Chapter 4: She need someone

4.8K 102 0
                                    

MITCHIE'S POV

 

"Mitc-----"

"Mei, I swear I'm fine. Look oh. This wound in my neck is healing. So -----"

"Faith!!"


I frown. Hindi ko na alam kung matutuwa ba ako dahil concern sila sa akin o maiinis dahil sa ka-OA-han nila.

Simula kasi nong nangyari sa akin ang trahedyang yon, hindi na sila lumayo sa akin. Kahit na tatlong araw na ang lumipas. Oo tatlong araw na. Ayos lang sana kung silang dalawa lang, kaso minsan kasama nila yong babaeng bumato sa akin ng dagger sa clinic, si Ezza Mei raw yon, at yong babaeng sumugat sa leeg ko, si Angelika Infinity.

I don't know kung ano ang ugnayan nila. Close naman sila. Baka magkaibigan. Baka nga.

Natatakot pa din ako sa kanila pero hindi na gaano. Wala naman na silang ginagawang masama sa akin pero ang tataray nila sa akin. Yong akala mo kung ano ang kasalanang nagawa ko. But it's fine tho.

Pumasok si Alvin sa room namin at tumai sa akin. Umakbay pa siya after he kiss my cheeks.


"Good morning Faith!" masayang bati niya sa akin.

"Good morning, Alvin. Teka bakit ka andito? Bawal ang boys dito sa pagkakaalam ko." sabi ko na may pagtataka.


Totoo. Bawal pumunta ag mga lalaki sa dorm ng girls, and vice versa. Nabasa ko lang sa handbook. Siguro naman alam niya yon diba kasi Vice Pres siya.

Lumakad siya kaya napasabay ako.


"Yup, okay lang. I'm the Vice-Pres, kaya hindi problema yon, tsaka andito ang pinsa------"

"Alvin Park! Hindi porket VP ka eh pwede mo ng gawin yon! At grabe ka! Ako na pinsan mo hindi ---- hoy kinakausap pa kita wag kang bastos!!" hindi ko na narinig pa ang sinabi ni Mei kasi bigla nalang akong hinila ni Alvin palabas ng room.


Gumugilid at nag-ba-bow ang mga estudyanteng nakakasalubong at nadadaanan namin.wow ah. The perks of being a S.C officer.

Nakaakbay pa din siya sa akin kaya pinabayaan ko na. Medyo sanay na din naman ako eh. Pero hindi ako sanay sa mga naririnig ko. Like: "Kebago-bago sipsip na sa S.C Pres.", "Flirt. Si Alvin pa talaga ang nilalandi niya.", "Attention seeker." and such.

Yumuyuko nalang ako at hindi na sila pinatulan pa. Hindi din naman totoo yan. Papabayaan ko sila sa mga pinagsasabi nila, basta wag lang nila akong saktan. Tsaka, si Alvin at Mei na raw ang bahala sa akin kapag sinaktan nila ako. Ayoko mang pumayag kasi alam ko mas lalala lang, pero hindi sila magpapapigil eh.


"*ehem* I smell something fishy."


Napatingin kami sa nagsalita at napahinto sa paglalakad. Si Ezza Mei.


"Good morning, E." bati ni Alvin.

"G-good morning..." nauutal na bati ko sa kanya.

"Hi there, bitch. Be honored, the Queen just greeted you. Oh siya. Alis na ako. Anlansa niyo." sabi niya sabay flip ng hair at lumakad palayo sa amin kasunod ang dalawang babaeng parang espasol saputi ng mukha.

Engage To A Mafia HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon