Chapter 39: Truth Part II

2.4K 55 0
                                    

ANGELIKA's POV


Maganda ang panahon sa labas ngayon. Hindi gaanong mainit kasi may maraming ulap na nagfo-form ng kung anu-anong shape. Masarap din ang simoy ng hangin. Whatta great day to discharge this little wench.

Nakaupo lang ako dito sa gilid ng bintana sa kwarto ng babaeng maputla. Kausap niya si Papi habang nililigpit naman ng nurse ang mga gamit namin. Oo, namin. Kasi dito na rin kami tumira habang nandito ang bruha. Well, hindi naman sa ayaw ko, natutuwa nga ako eh. Araw-araw may napapagtripan ako.

And like the usual thing na nangyayari, bilin here, bilin there. Wag magpagod, wag ganito, wag ganyan. Augh! Kaya ayoko talaga mahospital kasi andaming bawal. Buti nalang talaga hindi kami masakitin.


"Pwede na ba akong makabalik sa school, Tito?" tanong niya kay Papi na may kung anong sinusulat sa clipboard na dala.

Tumango naman si Papi. "Yes. But sweetie, iwas ka muna sa mga gulo, okay? Napapansin ko kasi suki ka na sa clinic at hospital."

Natawa naman ako. "Papi, ikalawang bahay na niya ang hospital. Kaya feel at home na siya at bumabalik-balik pa."


Sinimangutan naman ako ng bruha habang natatawa na nailing naman si Papi saka kami tiningnan ng nakangiti. Mukhang masaya si Papi ah. Ang alam ko siya lang ang nakakaalam tungkol sa pangyayaring ito. Hindi kasi nabanggit ni Mommy na sinabi niya kena Mami, Momma at Poppa ang nangyari. I don't why pero mas better na din ito.

Hindi na muling nagawi sina Alvin dito. I know na pumunta sila dito pero umakto ako na hindi ko sila napansin. Kapag pinansin ko pa sila baka kung ano pa ang nagawa ko. I hate them for what they did. Kung makaasta na kasi sila parang wala silang pinagsamahan nong bruhang si Mitch. Simula nong dumating yong babaeng asul at berde ang mata hindi na nila pinapansin si Mitch. Tsk.


"Gel, ate ka niya kaya wag kang ganyan." nakangiting saad naman ni Papi na ikinalaki ng mata ko.

"What? Ate? No way! Hindi ko siya kapatid no. Eww~"

Natawa naman si Papi. "What I'm saying is, magiging sister-in-law mo na siya kaya be nice to her."

I rolled my eyes and cross my arms. "Duh~ matagal pa yon Papi so hindi ko siya kapatid. Ayoko nga. Hindi ko siya tanggap hangga't maputla pa din siya. Can't you see Papi? She look like a paper!"

"Gel darling, masasanay ka din." natawa siya ulit maging ang nurse na kakatapos lang magligpit. "Oh sige, pwede na kayong lumabas. Mag-ingat kayo, okay? Call me if you need something."

"Thank you po, Tito." pasasalamat ng babaeng maputla.

Ginulo naman ni Papi ang buhok niya na parang bata at niyakap ito saglit saka nginitian siya ng matamis. "No problem, sweetie. Take care."


Tumango naman siya kaya lumabas na kami. Okay na sana kaso ang nakakairita lang ay ako ang pinagdala ng isang bag niya! Hello! Sa ganda kong 'to magiging tagabuhat lang ako ng bag niya?! Kung hindi lang cute ang design ng bag niya hindi ko talaga ito bibitbitin. Iiwan ko talaga ito sa loob. Ang cute kasi ng keychain niya na color babyblue na rabbit na nakangiti at may dalang carrot. Bagay naman siya sa bag kasi aqua blue ang kulay. Hindi naman siya mahilig sa blue no?

Engage To A Mafia HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon