Chapter 14: HINT

2.7K 56 0
                                    

↭MITCHIE's POV↭


I don't know kung matatawa ba ako o hindi dahil sa nangyayari dito sa loob ng classroom namin. As always nandito na naman ako sa pinakadulo at sa gilid ng bintana habang nakatingin sa mga nagkakagulo kong mga kaklase. Ang mga lalaki ay nakasimangot at masama ang titig sa bago naming kaklase, habang ang mga babae naman ay nakapalibot sa kanya.

Aburidong-aburido ang mukha niya dahil sa ingay at kulit ng mga kaklase kong babae. Nasa bandang gitna kasi siya umupo kaya ayon pinagkaguluhan siya. Nag-iwas na ako ng tingin at bumaling na sa labas ng bintana.

Wala si Mei kasi hindi kami magkaklase sa subject na ito. Tsaka last subject ko na to sa araw na'to. Sa SC room na ako pupunta after class. Wala naman akong gagawin eh. It's better na doon ako tumambay kesa gumala ng mag-isa, ayoko ng mapagalitan nila. Lalo na si Angelika, nakakatakot siya. Ang ganda-ganda pero nakakatakot.

Napatingin ako sa katabi ko nang may kumalabit sa braso ko. Bigla akong napatayo at napaatras nang makita ko ang isang taong kinakatakutan ko. Isang taong iniiwasan ko mula noon pa. Isang taong nanakit sa akin dahil sa utos ni mommy.


"Mitch? Okay ka lang?" tanong niya kaya natauhan ako bigla.


Napakurap ako at napatitig sa mukha niya. Hindi. Si Jonathan. Si Jonathan lang pala. Namamalikmata lang ako. Parang nakahinga ako ng maluwag dahil don pero hindi pa din natigil ang pagbilis ng tibok ng puso ko.


"Okay ka lang?" tanong niya ulit.


Wala sa sariling napatango ako. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at inalalayang umupo. Napatingin ako sa paligid nang mapansin kong biglang tumahimik. Lahat sila nakatingin sa akin. Nagtataka at naguguluhan.

Napayuko nalang ako dahil sa kahihiyan. Ano ka ba naman Mitchie. Namamalikmata ka lang. Imposibleng pumunta siya dito. Napaka-imposible. Pero bakit imposible? Bakit nga ba?

Naramdaman ko ang isang kamay na humagod sa ulo ko. Napaangat ako at napatingin sa kanya.

Ano bang kailangan nito?


"Bakit?"

"Okay ka lang? Para kang nakakita ng multo nong makita mo ako."


Napaiwas ako ng tingin. Hindi multo. Demonyo.

Umiling nalang ako at ngumiti sa kanya.


"Sorry. Okay lang ako." sabi ko. "May kailangan ka?"

Napakamot siya sa ulo niya at biglang namula. "Umm... I just want to ----"

"Good afternoon class!"


Sabay kaming napatingin sa harapan nang pumasok ang professor namin.


He glance at me and smile. "Mamaya nalang."


Tumango nalang ako. Hindi na siya bumalik sa dati niyang upuan, nasa tabi ko na siya. Sa pwesto ni Mei.

Philosophy ang subject namin ngayon. Ayon discuss-discuss, then quiz. After discussion kasi nagbibigay siya ng quiz kaya madali lang kung nakinig ka. Gusto ko ang subject na'to kasi nakakatuwa ang professor namin. Napaka-jolly niya gaya ni Prof Micheal.

Engage To A Mafia HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon