↭LIZZA's POV↭
Nakasimangot na humarap ako kay Mommy habang siya naman ay may ginagawa sa office table niya. Busy siya kasi malapit na ang sembreak. Sembreak means uwian! Oo uwian! Uuwi sa labas ng school. Sa mismong bahay namin.
"Mommy~" I whimpered.
Tumingin siya sa akin saglit at balik agad sa ginagawa.
Ah! Mommy naman eh. Naiinggit ako kena A at E! Ang unfair!
I pouted at nagpadausdos ng higa sa sofa. Walang pakelam kung mapano ang palda ko.
Naman kasi eh! Bakit ako lang ang hindi pwede? Nakakainis! Naiinggit ako sa kanila!
"Stop it, L. Listen to mommy, okay?" sabi niya nang hindi nakatingin sa akin.
"But mom! Gusto ko ako nalang. I can do it!"
Tumigil siya sa ginagawa niya at tumingin sa akin. I still pouted. Umayos ako ng upo at nagpapaawang tumingin sa kanya.
"L sweetie, alam kong kaya mo, pero hindi ako papayag. Ayokong -----"
"Eh! Mommy naman eh! I'm big na kasi! I can take good care of myself! I can even ----"
Napatigil ako sa pagsasalita nang panlakihan ako ng mata ni mommy. Napayuko ako at napaiwas ng tingin sa kanya. Nagagalit na siya. Hindi talaga siya papayag. Wala na talaga akong magagawa pa.
Narinig kong tumayo siya mula sa pagkakaupo. Narinig ko din ang foot steps niya papalapit sa akin at sa ilang saglit pa nasa tabi ko na siya. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at pinaharap sa kanya. She hold my chin and lift it up to face her.
"Sweetie, listen to mommy, okay? Sina A at E na ang bahalang mag-lead sa mga reapers. Ang gawin mo nalang is to focus on your own task. Being the student buddy president." mahinahong sabi niya. Trying to convince me but to no avail.
Gusto ko talaga ako nalang ang maghandle sa mga reapers. Pero nong malaman ni mommy yon, ayon, kena A at E nalang niya pinagawa. Nakakainis diba? Sana pala hindi nalang namin ito ipinaalam sa kanya. Nakakainis eh.
Atsaka, may magagawa pa ba ako? Kapag ayaw ni mommy ayaw niya talaga. Wala ka ng ibang magagawa pa kundi ang sumunod sa kung ano man ang gusto niya. But I really want to lead the reapers! Hairo trusted me on that task! Pero ano nga bang magaga----- waaaaaaaaaah! Si Daddy! Papayag yon!
Nang maisip ko yon parang may umusbong na pag-asa sa dibdib ko. Napangiti ako ng wala sa oras. Tama tama. Si daddy papayag yon! I know papayag yon!
"I know that smile sweetie. Stop it." rinig kong sabi ni mommy kaya napanguso ako, "Don't push me to my limits, L."
Napabuntong hininga nalang ako.
Edi sige. Sundin mo nalang L. Sundin mo ang mommy mo. Wala ka ng magagawa pa.
NAGTATANONG ang mga mata ni Mitchie nang makita niya akong pumasok sa dorm. Nakaupo lang siya sa sofa sa sala habang kumakain ng butter coconut. Nakapantulog na siya at mukhang hindi pa siya makatulog.
BINABASA MO ANG
Engage To A Mafia Heir
ActionCheerful, caring, sweet, thoughtful, kind, beautiful, smart, gorgeous. A perfect lady indeed. But behind the perfect lady is a lonely and sad lady who silently shouts for help. A payment. Para kay Mitch, isa siyang pambayad utang ng mga magulang niy...