Chapter 27: Understand?

2K 50 0
                                    

↭ALVIN's POV↭


Nakayukong lumabas ang mga katulong sa tinutuluyan ng mga Hyun. May dala-dala itong mga tray na may pagkain, inumin, pampunas, tubig at kung anu-ano pa. Napatingin sa akin ang isa sa kanila at ngumiti ng malungkot. I sigh and nod my head.

She's still the same. Lahat nag-aalala na para sa kanya. Lahat gusto siyang damayan. Pero niisa walang nakapagpalubag ng kalooban niya. I sigh again as I look at the sliding door. Naglakad ako papalapit sa sliding door at pinagbuksan ng dalawang lalaki matapos tumango sa akin.

Naglakad ako papalapit sa kwartong pinagpapahingahan niya at doon nakasalubong ko ang dalawa sa triplets. Malungkot ang mga mata na puno ng pag-aalala. Napahinto sila at napatingin sa akin. Mabilis umagos ang mga luha nila sa mata at yumakap sa akin. I sigh again and pat their back as I hug them back.

Ganito palagi ang nangyayari kapag bibisita ako sa bahay na ito. Wala na ang masayahing aura ng lahat. Kahit saang sulok ka tumingin kalungkutan lang ang bubungad.

Humiwalay na sila sa yakap at humrap sa akin. E wipe her tears and look at me.


"O-one week na siyang ganon. H-hindi kumakain, palaging umiiyak. Nakakatulog lang siya dahil sa pagod matapos umiyak, pagkagising niya iiyak na naman siya at sasaktan ang sarili." she said in a small voice.

"Hindi namin siya makausap ng maayos. Palagi niya lang sinasabi kasalanan niya ang lahat. I-I can't stand seeing mommy like that." A said as she continue crying.


Napatingin ako sa sliding door ng kwarto nina Mami. Mula sa kinatatayuan namin maririnig ang iyak at palahaw ni Mami. I can feel her pain and sorrow just by hearing her cry. Hindi na namin alam kung ano dapat gawin sa kanya para mapatahan lang siya.

Sinabihan ako ng dalawa na pumasok sa silid matapos nila akong tanungin kung may balita ba. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa silid. And there I saw a woman crying her heart out loud while holding a silver bracelet with a letter 'L' design on it.

Napaangat siya ng tingin sa akin at mabilis ako nilapitan. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ng mahigpit habang nakatingin sa akin na may pag-asa sa mga mata. It pains me as I stared to her back.


"A-Alvin! How was it? Nahanap na ba ang anghel ko? Nakita na ba siya? Maayos ba ang kalagayan niya? Nasaan siya?" sunod-sunod na tanong ni Mami. "Nakita na siya hindi ba?!"


I bite my lower lip and look down as I shook my head slowly.

Dahan-dahang lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin at napaupo nalang sa sahig at umiyak ulit. Nawala na ang sumibol na pag-asa sa mga mata niya at napalitan iyon ng lungkot, pangungulila at pagsisisi.

Napapikit ako ng mariin nang sumigaw siya dahil sa frustrasyon. Napamulat ako agad at pinigilan siya nang simulan na naman niyang saktan ang sarili. Niyakap ko siya ng mahigpit para hindi na niya masaktan pa ang sarili dahil sa nangyari.


"Mami, please stop. Don't do this to yourself. Please." I plead.

"No. No! My angel is now missing because of me! I don't know kung nasaan siya! I don't know kung nasa mabuti ba siyang kalagayan! I want to relax but I just can't! All I see is the blood scattered on the snow with those seven dead bodies of bandits and her blooded bracelet! My daughter is missing, Alvin! Your cousin is missing because of me!"

Engage To A Mafia HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon