↭LIZZA's POV↭
Mga police at investigator ang nakakalat sa loob ng dorm namin. May mga studyante ding nagkakagulo at nakikichismis sa nangyayari sa labas. Ang mga kasama ko naman ay pilit inaalo ang kaibigan naming tulala at hindi makausap ng maayos.
She's just wearing a bathrobe while staring at nothing. Hindi namin siya makausap ng maayos. Nanginginig siya at hindi makatingin sa amin. She look so vulnerable.
"Excuse me, Miss. Pwede na po ba naming makausap si Miss Arashi?" napatingin kami sa isang imbestigador na lumapit sa amin.
Napatingin ako kay Mitchie na hindi man lang natinag sa pagkakatitig sa kawalan.
"I don't think she ----"
"No need, Mr. Castro." pagsingit ng isang tinig na pamilyar sa amin.
"Mom..." sambit ko matapos ko siyang tingnan.
Napaka-seryoso niyang tingnan. It's not the way we used to see her everyday. This is unusual. Nakikita ko lang siyang ganito kapag kausap niya sina Mama Kelly sa mansion.
Nag-bow sa kanya si Mr. Castro at siya na ang hinarap.
"Dean, I just need to ask her what really happen."
"No need. No need for an investigation. We can handle everything. Thank you for coming here." even Mom's voice is deep and cold.
"But ---"
"Mr. Castro." why does it sounds like a warning tone or something?
Wala ng nagawa pa ang imbestigador at yumuko nalang. Nagpaalam na siya kay Mommy maging sa amin at tinawag ang mga kasamahan niya sabay alis. Ang naiwan nalang ay ang mga pulis na kumukuha sa bangkay na nakita sa bathtub ni Mitchie.
Yes isang bangkay. May laslas sa leeg at saksak sa sikmura at sa dibdib. Naliligo din ito sa sarili nitong dugo. Maraming sugat sa katawan at bali ang mga kamay at paa. He was killed mercilessly.
Kahit na puno ng dugo at sugat, nakilala pa din namin ang bangkay. He's also a 2nd year BSBA student. From section BSBA-2C. The weakling guy na minsan ko ng inutusan na kuhanin ang bag ko (Refer Chapter 2: Adjust). Hindi ko makakalimutan ang mukhang yan kasi tambay yan sa hallway eh.
Pero bakit siya pinatay? That's the biggest question roaming around my head. Anong dahilan at pinatay siya? Anong ginawa niya para maranasan niya ang karahasang ito? At sino ang gumawa sa kanya nito? This is too much. Napaka-brutal ng pagkakapatay sa kanya.
As far as I know, that man is one of the top 10 students in there class. A silent type of a guy pero maraming kaibigan. He usually joins quizbees and any academic events in school. Yon ang nabasa ko sa profile niya. How did I know? The perks of being the SC President.
"L sweetie, lumipat kayo sa kabilang unit." napabaling ako kay Mommy at tumango. "Kids, help these two para ilipat ang kanilang mga gamit."
"Yes mom." kaming triplets.
"Yes Mami." ang kambal at si Alvin.
"Good. I'm leaving now, kailangan kong kausapin ang Empress at Prince tungkol sa pangyayaring ito."
BINABASA MO ANG
Engage To A Mafia Heir
AcciónCheerful, caring, sweet, thoughtful, kind, beautiful, smart, gorgeous. A perfect lady indeed. But behind the perfect lady is a lonely and sad lady who silently shouts for help. A payment. Para kay Mitch, isa siyang pambayad utang ng mga magulang niy...