Chapter 32: Fire

1.9K 46 0
                                    

↭ALVIN's POV↭


Kung makikita lang kami nina Mama I'm sure pagagalitan nila kami. Sino ba naman kasi ang mga baliw na magpapakaala-ninja at magtago sa lahat ng pwedeng mapagtaguan makalapit at makasunod lang sa isang tao? I'm sure bubulyawan niya kami kasi parang hindi kami tinuruan ng magandang asal, at ang mga ginagawa namin parang hindi kami Royal Reapers. Pero teka ---


"Bakit ba natin ginagawa to? Pwede naman natin siyang lapitan at kausapin ah. I am the SC Vice-President kaya pwede kong gawin yon." sabi ko at tumayo mula sa pagkakatago sa likod ng Acacia Tree dito sa School Ground.


Tumayo naman ang iba at nakasimangot na tumingin sa akin ang mga babae. Si Hairo ay naka-poker face lang as usual.


"Ano ba! Napaka-kj mo!" inis na sigaw ni Angelika sa akin.


Isa pa to. Kala mo hindi prinsesa kung makakilos. Tsk.


"Mas enjoy kasi yung ganito. Adventure!" sabi naman ni Faith at tumawa.

"Tama-tama!" sang-ayon ng dalawang Hyun.

"Walang thrill kung lalapitan lang natin siya at kakausapin. Mas maganda yung ganito. Kaya ang boring ng buhay mo." si Angelika yan at nagcross-arms sabay ngisi.

"Atsaka, wag mo ngang gamit-gamitin sa amin yang pagiging Vice Pres. mo, tandaan mo mas mataas pa din ang posisyon ko sayo ngayon!" nakangising saad naman ni A at itinaas pa ang nameplate niyang may tatak na SC President.

"Oo na, pero pwede namang hindi na tayo magpapakahirap na magtago, yumuko, magpanggap at humiga sa damuhan para lang gawin yon. Nakakawala ng ----"

"Hi! Anong ginagawa niyo?"


Lahat kami nagulat at nanlalaki ang mga matang napatingin sa taong nagsalita sa likuran ko. Agad namang ngumiti ang mga babae at itinulak ako paalis sa kinatatayuan ko. Tumabi nalang ako kay Hairo at pinagmasdan ang apat na kausapin ang babae.

Nakasuot ito ng pink na blouse at itim na above the knee skirt. Nakakaagaw pansin ang design na antenna ng headband niya pero mas nakakaagaw ng pansin ang mga mata niyang magkaiba. Her eyes that have the same color of mine.


"Ah wala, may pinag-uusapan lang kami." sabi ni A at ngumiti. "Anna Mei nga pala. Acting SC President ng University." pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay.

Ngumiti ang babae at kinamayan si A. "Faith Miru Kim. Kakatransfer lang kahapon."


Her name. Her fuckin name! Is she really my sister? Pero ang sabi ni Hairo kahapon hindi niya siya kilala. Malamang hindi niya din kami kilala, lalo na ako. She was just 5 when she was kidnapped. Eight years siyang nawalay sa amin. At kung siya nga talaga si Miru, mom should know this.


"Welcome sa BRU. Eto nga pala mga kasama ko, si Ezza Mei, kapatid ko..." pagpapakilala niya kay E na nakangiti sa pero matalas ang mga matang nakatingin kay Fai-- I mean Mi --ah shit! Ms. Kim. Yeah, better. Hindi pa ako sanay na may ibang tinatawag na Faith. We're still not sure kung siya nga ba talaga ang nawawala kong kapatid. But her eyes says it all.

Engage To A Mafia HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon