A/N: At dahil super late update ako, 3 ang ia-update ko ngayon. pambawi. hahaha.
labyu guys!
↭ALVIN's POV↭
"---Miss Pres. yung copy po ng program para sa Party mamaya kailangan po ng emcee natin."
"Ms. Pres sabi po ng kapatid niyo na si Miss Anna Mei na gusto niya raw po kayong makausap about sa line-up ng performance nila mamaya."
"Ms. Pres yung approval raw po about sa sinuggest ng representative natin sa gusto niyang idagdag para sa event mamaya."
"Ms. Pres gusto po kayong kausapin ng manager ng Crucifix Restaurant para sa foods and beverages para sa event."
"Ms. Pres -------"
"Fuck it! Hinay-hinay lang pwede? Gusto niyo ba akong patayin? Ha?"
Natawa na talaga nang sumabog na sa galit ang pinsan ko. Her face is red at parang umuusok na ang tenga niya ngayon habang kaharap ang mga in-assign niyang staffs para sa Party mamaya. Sobrang dami ng kailangan niyang gawin ngayon kaya natatawa talaga ako sa kanya.
Natahimik at napayuko naman ang mga studyanteng staff sa harap niya. Good heavens. Gusto kong maawa kay L pero mas natatawa ako. Can't help it. She's really pissed off now.
Sumandal ako sa upuan ko at ginawang unan ang dalawang braso at ipinatong ang dalawang paa sa mesa ko. Hmm. So relax.
"Bakit kasi hindi mo ginawa yan noong may oras ka? Ayan tuloy tambak ka ngayon." sabi ko sa kanya at natawa.
Tumalim naman ang tingin niya sa akin at mukhang nakita din yon ng mga studyante kaya mas napayuko sila at gumilid. Natatakot na sa kanya ang mga staff namin. Tsk. Tsk. Yan ang isa sa mga kinakatakutan ng mga staff namin sa kanya. Tingin palang manginginig na sila. It's effective tho, lalo na kapag uncontrollable na ang magulong meeting.
She's worth to be called Miss Student Council President.
"Stop it Vin. I'm not in my mood now." naiinis niyang sabi at yumuko na.
May pinirmahan siya at isinulat. Mukhang sobrang seryoso niya ngayon. Tsaka mukhang wala din siya sa mood. Iba aura niya eh. Ang talim din ng titig niya.
Umayos ako ng upo at itinukod ang dalawang siko sa mesa. Tumingin ako sa pinsan kong hindi maipinta ang mukha. Talagang bad trip siya ah.
"L..."
"Shut up, Vin. Shut up."
I chuckle. Talagang focus siya ah. Ayaw niya ng isturbo. Cool. Kung ganyan lang siya tuwing nandito siya sa SC room I'm sure hindi magiging ganito siya ka-busy.
"Hear me out, L."
"If it's nonsense just keep your mouth shut Vin, before I forget you're my cousin."
At dahil don natawa ako ulit. Holy mother of God. My cousin will kill me just because of this? This is so absurd! Goodness!
BINABASA MO ANG
Engage To A Mafia Heir
ActionCheerful, caring, sweet, thoughtful, kind, beautiful, smart, gorgeous. A perfect lady indeed. But behind the perfect lady is a lonely and sad lady who silently shouts for help. A payment. Para kay Mitch, isa siyang pambayad utang ng mga magulang niy...