Chapter 21: Some Truth

2.6K 54 0
                                    

A/N: Maayos ang pakiramdam ko kaya here's the update!

Enjoy~

↭MITCHIE's POV↭


Natapos na ang sembreak kaya balik sa school na naman kami. Laking tuwa ko nga nang makabalik ako sa dorm eh. I miss my room so much. Medyo okay na din naman ako sa mansion kasi nandon naman si Nanny at hindi na ako sinasama pa nina Mom at Dad sa kung saan-saan. It's unusual but I found it improving.

Nong mga huling araw naman namin sa rest house naging maayos din. Well, except the creepy fact na nalaman ko about sa mga Shin. Yeah it's creepy.

Sinabi kasi ni Alvin sa akin na once umiyak ang mga Shin, nahihimatay sila pagkatapos. Pero si Hairo hindi. Hindi niya kasi namana yon. Si Angelika lang ang nahihimatay kapag umiiyak. It was inherited from generations to generations. Creepy diba?

Kaya ayaw na ayaw ni Hairo umiyak ang mommy at kambal niya. So sweet, ain't?


"Mitchie, nakita mo si Nathan?"


Napatigil ako sa pag-inom ng mogu-mogu at hinarap si Mei. Nilunok ko muna ang mga nata de coco bago ngumiti sa kanya ng nakakaloko. Napairap naman siya.


"Oo hinahanap ko siya. Duh~ Girlfriend here. Psh." sabi niya at bumusangot.

I chuckle. "Improving, Mei." sabi ko. "Anyway, I haven't seen him. Bakit hindi mo tawagan?"

"Tsk. Wala akong load."

"Whoa. Wait -- what? Wala kang load? And what? You're saying that cats can fly?" umismid muna ako bago uminom.


Bagsak naman ang balikat niya at napaupo nalang sa tabi ko. Nailing nalang ako dahil sa kanya.

Yan eh no. Magsisinungaling na nga lang yong imposible pa. Like duh~ siya? Si Lizza Mei Hyun mawawalan ng load? Whoa. It's like saying that there's a snow in Africa. Psh.

Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. Inalog-alog ko ang mogu-mogu ko bago nagsalita.


"Hoy sagutin mo nga ako." Napaangat siya ng tingin sa akin na nagtataka. "Bakit parang iba kung makatingin ang mga kapatid mo sa boyfriend mo? Yong parang... Parang umm... Ah! Parang may malaki siyang atraso sa kanila? Yong ganon."


I saw her stunned but she smile afterwards. Ganito ba talaga kapag may boyfriend? Ewan. Wala naman kasi akong experience sa mga ganyan eh. Wala nga akong kaibigan noon boyfriend pa kaya? Oh please!


"Nakakatawa ka talaga, Mitchie. Lol!" then she laugh. "Grabe ka, beh! Kaloka to." huminga siya ng malalim. "Okay, enough. Pfft.." I frown. "So eto nga, exagge ka lang. Inggit lang yon sila! Hahahaha!"


Napailing nalang ako dahil sa kabaliwan niya. Ang hirap din niya kausap minsan. Pero okay lang naman kasi komportable naman akong kausap siya. Loka nga lang. Ibang-iba sa mga kapatid niya. Magkaiba sila ng ugali eh. Yon ang napansin ko.

Napagpasiyahan naming lumabas ng dorm at hanapin ang boryfriend niya tutal wala naman kaming gagawin. Sabado ngayon kaya walang pasok. Hahanapin ko nalang din si Mune. Wala lang, gusto ko lang siyang makita.

Engage To A Mafia HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon