↭EZZA's POV↭
Tiningnan ko ng masama si Nathan nang bigla siyang tumalon palayo sa akin at hinila si A kaya muntik na siyang matamaan ng dagger na hawak ko. Nanlalaki naman ang mga mata ni A na nakatingin sa akin pero agad niya ring binaling ang tingin niya kay Nathan na nakatayo lang ilang metro ang layo sa amin."Matagal pa ba yan?" tanong ni L kaya binalingan ko siya ng tingin at tinaasan ng kilay.
"Eh kung tumulong ka kaya para matapos siya agad?" mataray kong tanong sa kanya.
Hindi na siya sumagot pa at nagkibit balikat lang saka binalingan ang cellphone na dala.
Seriously? May gana pa siyang magcellphone habang nasa gitna kami ng laban? Wala ba siyang planong tulungan kami? Kanina pa siyang nakaupo sa isang upuan habang nakatingin sa amin na nakikipaglaban sa lalaking naging dahilan siya nawala sa amin. Kapag may nagtatangka namang lumapit at umatake sa kanya tinatapunan niya lang ito ng dagger sa noo kaya walang nakakalapit sa kanya.
Umismid ako at muling binalingan ang gago. Tumaas ang kilay ko nang makitang na kay L ang atensyon niya. I even saw his lips curve a small smile.
Napatingin ako kay A nang siniko niya ako ng mahina at nagkatinginan kami. Sabay kaming tumago sa isa't-isa at mabilis na tinapunan nag sunod-sunod na dagger si Nathan pero naiwasan niya ito agad. Napangisi ako nang masugatan siya sa braso.
Walang emosyon siyang tumingin sa amin.
"Do you really want to kill me?" tanong niya sa amin.
I sneer. "Of course! Pahirap ka sa buhay!"
"100% sure! Kung di dahil sayo hindi nawala sa amin si L ng matagal na panahon!" A
"Pa'no niyo naman nasabi na ako talaga ang may kasalanan?"
Ipinaikot-ikot niya ang kutsilyo sa kamay niya.
"Duh~ Sino pa ba ang sisisihin namin? You brainwashed our sister!"
"You made her hate our mom!" A
"Ikaw ang ---"
"Enough, A, E." napatingin kami kay L nang bigla siyang magsalita. Naktutok pa din sa cellphone ang atensyon niya. "Nakakarindi kayo."
Sisinghalan ko na sana siya nang makita ko ang isang assassin na tinutukan ng pana si L. Lalapitan ko na sana siya para protektahan pero may isang kutsilyo ang lumipad at naharang ang pana kaya hindi natamaan si L, at may isa pang kutsilyo na lumipad at tumama sa lalamunan ng assassin kaya natumba ito at namatay.
Nanlalaki ang mga mata namin at sobrang bilis ng tibok ng puso ko. L just smile as if she didn't notice what just happen.
"Thanks." she said.
"W-what ---"
"Get your ass up and fight me." malamig ang mga tinig ni Nathan habang sinasabi niya iyon.
Sabay kaming napatingin sa kanya. Nakapamulsa siya at walang emosyon na nakatingin sa amin. Tumayo si L at lumapit sa amin. Hinarap niya na din si Nathan at tiningnan ng mataman.
"No."
"What?! L! We need to kill him!" sigaw ni A sa kanya.
Umiling siya at mapait na ngumiti. "We don't ---"
"Oh what a pleasant surprise!"
Lahat kami napabaling sa taas ng balcony sa second floor. Gulat man pero hindi na namin ito pinahalata pa. Walang emosyon namin siyang tiningnan. She's grinning from ear to ear. May hawak siyang baril sa kanang kamay. Nakangisi nga pero makikita pa rin ang galit sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Engage To A Mafia Heir
БоевикCheerful, caring, sweet, thoughtful, kind, beautiful, smart, gorgeous. A perfect lady indeed. But behind the perfect lady is a lonely and sad lady who silently shouts for help. A payment. Para kay Mitch, isa siyang pambayad utang ng mga magulang niy...