Chapter 38: Priority

2K 52 3
                                    

↭CHENY's POV↭


"He's fucking what?" pagalit na tanong ko kay Royce na ngayon ay nakayuko sa harap ko.

"W-wala na siya, Fire. Patay na siya." mahinang sagot niya sa akin.

"Fuck!" I cussed at itnapon ang bote ng beer na hawak ko kaya nabasag ito. "What did that mother fucker do? Sinong nakalaban niya? Sino ang pumatay sa kanya?!"

"Ang kambal." sagot naman ni Romel kaya napatingin ako sa kanya. "Naabutan nila siya sa fourth floor ng Lit. Building na ginagawang ng masama si Mitchie. I don't know what gotten to that man why he did that. Ang rinig ko lang sa mga usapan ng Professors, he was positive nong inexamine ang dugo niya. High sa droga ang gago."


My fist clench tightly. Napaka-tanga talaga ng gagong yon! Titira na nga lang lalabas pa ng tambayan! Pwede namang dito lang siya gumawa ng milagro at magsarili! Dinamay pa niya ang mahinang yon, at ang masaklap nahuli pa ng kambal kaya ayon! Nasa empyerno na!

Hindi ba talaga ng iisip ang taong yon?! Bakit ngayon pa?! Damn that man!

Napalingon kaming tatlo nang biglang bumukas ang pintuan ng tambayan at pumasok si leader na may madilim na mukha. Galit ang makikita sa mata niya at isang emosyong hindi ko mapangalanan.

Napalunok ako at napaatras nang tumingin siya sa amin gamit ang matatalas niyang mga mata na parang anumang oras ay papatayin niya kami at ililibing ng buhay.


"D-Death..." anas ko.

Huminto siya sa harap namin. "Is it true?"


Napatitig muna kami sa kanya bago dahan-dahang tumango. Napapikit siya ng mariin at napasapo sa kanyang ulo. Parang nagpipigil ng galit o kung ano.

Akmang magsasalita na ako ngunit imbis bibig ang bumukas nanlaki ang mga mata ko ng suntukin niya ng malakas sa panga si Royce at Romel na ikinabuwal ng dalawa. Hindi na ako nakaiwas pa sa suntok niya dahil sa gulat kaya pati ako ay nabuwal at nalugmok sa sahig at napahawak sa panga kong masakit.


"Damn it! Bakit niyo siya hinayaang magkaganon?! Tingnan niyo ang nangyari!" galit niyang sigaw sa amin. Napahilamos siya sa kanyang mukha at galit na binalingan kami. "You --- fuck! I can't believe this is hapenning!" tumalikod siya sa amin at sinipa ang mesa sa gitna ng sala at pumasok sa kusina.


Naiwan naman kaming tatlo na tulala at hawak-hawak ang parte ng katawang nasaktan dahil kay Jonathan. Galit na galit si leader. Malamang. Nawalan kami ng isang membro at siya ang mananagot kay Lady Kira. Siya ang leader kaya siya ang mapapagalitan - o mas malala pa sa mapapagalitan.

Napabuntong hininga ako at tumayo saka binalingan ang dalawa. Tumayo na din sila at pinunasan ang dugo sa gilid ng kanilang labi. Hinarap nila ako at tumitig sa akin.


"Make sure na hindi magagalit si Lady Shirone Arashi kay leader dahil sa nangyari sa anak niya. At alamin niyo ang kalagayan ng mahinang yon." utos ko sa kanila.


Tumango naman sila sa akin bago lumabas ng tambayan.


Napabuntong hininga ako saka napatingin sa gawi ng kusina. Nang dahil sa kagaguhan ni Jay-ar nasa alanganin na ako, lalo na si leader. Kakaharapin namin ang galit ni Lady Shirone dahil hindi namin nabantayan ng maayos si Mitchie, at ang galit ni Lady Kira dahil nawalan kami ng isang membro.

Engage To A Mafia HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon