Chapter 19: Warmth

2.4K 42 0
                                    

A/N: At dahil hindi maganda ang pakiramdam ko this past few days, hindi ako nakapag-update. Kaya ngayon nalang. 4 chapters are up!

Enjoy reading!

~*~

↭ALVIN's POV↭


"Kyaaaah! Excited na talaga ako!" tili ni L nang makapasok na kaming lahat sa van.

"Omo! Ako rin! Did you bring your swim wear, girls?" tanong ni E sa kanila. Nakaupo siya sa ikalawang row. Nasa may bintana siya nakaupo, nasa gitna naman nila si A then si L.


Oo sa kanila lang kasi GIRLS raw eh.


"Of course! Ako pa! Bakit ko naman kakalimutan yon?" sagot naman ni Angelika na nasa harapan namin katabi ng kambal niya.

"Kahit ayoko magsuot non may dala pa din ako." nakangising sabi ni A.


Then lahat sila napatingin ng sabay kay Faith na tahimik lang na nakaupo sa tabi ko. Nanlaki ang mga mata niyang medyo singkit at umiling. Siguro alam na niya kung bakit siya tiningnan ng mga baliw.


"Wala kang dalang swim wear, Mitchie?" mataray na tanong ni Angelika sa kanya.

"M-meron. Rush guard ang dala ko -----"

"What? Wag yan! Hindi mo isusuot yon! Don't worry may mga extrang two piece ako sa rest house ipapahiram ko sayo!"

"Ay tamang-tama, Gel! Sabay-sabay na tayo magbihis mamaya!" si E yan.

"Good idea, E!" sabay na sabi nila maliban kay Faith na nakangiwi.


Napailing nalang ako. Inakbayan ko si Faith kaya napatingin siya sa akin.


I smile. "Wear what you think you'll be comfortable with."


She just smile and nod. Ngumiti din ako at ginulo ang buhok niya.

Nag-usap-usap na naman ang mga babae kung ano ang una nilang gagawin nang magsalita si Tito Shiro kaya napatingin kami lahat sa kanya. Pumasok siya sa van at umupo sa driver's seat, kasabay niya sa pagpasok si Jonathan na umupo sa passenger's seat.

Kasama pala yan? Tsk.


"Relax now everyone! Okay na lahat ng gamit niyo sa kabilang van, atsaka na una na sina onee-Kelly at onii-Marco, pati na din sina Tita. Just sit back and relax, guys, cause this will be fun!" natutuwang sabi niya at ini-start na ang sasakyan at umalis na kami.


Sa Rest House ng mga Lee kami pupunta. Sila kasi ang nag-aya kaya doon kami pupunta.

Kasama namin mga parents namin at si Tito Shirojin, well except sa parents ni Faith at ng boyfriend ni L. Hindi naman sa walang tiwala sa amin mga magulang namin, sadyang planado na talaga ang lahat.

Atsaka, nakasanayan na kasi namin ang magbakasyon ng sama-sama and this is the first time na may kasama kaming iba. Ngayon kasi kasama na namin si Faith at ang asungot. Si Mama Kelly na mismo ang nagsabi na isama raw namin ang MGA kaibigan namin. Eh for me, si Faith lang naman ang kaibigan ko, naisama lang talaga yang asungot kasi ewan ko.

Engage To A Mafia HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon