Chapter 23: Way Back Into Love

40.7K 565 36
                                    

Andrew's POV

Nagising ako sa nakakasilaw na sinag ng araw. Nakalimutan kong iharang ang mga kurtina bago ako natulog. Babalik sana ako sa pagtulog pero nagbago ang isip ko. Gising na ako bakit pa ako matutulog?

Dumagdag pa sa pasakit ko ang pananakit ng ulo ko. Sino nga naman kasi ang nagsabing uminom ako ng marami di ba? Hindi ka lang din sira Andrew iinom ka pa ng marami.

Bumangon na ako saka naligo. Pagkatapos kong maligo, hinanap ko ang mag-iina ko. Hindi ko sila kasama sa kwarto. Bumukod silang lahat ng kwarto.

Hindi naman ako kumontra sa desisyon ni Athena. Hindi pa rin naman kami maayos na dalawa. Pinagpapasalamat ko na lang na kahit papaano iniimik ako ng asawa ko at hanggang ngayon ay hindi ko pa naririnig sa kanya ang katagang "annulment" o di kaya "maghiwalay na tayo".

Kapag narinig kong sinambit niya yan? Baka ikabaliw ko yun. Hindi ko hahayaang mangyari yun dahil sobra kong mahal si Athena para hayaan pa siyang mawala sa akin.

Lumabas ako ng kwarto at bumaba saka ko sinubukang hanapin sila. Masyadong tahimik ang buong bahay kaya hindi ko malaman kung walang tao o hanggang ngayon ay tulog pa sila.

Naglakad ako papunta sa lugar kung saan may naririnig akong tunog ng pagtama ng kutsilyo sa chopping board. Mabilis akong nagtungo sa kusina at nadatnan ko si Athena na naghihiwa ng carrots.

Habang pinagmamasdan ko siya habang abala siya sa paghihiwa, hindi ko maiwasang magtaka sa suot niya.

Bumalik siya sa pagsusuot ng kulay itim. Nakaitim na spaghetti strap blouse siya at nakaitim na short.

Hindi ako sanay na ganyan siya manamit dahil palagi naman siyang nakaputi kapag nasa bahay kami. Hindi siya nagsusuot ng itim dahil mainit daw.

Nilapitan ko siya tsaka niyakap mula sa likod. Ang bango-bango talaga ng asawa ko. Hmmm.

Napansin niya marahil ang pagsinghot-singhot ko sa amoy niya kaya nilingon na niya ako.

"Good morning lasinggero."

Napanguso ako. "Napadami lang ng inom lasinggero na?"

Mahina siyang tumawa. "Ganun talaga. Yan na ang rule ng buhay dy."

Hindi ako agad nakakibo ng tawagin niya akong dy. Why did I have this feeling na bumalik kami ng nakaraan? Matagal na akong hindi tinatawag na dy ni Athena and upon hearing it after a long time, it became a music to my ears. Palagi kong tatandaan yun dahil alam kong hindi na mauulit pa ito.

"Oo na." Tinignan ko ang mga gulay na nasa harap niya. "Para saan yan?"

"Hindi mo ba alam na fan ng carrot shake ang mga prinsesa mo? They are always asking me to prepare this for them in the morning." Biglang sumimangot si Athena.

"Anong problema?"

Nanlilisik ang mga matang nilingon niya ako. "Paano mo nga pala malalaman kung busy ka naman sa ibang bagay. Psh. Bad trip na ulit ako. Naalala ko na naman eh."

Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. I admit. I am guilty.

"Kaya ka rin siguro late nagising dahil nasanay yung body clock mo na tulog ng ganitong oras dahil pinapagod ka ng FIANCE mo." Binigyang diin niya talaga ang salitang fiance.

Lord nagsisisi na naman na ako. Bakit ginaganito pa rin ako ng asawa ko?

"Athena naman. Alam mo namang nagsisisi na ako di ba? Alam mong kayo lang ang mahal ko. Kayo ng kambal."

"Ahhh. Kaya pala nakikipagtalik ka pa sa iba dahil mahal mo kami?"

"Athena di ba napaliwanag ko na sayo to? Athena naman. Alam mo namang ginagawa ko para sa pamilya natin yun di ba?"

Mr. and Mrs. Gangster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon