↭JONATHAN's POV↭
Nasa harap namin ngayon ang mga gangsters at assassins na under namin. Lahat sila matamang nakikinig kay Cheny na siyang nagsasalita at nagbibigay ng instruction sa kung ano ang mga gagawin nila.
Hinati ang mga gangsters at assassins sa dalawang tigdadalawang grupo. Ang unang grupo ng mga gangsters ay assassin ay sa south part at east wing ng mansion. Ang ikalawang grupo naman ay sa west wing ng mansion. Ang mga natira ay sasama sa amin sa harapang bahagi ng mansion.
Naghiwa-hiwalay kaming tatlo at pinamunuan ang mga grupo. Sumama si Cheny sa unang grupo sa harapang parte ng mansion, si Royce naman ang sumama sa ikalawang grupo ng assassins at gangsters sa East wing ng mansion, at ako sa likurang bahagi.
Inilabas ko ang dual blade samurai ko at umuna ng naglakad papunta sa entrada ng South part ng mansion. Kasunod ko naman ang mga assassins at gangsters na natira. Ramdam ko ang tension na bumabalit sa buong paligid. Ang mga mabibigat na aurang may matinding ipinaglalaban. Ang kagustuhang tumapos ng buhay at manalo. Ito na. Ito na ang simula ng huling laban.
"Kumalat ang lahat. Maging alisto kayo sa lahat ng oras."
"Masusunod, Death."
Nagsikalat na ang iba ko pang kasamahan.
Nagsimula na ang putukan at sigawan sa buong paligid. Mga panaghoy at pag-inda ng sakit.
Napahinto ako sa paglalakad nang nay marinig akong pamilyar na boses. Napaatras naman ng bahagya ang mga kasama ko nang biglang mabasag ang malaking glass window ng mansion at pumasok ang tatlong babaeng nagtatawanan na nauwi sa pagtatalo.
"Ako ang nakabasag!" Sigaw ni A sa dalawa.
"Assuming ka! Ako kaya! Dahil sa sipa ko!" Sigaw naman pabalik ni E.
"Mga gaga! Ako! Kasi ako ang nakaisip!" Sigaw ng bunsong si L.
Sinamaan siya ng tingin ng dalawa. Nagtititigan sila ng masama nang dumating ang mga kasama nila na napakamot nalang sa ulo nang makitang nag-aaway ang triplets.
"Magandang pagkakataon ito para umatake, Death." Bulong sa akin ng isang assassin.
"Kapag umatake kayo, kahit hindi gumalaw ang tatlo, ang mga assassins na kasama nila ang haharap sa inyo."
"Pero ---"
"Ako nga! Ako ang naunang makabasag!" A
"Hindi nga ikaw!" E
"Pakyu kayong dalawa! Ako nga sabi!" L
"A-ah y-young lady ---"
"Ano?!" Napaatras naman ang assassin na lumapit sa kanila at mukhang natakot sa sama ng tingin ng tatlo.
Gusto kong matawa pero pinigilan ko.
Hanggang dito ba naman mag-aaway sila? Tsk. Immature brats.
Sinenyasan ako ang mga assassin ko na umatake na. Mabilis silang gumalaw at hinarap ang mga kalaban. At gaya nga ng inaasahan ko, kahit na hindi gumagalaw ang magkakapatid, ang mga kasama nila ang humarap sa mga kasama ko.
Hinigpitan ko ang hawak sa dual blade ko at tumalon ng mataas at pasulong na naglanding sa tatlo na nagawa naman nilang iwasan. Tiningnan nila ako ng masama na ikinangisi ko lang.
"Isali niyo naman ako sa away niyo." Nakangising saad ko.
"Panira ka!" Sigaw ni L na nginisihan ko lang.
BINABASA MO ANG
Engage To A Mafia Heir
ActionCheerful, caring, sweet, thoughtful, kind, beautiful, smart, gorgeous. A perfect lady indeed. But behind the perfect lady is a lonely and sad lady who silently shouts for help. A payment. Para kay Mitch, isa siyang pambayad utang ng mga magulang niy...