Eliza's POV
Seeing Pierce and the kids in the supermarket is a not so nice sight to see. Kung ako pa siguro ang nanay ng kambal at nagkataong asawa ko si Pierce? Malamang nabatukan at nabugbog ko na tong si Pierce. Iniispoil niya yung dalawang bata by putting everything in the cart!
I understand the essence of him having lots of money but does it mean that he has to buy everything? Malamang kung pupwede lang pati tong supermarket, malamang binili niya na rin. Pierce is such a pain in the ass!
"Tito, we want gummy bears." Nakangusong saad ni Amber. Yan ang isa sa mga charm ng batang to. Kapag gumanyan yan, mahihirapan ka ng tanggihan siya.
"Sure baby." Nakangiting tugon ng damuho. Nasapo ko na lang ang noo ko sa sinagot niya.
"My god Pierce. Please tell me that's the last thing from the twins na ilalagay mo sa cart." Saad ko habang nakaturo ang daliri ko sa dalawang cart na nasa harapan namin. "You already had another two carts na puro pinamili ng kambal. Hindi naman tayo habambuhay na nasa resthouse mo! Ilang araw lang tayo dun!" Inis na sigaw ko sa kanya.
Hindi siya sumagot at sa inis ko ay ngumisi lang siya sa akin. Kainis! Bad trip tong lalakeng to eh! Bakit ba kasi ito ang kasama ko?! Kaasar talaga!
Habang nakatingin ako ng masama kay Pierce, hindi nakaligtas sa mata ko yung mga babaeng titig ng titig sa kanya. Naniningkit ang mga mata kong tinapunan ng tingin yung mga nakatingin kay Pierce. Tss. Masyadong eye-catcher tong lalakeng to. Kainis.
"Yes misis." Sagot niya sa akin saka tumingin sa kambal. "Oh kids, narinig niyo ang mommy niyo, last na daw yan. Okey?" Nakangiting sabi ni Pierce sa kambal. Tumawa lang ang kambal saka tumango.
Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Pesteng Pierce to! Nanggugulat!
Nagpauna akong maglakad. Alam ko kasing namumula na ako. Damn you Pierce Simmons.
Napadaan kami sa liquor section at muntik ko ng makalimutang may kasama kaming dalawang lalake. Agad na pumunta sa section na yun si Pierce kasama ang kambal kaya sumunod ako sa kanila. Agad na lumapit yung babaeng nagbabantay sa stall sa amin.
"What brand sir?" Aabot sa bunbunan niya ang labi niya sa lawak ng ngiti niya. Hindi ko mapigilang mapailing. Pati ba naman siya? Ako lang ba talaga ang hindi tinatalaban ng charms ng lalakeng to?!
Ngumiti si Pierce dun sa babae. "We can handle ourselves. Bumalik ka na sa post mo kasi nagseselos ang asawa ko." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Pagtingin ko sa kanya, nakatingin na silang lahat sa akin. Nakangiti si Pierce sa akin.
Anong asawa?! So papanindigan niya na asawa niya ako? Ayos ah.
Habang abalang kumukuha ng alak si Pierce, may isang babaeng kanina pa lumilinga at nakatingin sa kanila.
Sino ba yun? Kanina pa yun nakatingin kay Pierce eh.
Maya-maya lumapit yung babae kay Pierce at sa kambal.
"Pierce? Ikaw ba yan?" Tanong nung babae.
Tumigil naman si Pierce sa pagtingin sa mga alak saka tinapunan ng tingin ang bagong dating. Napangiti ito ng makita ang babaeng nasa harap. "Hey Elle. Anong ginagawa mo dito?"
Nag-init ang ulo ko. Ang lambing ng tono ng pananalita niya dun sa babae samantalang sa akin kung makapagsungit, wagas!
"Baka bibili ng kahoy at ng mga hardware materials." Napapokerface si Pierce sa sinagot nung babae. "Malamang mamimili ng supplies sa resthouse. Kadarating ko lang kasi kanina. Walang laman yung lugar ko."
BINABASA MO ANG
Mr. and Mrs. Gangster Boss
Teen Fiction[Book 2 of She's the Boss] Seven years matapos ang nangyari kina Andrew at Athena, parehas na silang kilala sa mga larangang pinasok nila. Andrew as one of the hottest and richest bachelor in Asia. Maraming babae ang nagnanais na makuha ang atensyon...