Chapter 10: The Reunion (Part 3)

31.8K 533 34
                                    

"Boss!" Sigaw ni Dane ng makasalubong sina Athena at Andrew na pababa ng hagdan at may buhat-buhat na bata.

Nakisabay sila pababa ng hagdan sa mga nagmamadaling sina Athena at Andrew.

"Boss, anong nangyari kay Avery?" Nag-aalalang tanong ni Ei Ra kay Andrew.

Natigilan naman si Andrew sa pagtakbo. Pagkabanggit ni Ei Ra ng pangalan ng anak ay bigla siyang kinutuban ng masama patungkol sa isa pang maleta.

"Sht! Dane." Ipinasa ni Andrew si Amber kay Dane. "Bumaba na kayo bilis. Hintayin niyo ko sa parking area. Kuha niyo?"

Hindi na nakapagsalita pang muli si Dane dahil dali-dali ulit na umakyat si Andrew paakyat ng seventh floor.

"Sandali, saan pupunta yun?" Takang tanong ni Athena.

"Baka may nakalimutan lang. Tara na. Kailangan na nating masugod tong si Avery sa hospital. Mukhang hindi maganda ang kalagayan ni Avery." Pagpapaalala ni Ei Ra sa kanila patungkol sa bata.

"Sandali. Hindi Avery ang pangalan niya. Amber ang pangalan niya." Pagtatama ni Athena sa kanila.

Napatigil naman si Dane at Ei Ra. "Wala na tayong panahon Athena. Ito ang ampon ni Andrew na si Avery. Tsaka na lang ipapaliwanag sayo lahat ni Andrew kapag nasa maayos na sitwasyon na tayo." Sigaw ni Dane kay Athena.

Kahit na naguguluhan, minabuti ni Athena na sumunod na sa kanila pababa.

*

Halos maubusan ng hangin si Andrew kakamadaling umakyat pabalik ng seventh floor. Malakas ang kutob niyang si Avery ang nasa isa pang maleta.

Pagkapasok niya ng kwarto, dali-dali niyang kinuha ang isa pang maleta. Mabilis niyang binuksan ito.

Tama ang kutob niya. Si Avery nga ang nasa loob ng maleta.

Mabilis niya binuhat ang anak na walang malay at inihiga sa kama para tanggalin ang nakabusal sa bibig nito at kalagan ang tali nito.

May hika si Avery. Kinakabahan siyang baka inatake ng hika ang anak habang nakakulong sa maleta.

Mabilis niyang binuhat si Avery at patakbo siyang bumaba patungo sa parking area kung saan naghihintay ang mga kasama.

Nandoon ang lahat ng mga kaibigan nila at sinalubong siya ng mga zodiacs.

"Anak ng teteng! Dalawa ang Avery!" Sigaw ni Lloyd.

"Sino sa kanila ang totoo?!" Klein

"Ganito yan. Kung sino ang bitch pagkagising, yun si Avery." Andre

Hindi na nagreact pa si Andrew sa mga sinasabi ng mga kaibigan niya dahil kinakabahan siya para sa kalagayan ng dalawang anak.

"Steve! Ihanda mo ang sasakyan. Ei Ra! Ikaw ang magmaneho ng sasakyan ko." Binuksan ni Andrew ang pinto ng Montero at isinakay si Avery. Kinuha naman ni Andrew si Amber mula kay Dane at isinakay na rin sa sasakyan.

Kinuha ni Andrew ang susi ng sasakyan niya at initsa ito kay Ei Ra. Maagap namang nasalo ni Ei Ra ang susi.

"Magkita-kita na lang tayo sa hospital." Pagdedeklara ni Andrew.

"Yes boss." Sabay-sabay na tugon ng zodiacs saka nagkanya-kanya ng sakay sa mga sasakyan kasama ang mga kasintahan nila.

Lumapit naman si Athena kay Andrew. Naguguluhan siya. Maraming tanong ang naglalaro sa isip niya.

Napansin ni Andrew ang pagkabalisa ng asawa kaya pinilit niyang pakalmahin muna ito.

"Athena, kumalma ka muna. Alam kong maraming tanong ang naglalaro sa isip mo pero kailangan mo munang magpakatatag alang-alang sa mga anak natin. Kailangan nila tayo. Get back to your senses Athena. I promise to answer all of your questions as long as were through with this. Sa ngayon ang mga bata muna ang alalahanin natin."

Mr. and Mrs. Gangster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon