Chapter 2: Adjust

7.2K 147 0
                                    

MITCHIE'S POV↭ 


"Feeler."

"Hindi naman maganda."

"Yeah, right."

"Sipsip kasi sa President."

"Duh~ Obviously."

"Hi, Ms. Ganda."

"*whistle* Sexy."

"Dude, pupusta ako. Makukuha ko siya agad."

"Shut up, dude. Ako muna."

"Leader first, man."


Patuloy lang ako sa paglalakad sa hallway papunta sa next subject ko. And as you see and hear. Bee's are everywhere. I don't give a damn at all though. Hindi naman totoo yun, and those jerks? As if I would let them do it. I'll break their face first before they touch me.


Kaya mo?


Kakayanin kung kailangan.

Seriously. Wala naman akong ginawa sa kanila. I don't even know them. Siguro ganon talaga. Tsk. The usual brats and jerks.

Hindi ako feeler, I'm just being me. I'm pretty, I know that, and I'm sexy. Just stating the fact. I'm not an easy-to-get girl. As if naman papatol ako sa mga playboy. //Kahit naman pumatol ako mamamatay din sila.// And lastly, hindi ako sipsip. Mei is a nice person. She make me feel comfortable when I'm with her. And bihira lang yun mangyari, because I don't trust easily that much. Mabait siiya. Good vibes palagi. Palangiti. And err... Crazy. I found it cute, tho. Pero nag-aalala pa din ako. Ayokong malaman nila mommy na may kaibigan na ako.

Room 505

My classroom. Literature of the Philippines ang subject ko ngayon. And Mei is my classmate.

I call her Mei kasi yon ang gusto niya. Para maiba naman daw. Okay lang naman sa akin yon, kasi one syllable lang.

Pagkapasok ko sa classroom na maingay, may isang boses ang nangingibabaw. Mabilis na tumakbo siya papunta sa akin at yumakap. Good thing kasi na-maintain ko ang balance ko kundi natumba na kami pareho.


"MITCHIEEEEE~"


Napangiwi ako. Ang lakas ng boses niya.


"Umm, Mei."

"I miss you!!"

"Ano... Magkasama naman tayo kanina."

"Kahit na! Alam ko naman na na-miss mo ako eh."sabi niya sabay tawa at akbay sa akin.


Naiiling na lumakad nalang ako palapit sa upuan sa pinakadulo. Sa gilid ng bintana. Sumunod naman sa akin si Mei na parang tuko kung kumapit sa kanang braso ko.

Ang mga kaklase naman namin ay iba kung makatingin sa akin. Yung parang isa akong peste na gusto nilang puksain. I should be used to this. Iba kasi ang trato sa akin sa dati kong school kaya wala akong naging kaibigan. They don't bully me, pero ilag sila sa akin.


"Alam mo Mitchie dear. Normal lang na ganito sila."


Engage To A Mafia HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon