iba pala sa pakiramdam kapag napapasaya mo yung taong walang sawang nagpaparamdam sayo kung gaano ka kahalaga at kaimportante sa kanila.
"Grabe pala no mommy. Nine years." Binigkas niya yun na parang napakabigat na salita nang mga iyon. "Nine years na tayong kasal at ten years na tayong magkakilala."
"Oo nga. Sino ba ang magsasabing papakasalan kita eh ang init ng dugo mo sa akin noon sa school." Hindi ko mapigilang matawa sa tuwing naalala ko yung inis na nararamdaman niya sa akin sa tuwing sinisita niya ako.
"Sino ba kasi ang may sabi sayong maging pasaway kang estudyante?" Kung sa bagay may punto siya.
"Pero Andrew, kung iisipin mo. Sa nine years na kasal tayo, Seven years tayong nagkahiwalay. Pagkatapos noon, ilang buwan lang din tayong nagkasama tapos nacomatose ka naman ng dalawang taon. Kung tutuusin, never pa tayong nagkasama ng matiwasay ng isang buong taon."
Natahimik si Andrew noon at mistulang napaisip. "Oo nga ano. Pero kahit na ganun, bakit mahal na mahal mo pa rin ako?"
Ngumiti na lang ako. Hindi ko alam ang sagot sa tanong niya kung bakit sa kabila ng nangyari sa amin, mahal ko pa rin siya. Siguro sadyang siya na talaga yung nakatadhana kong mahalin habambuhay.
"One of these days, babalikan natin lahat ng alaala nating dalawa. Yung mga malulungkot at masasaya dahil yun ang kumumpleto sa love story nating dalawa." Humigpit ang yakap sa akin ni Andrew. Sinandal ko naman ang ulo ko sa balikat niya.
Parehas kaming tahimik na nakatingin sa langit nang may makita akong shooting star.
"Ui may shooting star!" Medyo pasigaw na wika ko sa kanya.
"Nakita ko. Nakapagwish nga ako eh. Ikaw? Nakapagwish ka ba?"
Napanguso ako. Sa sobrang excitement ko, nawala sa isip kong dapat pala humiling ako agad.
Umiling ako. "Nawala sa isip ko eh."
Natawa naman si Andrew. "Better luck next time na lang mommy." Hindi pa rin siya natatapos sa kakatawa. Nakakainis din tong lalakeng to eh. Ang lakas mang-asar.
"Ikaw? Anong wish mo?"
"World peace."
Natawa ako sa sinabi niya. "Ano ka? Contestant sa beauty contest dy?"
"Wala akong planong sumali sa beauty contest mommy dahil masyado akong gwapo para doon. Pero seryoso, kapayapaan ang hiniling ko sa bituing iyon. Sana magtuloy-tuloy na yung kapayapaang nararanasan natin ngayon. Sana wala nang kaguluhan pang magaganap."
Kinalas ko ang pagkakayakap niya saka ako humarap sa kanya. "Andrew. Mapayapa na ang lahat. Naayos ko na lahat noong mga panahong kailangan dapat kita pero tulog ka." Biro lang naman yung huli kong sinabi pero mukhang sineryoso ata ni Andrew dahil lumungkot yung mukha niya.
"Sorry. Wala akong kwentang asawa."
Mabilis akong umiling. "Wala namang may gusto sa mga nangyari sa atin eh. Isa pa, two years lang yun Andrew."
"Nine years. Okey eight years. Ibawas na yung mga panahong magkasama tayo."
"Okey fine. Eight years. But you still have a lifetime to catch up with me and with your kids. Mas mahalaga yun Andrew. Wala na akong pakialam sa mga nangyari sa nakaraan. Tapos nang lahat yun. Mas mahalaga ang kinabukasan at kung anong mangyayari sa akin sa mga susunod pang taon."
Nasilayan ko ang ngiti ni Andrew. "Alam mo, hindi ko talaga alam kung bakit ikaw ang binigay sa akin ng Maykapal. I feel that I don't deserve you."
"No. He always gives us the best for us." Hinawakan ko ang kamay niya. "And maybe He thinks I am the best for you that's why He gave me to you."
"I love you Athena. After all that we've been through, it had always been and it will always be you."
"I love you too. You and only you."
Mukha kaming tanga na nagngingitian pagkatapos magsabihan ng I love you. Hindi ko maintindihan pero nahahawa ako sa ngiti niya.
"Why so cheesy mommy?" Nakangising tanong niya.
"Why so emotional daddy?" Ganting tanong ko rin sa kanya habang nakangisi.
Umiling siya saka hinapit ang batok. His lips touched my lips. We shared a passionate kiss under the millions of light above us. Through the kiss, I made him feel how much I love him that words can't describe.
BINABASA MO ANG
Mr. and Mrs. Gangster Boss
Teen Fiction[Book 2 of She's the Boss] Seven years matapos ang nangyari kina Andrew at Athena, parehas na silang kilala sa mga larangang pinasok nila. Andrew as one of the hottest and richest bachelor in Asia. Maraming babae ang nagnanais na makuha ang atensyon...