Chapter 5: First Attempt

4.3K 93 0
                                    

MITCHIE's POV↭ 


"Nanny! Please I wanna see mommy. I wanna give this to her. Hihihi." masayang saad ko habang may hawak na card.

"Oh sige, halika Mitchie hija. Ibibigay natin sa mommy mo." nakangiting saad ni nanny at naglakad na kami papunta sa opisina ni mommy.


Nakangiti ako habang naglalakad kami sa pasilyo ng aming bahay. Hawak-hawak ko ang gawang kong card. Isang mother's day card. Pinagawa kami ni teacher kanina ng card para ibigay sa aming mommy. Sa loob ng card isang sulat. Sulat ng pasasalamat at pagmamahal mula sa limang taong gulang niyang anak.

Excited na excited akong ibigay ito kay mommy. Naiisip ko palang na matutuwa siya ay parang tumataba na ang puso ko dahil sa tuwa at galak.

Nang makarating kami sa pinto ng opisina kumatok si nanny ng tatlong beses at binuksan ang pinto. Masayang akong pumasok kasunod si nanny. Nadatnan namin si mommy na may ginagawa sa kanyang mesa.


"Mommy!" masayang tawag ko kay mommy.


Tumingin naman sa akin si mommy. Walang emosyon ang mukha niya pero nakangiti pa din akong lumapit dito. Umakyat ako sa upuan sa harap at masayang hinarap si mommy. Itinago ko sa likod ang dalawang kong kamay habang hawak ang card.


"I made something for you!" masayang saad ko.

"What is it? Faster 'cause I'm busy." malamig na sabi ni mommy.

"Tada! I made this sa school kanina. I hope you will like it mommy." nakangiting ipinakita ko ang card.


Humawak ako sa mesa at yumuko para maibigay kay mommy ang card.


"Read it mommy. Teacher said I did it gre-----oh!"


Nanlaki ang mata ni mommy at mabilis na napatayo para hindi mabasa nang matapon ang wine sa mesa. Nasagi ko ang wine glass sa mesa kaya ito natapon. Basang-basa ang mga papel na nasa mesa.

Natatakot na tumitig ako kay mommy at umayos ng tayo sa sahig.


"I-I'm sorry mommy. I-i didn't m-mea---- ah!"

"You brat! Look what had you've done! You ruin everything!" galit na saad ni mommy at mabilis na hinablot ang braso ko at pinalo.

"M-Mommy! I'm so-sorry --- it hurts! Huhuhu." iyak ko.

"Masasaktan ka talaga dahil sa pang-aabala mo sa akin at sa pagsira sa mga paper works ko!" galit na saad ni mommy habang pinapalo ako.


Sinubukan namang umawat ni nanny pero pinagalitan lang siya ni mommy kaya wala na siyang nagawa. She keep on hurting me. Umiiyak lang ako at humihingi ng tawad sa aking nagawa. I didn't mean it. I didn't mean to ruin what she's doing.

Pinapalo at kinukurot niya pa din ako kahit na umiiyak at humihingi ng tawad. She can't forgive me. She can't. She's really mad. Nasasaktan na ako pero parang walang narinig si mommy at patuloy pa din siya sa pananakit sa akin.

Engage To A Mafia HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon