Chapter 6: Protectors

4.3K 91 7
                                    

LIZZA's POV


Palakad-lakad lang ako habang nakahawak sa sentido ang kanang kamay ko. Oh my hell! Ano na naman ba ito? Kaya ayaw ko siyang nawawala sa paningin ko eh! Hindi ko alam kung may humahabol nga talaga sa kanya o may balat lang talaga siya sa pwet! Parang may magnet ng panganib eh!

Kung malaki ang problema ko parang mas malaki naman ang kay Alvin. Parang pinagsakluban na siya ng langit at lupa! Kung hindi lang talaga siya busy sa S.C Room I'm sure nandito yon. Concern ang lolo mo! Hahaha!


"L! Can you just stop walking and sit?" inis na saway ni E sa akin.


Umiling ako at sumalampak sa gitna nila ni A. Nandito kami ngayon sa sala ng office ni Mommy. Ayaw niya kaming papasukin sa loob! Nandoon sina Hairo, Angelika at Mitchie. Pinag-uusapan nila ang nangyari kanina. Oo kanina! Nawala siya bigla sa silid niya at nalaman ko nalang na may nagtangka na pala sa buhay niya! Buti na nga lang at hindi umatake ang sakit niya eh. Tsaka thanks to the twins, siguro kung hindi sila dumating for sure ---- damn! Stop it, L!

Umiling ako at pumikit ng mariin. Never in my life here in the university na may nasaktan dahil sa isang assassin. Holy hell! This place is a known elite university. It was build 20 years ago. The land was owned by the Shin Clan, and the princess --- by now is the Empress slash the Mafia Boss of KojiShin Mafia decided to build this university and named after their gang name, the legendary Black Rose Gang, led by the famous Lady Penzance. And the rest is history.

Well, those are the past and it will remain in the past. At ngayon, kailangan namin itong harapin. This problem. This fuckin problem! Dapat naming alamin kung bakit may ganito, pero holy hell! Hindi kami pwedeng pumasok ni E sa loob! Bawal na ba kami doon? Ghad!


"E! Bakit ba ganito? Why aren't we allowed to enter that fuckin room?" inis kong taong sa kanya.


Tumigil naman siya sa pagsusuklay at tumingin sa akin na parang ako na ang pinaka-tangang taong nabubuhay sa mundong ito.


"Obviously, L, ayaw ni mommy kasi hindi matitigil ang bibig mo sa kakasalita kapag kasama ka don sa loob. So, just sit down and relax." she said and continue combing her hair.


Sinang-ayunan naman siya ni A na busy sa paglalaro sa cellphone niya. I rolled my eyes on her and cross my arms and legs. Seriously? Hard core! Ang bait talaga ng kapatid ko. Nilalait lang ako. Psh. Hindi naman ako mag-iingay doon eh. I just wanna know why and how did it happen. You know, yong rason. Kailangan makasagap ako ng balita ngayon kundi mababaliw na ako mamaya. I need to know!

Kinuha ko ang phone ko at nag-type ng text. Ite-text ko nalang si Alvin baby para alam niya kung ano ang nangyari. Medyo abala pa kasi siya sa S.C Room sabi ni E at ako naman ay nasa dorm kanina nang mangyari ang pangyayaring hindi ko alam na nangyari na pala. Ang daming nangyari. Hahaha.

Pagkasend ko sa text ko biglang bumukas ang pinto ng office ni mommy kaya napatingin kami ni E at A doon. Unang lumabas si Angelika na seryoso ang mukha pero nakataas ang isang kilay, kasunod naman nito ang kambal na walang expression ang mukha, then si Mitchie na nakababa ang paningin. Marumi ang kanyang damit at may benda siya sa tuhod at siko. Then si mommy na ang nagsarado ng pinto, pumwesto siya sa swivel chair niya at humarap sa amin.


"Please follow what I told you Ms. Arashi. It's better na may kasama ka sa dorm for your safety. Hindi natin alam baka bumalik ang assassin na umatake sayo. You should stay with Lizza or anyone in this room. We should secure your safety hanggat hindi pa nahuhuli ang assassin. Understand Ms. Arashi?" sabi ni mommy kay Mitchie na ngayon ay nakatayo lang habang nakayuko.

Engage To A Mafia HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon